Nakapahabang paglalakad ang ginawa namin at tahimik talaga sya.
"Maraming matatagpuan dito dahil dito nakapreserve ang mahigit 900 relics at 40,000 artifacts mula pa nung Joseon Dynasty" sabi nya at bigla syang lumiko. Sliding door yun na automatic. Pumasok kami dun.
"Dito sa first floor makikita ang display tungkol sa Royal Childbirth, education at scholarly culture." Sabi nya. Nilibot ko ang mata ko sabay naglibot na rin ako. Nakatayo lang sya at pinapanuod ako mag-ikot.
Pinanuod lang ako ni Jeong Do mag ikot ikot. Napaka maalam nya sa ceramics lalo na sa vases kaso napaka sunget nya! Kainis! Pagkalabas namin ng museum dinala nya ako sa isang maliit na Gazebo katapat ang man made river tsaka nakapalibot ang puno.
"As promised?" Sabi nya. Dali dali ko naman binigay yung lunch box ko.
"Hindi ko alam kung magugustuhan mo sya" sabi ko. Tinignan nya lang ako at binuksan na nya lahat ng dala ko. Rice, tonkatsu, tempura at honey glazed chicken at tsaka crab and corn soup yung dala ko. Hindi sya umimik at kinuha na yung kubyertos at kumain na. Maingat nyang ngununguya ang pagkain."You can go now" sabi nya
"Huh?"
"Ayoko ng may nanunuod kumain sa akin" sabi nya. Tumayo naman ako agad.
"Sige, salamat. Aalis na ako" sabi ko. Nagpatuloy lang sya kumain.Lumakad na ako palayo sa kanya. Ang sunget sunget nakakainis sya sayang gwapo pa naman sana sya! Nilibot ko ang mata ko sa paligid. Ang ganda tsaka napakalawak. Nagvibrate bigla ang phone ko. Si Ezekiel pala.
"Hello?" Sabi ko
"Nasaan ka na? Susunduin ba kita sa temple pero baka malate ako kasi maraming tao sa gate." Sabi nya
"Nasa loob na ako Ezekiel" sabi ko
"Ha?" Pagtatakang sabi nya
"Puntahan na lang kita sa shooting site mo" sabi ko saka binaba ang phone.Lumingon ako bago lumakad palayo. Sarap na sarap pa rin syang kumain, di manlang nagthank you tsaka wala namang bayad dito haayy.. Hayaan na nga!
Ilang minuto ng paglalakad narating ko rin yung shooting site. Nagliligpit na rin sila ng gamit. Nakita ko si Ezekiel na kinakausap ng manager nya ng bigla syang lumingon sa akin. Kumaway naman ako at tinapos na nya ang pakikipag usap sabay punta sa akin.
"Hello!" Masayang bati nya. Kitang kita ko yung maliliit na pawis nya mula sa shooting
"Hi mukhang pagod ka ha?" Sabi ko at ineexamine ang buong katawan nya
"Hmmm.. Medyo. Paano ka nga pala nakapasok?" Pagtataka nya
"Uhmmm. ." Sabi ko at lumapit sa kanya para bumulong
"Nag over the bakod ako" mahinang sabi ko at nahihiyang tumawa
"Hahaha.. Ikaw talaga. So, maglilibot na tayo?" Sabi nya
"Actually, tapos na.." sabi ko
"Tapos na?"
"Uhmm. . Ganito kasi yan. ." Sabi ko at kinuwento ko ang napaka sunget na bantay ng museum tsaka yung kinain nya yung para kay Ezekiel.
"Si Jeong Do talaga" natatawang sabi nya
"Kilala mo sya?" Pagtatakang sabi ko.
"Bestfriend ko" sabi nya
"Ahh.. Buti nga may natira pa sayo. Eto oh. . Yung salad tsaka may green tea pa" sabi ko at binigay sa kanya.
"Akala ko binigay mo lahat?"
"Nakalimutan ko. Nasa bag ko pala yan" sabi ko
"Ah talaga. . Mabuti naman medyo gutom na rin ako" sabi nyaPumunta kami sa tent ng crew at doon nya kinain ang salad. Halatang gutom na rin sya kasi mabilis syang kumain ng salad.
"Saan kaya maganda pumunta?" Sabi nya habang nginunguya ang pipino
"Ayaw mo ba magpahinga na muna?" Sabi ko
"Rhian, gusto ko naman umalis maliban sa work"
"Hmmmm.. Saan kaya?" Sabi ko.
"May alam ako na hindi tayo masusundan" sabi nyaDumaan ang kotse ni Ezekiel sa likod ng museum kasi marami pa ring mga fans.
Nagulat ako nung dinala nya ako sa daungan. May mga yateng nakaparada dun. Bumaba na kami. Hinawakan nya ang kamay ko at pumunta na kami sa isang nakaparadang yate Sianeé ang nakalagay sa gilid.

BINABASA MO ANG
My Royal Bride (Book 3)
RomansaPaano kung hinayaan mo na lang ang panahon na magdikta ng Lovestory nyo? Makikijoin ka pa ba? Paano kung yung Promise nyo wala na palang halaga? Ipaglalaban mo pa ba? Mga wattpad Readers inaalay ko po ang pangatlo at Huling libro ng Royal Love ni Rh...