"Sino ka!!?" Sabi ko hawak ang kahoy . Nakasuot sya ng parang katulad kay Jeong Do pero sa tingin ko Hindi naman sya prinsepe. Wala naman kasing especial sa kanya.
"Haayyss.. Ganyan ka ba sa prinsepe?" Sabi nya at nagpapagpag ng damit. Binaba ko naman ang kahoy ko dahan dahan lumapit sa kanya. Tinitigan nya naman ako."Hindi ka ba magbibigay galang?" Sabi nya. Matangkad sya na kulay itim ang buhok. Mas singkit ang mata nya kaysa kay Jeong Do. Makinis rin ang mukha nya.
"Bawal magkagusto ang alipin sa prinsepe" sabi nya. Nagbow naman ako.
"Nakakaamoy ako ng mabango eh. Nakatulog ako sa puno. Nakakatamad pumunta sa pagdiriwang. Eh ikaw nandito ka? Di ba dapat nandun ka?"
"Pinabalik ako dito. Haayy.. Kasalanan ko bang di ko alam na dito kami pupunta? Intern ako pero tagapagsilbi ako! Unfair!!" Sabi ko. Napatitig lang sya sken at walang emosyon sa mukha nya.
"Ah.. Eh. . May gagawin pa ako" sabi ko. Bumalik ako sa kawa. Naglagay ako ng gatas at hinalo ito."Ang bango naman nyan. Ano ba yan?" Sabi nya sa akin.
"Hmmm.. Di ko rin alam eh. Nag ekperimento lang ako sa lahat ng natirang rekado sa kusina"
"Hmmmmm hindi na rin masama. Gusto ko sya matikman" sabi nya at umupo sa gilid malapit sa akin.
"Hmmm.. Baka hindi masarap" sabi ko at nilagay ko na ang itlog at hinalo pa. Lumalapot na rin sya. Dinikdik ko ang kalabasa. Malambot na rin to dahil inisteam kasi ito kanina.
"Edi subukan natin" sabi nya.Tinitigan ko sya. Gwapo sya. Matured na rim ang itsura nya. Prinsepe ba talaga to? Eh kasi . .
"Ang pagkain?" Sabi nya
"Ah. . Eh. . Okay. Saglit na lang"
"Nakakapagod rin maging prinsepe alam mo ba?"
"Ah. . Pasensya na po kamahalan" sabi ko
"Para saan?"
"Wala pa po kasi akong alam sa inyo"
"Ahh.. Mukhang bago ka pa nga dito kaya wala ka pang alam. Makikilala mo rin ako" sabi nya at ngumiti. Tumango naman ako
"Kamahalan, kukuha lang po ako ng lalagyanan at ibang pampalasa" sabi ko sa kanya.
"Sige"Bumalik ako sa loob. Nakakarinig ako ng tunog ng lalakad sa labas.
Biglang bumukas ang pinto ng kusina. Nakita kong hingal na hingal si Lady Ha. Bakit kaya?
"Magpakulo na agad ng tubig sa kawa. Magmadali!" Sigaw nya sa ilang tagapaglingkod. Tumingin sya sa akin.
"Anong tinitingin tingin mo!? Kumilos ka!" Sabi nya. Nagbow naman ako at nailapag ko yung bowl sa mesa."Lady Ha, may nalutong soup sa kawa" sabi ng isang tagapagsilbi
"Ha?! Sinong!" Sabi nya at nagmadaling lumabas. Ramdam ko ang kabog sa dibdib ko. Hala! Hindi ko sya pinaghandaan! Experimento ko lang yon!Lumabas ako. Wala na rin ang prinsepe. Si Lady Ha at tagapag silbi ang nandoon.
"Kutsara!" Sabi ni Lady Ha. Tumingin naman sila sa akin. Nagmadali akong pumasok at kumuha ng kutsara. Binigay ko ito kay Lady Ha. Tinikman nya ito.
"Ihanda na ito sa pagdiriwang!" Sabi nya. Nanlaki ang mata ng tagapagsilbi.
"Lady Ha, hindi ito hinanda ng tagapagluto ng hari" sabi ng isang lalaki. Marahil ay cook sya
"Hindi pa ako handang magpakamatay. Sumunod na" sabi nya.
"Opo" sabi ng lahat.
"Ikaw! Maiiwan ka lang dito" sabi ni Lady Ha sa akin
"Opo " sabi ko. Kinakabahan pa rin ako dahil hindi ko naman sure yung niluto ko. Chamba lang yon tsaka anong magpapakamatay? O.A naman! Dahil lang sa pagkain may pagpatay na? Nakita kong sinandok na nila yung soup. Kinakabahan pa rin ako.Mabilis rin silang umalis dala ang tray na may lamang soup na ginawa ko. Sinundan ko sila kaso palihim lang. Napaka tahimik sa buong palasyo. Marami namang ilaw kaya makikita mo ang bawat sulok.
Nakasilip ako sa gilid at pinapanuod silang magbigay ng soup. Tinignan ko ang hari. Nakangiti sya habang binigay ang soup. Kinuha nya agad ang kutsara nya. Nakangiti syang tinikman ito. Napangiti si Lady Ha ng tuloy tuloy na hinigop ng hari ang sabaw. Nagpatuloy ang kasiyahan. Minabuti kong umalis na. Hindi naman ako pinapapunta sa kasiyahan eh kaya mag iikot nalang ako.
BINABASA MO ANG
My Royal Bride (Book 3)
DragostePaano kung hinayaan mo na lang ang panahon na magdikta ng Lovestory nyo? Makikijoin ka pa ba? Paano kung yung Promise nyo wala na palang halaga? Ipaglalaban mo pa ba? Mga wattpad Readers inaalay ko po ang pangatlo at Huling libro ng Royal Love ni Rh...