Chapter 3

683 23 0
                                    

Nakasakay ako ngayon sa eroplano papuntang Pilipinas. Ready na rin ako sa Wedding ng bestfriend ko pero naiisip ko lag kung nandun si Dominic.

"Ma'am? Any refreshements?" Sabi ng flight attendant
"Lemonade please" sabi ko

(Sybill's POV)
"Maraming salamat sa pumunta sa kasal namin" masayang sabi ko. Tapos na ang wedding ceremony. Beach wedding yung naisipan namin ni Jerome kaya yung pinag ipunan namin sa DJOH yung ginamit namin, narentahan namin yung buong resort. Sinabay na rin namin yung Baby shower namin. Yung jewelries ko na suot ay si Rhian yung nagdesign tapos pinagawa nya sa isang Jewelry shop meron pa ngang Diamond na hugis heart.

Kakasimula pa lang ng Reception. May program palang naihanda para sa amin. Nakita ko rin yung saya sa mukha ni Jerome lalo na nung nagpalitan na kami ng I do.

Hindi dumalo si Sir Dominic kaya pansin ko medyo malungkot yung bestfriend ko. Di ata gumana yung plano namin ni Jerome na sa isang table sila kaya ang lumabas tuloy mag isa lang si Rhian sa table nya.

Habang nag naghahandog ng kanta para sa amin ni Jerome, nakita ko yung Mama ko na lumapit sa table ni Rhian at kinausap. Sa wakas nakita ko rin yung ngiti ng bestfriend ko.

Biglang lumiwanag ang pinto ng reception hall dahil nga sa tanghali at tinted yung glass ng buong hall, nkakapukaw pansin kung may taong dadating at magbubukas ng pinto.

Pero. .tama ba nakikita ko?

Si . .

SIR DOMINIC!

(Rhian's POV)
Bumungad sa pinto si Dominic. Hindi ko inaasahan na darating pa sya. Kasama nya si Miss Shin na nakangiti pa habang papasok ng hall. Karamihan sa amin ay napatingin sa kanila dahil sa liwanag na nanggaling sa pinto.

May nag accompany naman sa kanila nung pinakita nila yung invitation card. Sinusundan ko ng tingin si Dominic at papalapit sya ng papalapit sa akin.

"Rhian?" Nagulat na sabi ni Shin. Ngumiti lang ako.
"This is your reserved table ma'am" sabi nung nag aassist. Hindi naman ako nagulat. Tinignan ko ng masama yung bestfriend ko. Ngumiti sya at nag peace sign.

"Can we transfer to other seat?" Walang emosyon na sabi ni Dominic
"Uhmm.." sabi nung nag aassist
"No. We're okay here" sabi ni Shin at naupo na. So kaming tatlo lang sa table. Ininom ko ng diretcho yung wine.

Nanginginig ako

Kinakabahan.

Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ng usapan.

Nakatingin lang si Dominic kila Sybill. Ano na naman dahilan ng panunungit nya? :/

"It's nice to see you again Rhian after a few months" sabi naman ni Miss Shin. Nginitian ko sya. Bakit ba ninenerbyos ako?!!
"You too" sabi ko na lang.

Nagulat ako ng kinalabit ako ni Jerome at nilahad ang kamay nya.
"Can I have this Dance?" Sabi nya. Napatingin ako kay Dominic na wala pa ring emosyon sa mukha nya. Hinawakan ko ang kamay ni Jerome at tumayo.

Nagsimula syang gumalaw. Waltz yung sinayaw namin. Nakangiti ako kay Jerome at sya naman ay nakatitig sa akin.

"Marunong ka pala magwaltz?" Nakangiting tanong ko
"Nagpractice kami ni Sybill" sabi nya. Tumango ako
"Jerome. ."
"Hmm?"
"Kapag tumakbo ako papalabas ng hall ibig sabihin nahihirapan akong makita sya"
"Pasensya na Rhian"
"No. Okay lang yun, iba lang kasi yung pakiramdam ngayon"
"Naiintindihan ko Rhian" sabi nya.

Nakita ko naman yung bestfriend ko na kasayaw yung papa nya. Inikot ako ni Jerome at inihatid uli ako sa upuan ko para si Sybill naman ang isayaw nya.

My Royal Bride (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon