Chapter 11

530 15 1
                                    

"Mabigat na gawain ang napunta sa atin. Aasahan ko na magagawa natin ito ng maayos" sabi ni Lady Ha
"Opo Lady Ha" sabi naman namin

Kumuha na kami ng Balde na may tubig at sabon. Nagsimula na kaming lahat mag kiskis ng sahig ng Gazebo. Napakalaki nito para sa amin pero pinatulong na ni Lady Ha ang ibang alipin para maglinis ng damo sa lugar na kakasalan ng Prinsepe.

"Ano kaya itsura nung prinsepe?" Tanong ko sa kapwa ko tagapaglinis. Tumingin naman sya
"Isa sa mga kilala tsaka pihikan sa babae yung ikaunang Prinsepe"
"Pihikan?" Tanong ko sa kanya
"Oo, hindi sya yung tipong maraming babae" sabi nya pa at nagpatuloy sa pag kiskis ng sahig
"Sinong nagsabi na mag usap kayo habang naglilinis?" Nagulat kami dahil si Lady Ha pala yung nandoon
"Patawad po" sabi ko.

Nahiga ako sa kwarto ko. Utos ni Lady Ha na walang lalabas sa amin kung Hindi naman kami maglilinis.
"Rhian?" Mahinang bulong sa labas ng pinto ng kwarto ko. Dahan dahan rin syang pumasok.
"Cho Hyo!" Mahinang sabi ko
"Hindi ka ba abala?" Sabi nya. May dala syang papel at pang sulat. Alam ko na gagawin namin
Mag aaral ulet magsulat at magbasa katulad nung gabing tinuruan ko sya.

(Jeong Do's POV)
"Narito na ang mga Prinsepe!" Sigaw ng tagapag payo ng hari. Pumasok na ako. Nakaupo na ang hari, inang Reyna, Reyna at ang Ina ko, ang Royal Mistress

Pumasok na ako kasabay ng kapatid ko. Nagbow ako at umupo na sa mahabang table ng katabi ng aming Ina at kaharap ang Inang Reyna, sa gitna naman ang mahal na hari.

"Narito na ang ikaunang Prinsepe at Si Lady Shin" sabi ng tagapagpayo ng Hari. Pareho silang naka suot ng traditional na damit namin. Nagbow silang dalawa at naupo sa tabi ng Ina ni Dominic. Sumunod naman yung nakababatang kapatid ni Dominic.

Inihain na ang pagkain. Nakangiti ang lahat maliban nga lang sa aking ina.

"Nagulat ako sa biglaang anunsyo ng kasal mo Dominic" sabi ng hari.
"Patawad po kamahalan" sabi ni Lady Shin
"Masayang pagbati sayo Prinsepe Dominic" sabi ko
"Salamat" malumanay nyang tugon
"Ako'y nasasabik na. Hindi ba't masaya rin kung ipaparating natin ito sa buong mundo?" Sabi ng Reyna, Ina ni Dominic
"Pinili lang po namin na gawin itong pribado kamahalan" sabi ni Dominic

(Rhian's POV)
Busy na ang lahat kasi kasalan na ng Prinsepe ngayon. Walang tagapaglingkod at alipin na hindi kumikilos para sa pagdiriwang.

Nililinis rin namin ang Gazebo. Naihanda na rin ang mga bulaklak at isang malaking table para sa Prinsepe at sa unang asawa ng Prinsepe. May ilan ring bisita kaya magarbo ang naging ayos ng gazebo. May mga lanterns rin. Inihanda na rin ang pagkain sa mesa ng bawat isa.

Natanaw ko ang palanquin ng ikakasal. Nakayellow ang nagbubuhat palanquin. Nandoon siguro yung mapapangasawa ng Ikaunang Prinsepe.

"Rhian?" Sabi ni Lady Ha sa akin. "Lady Ha." Sabi ko sabay bow
"Dahil tayo na lang ang natitirang empleyado ng JD nais kong tulungan mo ako sa pag hahandog ng regalo ni Prinsepe Jeong Do sa Ikaunang Prinsepe" sabi nya
"Opo Lady Ha"
"Nasa kwarto mo na yung susuotin mo" sabi nya
"Salamat po" sabi ko. Umalis na rin naman sya. Nakabow pa rin ako.

(Won Dok's POV)
Dumating na rin ang dapithapon. Pinili ni Kuya Dominic na hapon ganapin ang kasalan para gabi ang kasiyahan.
"Nasaan si Jeong Do?" Tanong ni Ina. Katabi ko sya
"Sa salu-salo na lamang sya makakarating Ina" sabi ko

Narinig ko na ang tambol. Natatanaw ko na rin ang Palanquin ni Lady Shin. Naghihintay na rin si Dominic sa harap ng gate.

"Hindi ba't pangalawa ng kasalan ito ni Prinsepe Dominic?"
"Oo, nagsimula ito kay Princess Hyun" sabi ni Ina.

My Royal Bride (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon