Chapter 18

507 17 1
                                    

"Handa na ba ang lahat sa pagsalakay sa bayan? Magnanakaw tayo ng mga pagkain na kailangan natin" Sigaw ko
"Opo pinuno"

Sa grupo namin. Nasa 20 lang ang kasapi pero masasabi ko na malakas at matibay kami. Hindi nila kayang masakop ang lugar namin dahil sa mga nakapalibot na mababangis na lobo.

"Humanda sa pagsalakay!"

Ako si Shi Min Ju, pinuno ng mgs rebelde na gusto lang makamit ang kalayaan mula sa makalumang pamamalakad ng Korea.  Ako ang tatapos sa Dynasty ng Korea.

"SUGOD!!" Sigaw ko.

Hawak ang mga sandata na ninakaw pa namin sa mga kawal ng Hari at mga palaso na may apoy. Susugod kami sa bayan.

Sinumulan ng patayin ng mga kasapi namin ang mga walang kaalam alam na mga tindero. Habang ang iba ay nagnanakaw ng mga pagkain at gamot na maari naming magamit. Iwinasiwas ko ang espada ko sa nagtangkang kawal ng hari na sugurin ako. Pagkatapos ng limang taon na pagsasanay ko upang maging pinuno ng mga rebelde alam kong handa na ako sa pagpatay sa hari.

"PATAYIN ANG LAHAT! WALANG ITITIRA!" Sigaw ko.

(Dominic's POV)
"Kamahalan! Umaatake ang mga rebelde sa bayan!" Sigaw ng Tagapag lingkod ng hari sa gitna ng diskusyon naming magkakapatid.
"Ihanda ang mga kawal. Susugod tayo laban sa mga rebelde" sabi ni King Yuan.
"Ihanda mo na ang sarili mo Prinsepe Jeong Do. Ikaw ang magiging heneral sa laban" sabi pa nya. Tumango naman si Jeong Do
"Magbabantay ako para sa mgs sugatang kawal" sabi naman ni Won Dok
"Ako. ." Mahinang sabi ko. Hinawakan ako ni Shin para hindi ako makisali sa pag atake

Hindi ko rin alam kung paano ako makakatulong sa kanila. Hawak hawak lang ni Shin yung kamay ko habang tinitignan ko lang sila na papalabas ng hall na iyon.

"Wag kang aalis. Wag kang magtangkang iwanan ako" mahinang sabi ni Shin sa akin
"Kailangan ko rin tumulong sa mga kapatid ko"

"Hindi ka nila kailangan"

"At bakit hindi?" sagot ko

"uhmmm..."

Hindi ko na sya pinakinggan at umalis na ako kasama ang mga kapatid ko.

(Yuan's POV)

Nagsuot na lahat ng sandata at nagdala na kami ng mga kagamitan para salakayin ang mga rebelde.

"buksan ang tarangkahan! magmadali para sa pagkilos sa bayan" sabi ko. Binuksan na nila ang pinto ng palasyo. Tanaw ko ang mga papalapit ng mga rebelde.
"HUMANDA NA SA PAGSALAKAY!" sigaw ni Prinsepe Jeong Do
"SUGOD!" Sigaw ni Jeong Do

Lumusob ang unang pagkat ng mga sundalo. Sumuggod sila sa mga nakaitim na rebelde. Pawang kaunti sila pero masasabi ko na malakas at mahusay sa pakikipaglaban.

nakita ko na unti unting nawawala ang mga sundalo ng palasyo. Dumadanak ang dugo sa bayan. Pati mga taong bayan ay dinamay nila.

"HUMANDA ANG PANGALAWANG PANGKAT SA PAG SUGOD!" sigaw ni Jeong Do.

Alam ko sa pagkakataong ito ay sasama sya pakikipaglaban sa mga rebelde.

Sumugod na agad sila kasama si Jeong Do.

(Jeong Do's POV)

Tumakbo na ang mga kabayo namin. hawak ko ang espada at panangga ko mula sa rebelde. Sinaksak ko ang rebelde na tangkang susugod sa akin mula sa likod. Nakita ko ang dugo ng rebelde na dumaloy sa espada ko.

Bumaba ako ng kabayo at nagsimula makipag patayan sa mga rebelde. Mula sa malayo, nakikita ko ang isang babae na walang habas na pumapatay ng mga sibilyan sa bayan. Nagkatinginan kami ng babae. Naglalakad sya ng mabagal sa gitna ng mga nagpapatayang sundalo at masasabi kong tao nya. Sinusubukan kong lumapit sa kanya pero hinaharang ako ng mga rebelde kaya wala akong magawa kundi patayin sila at alisin sa dinadaanan ko.

My Royal Bride (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon