(Rhian's POV)
Alam kong gulat sila ng makita nila ako. Makita nila ang malaking peklat ko sa noo at ang nakatabing na mata ko.
"paggalang mula sa asawa ng Heneral. . Kamahalan. " mahinang pagsabi ko sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mga mata nya. Nakita ko rin na namumula ang asawa ni Dominic na si Shin.
"Paggalang sa Prinsepe Hwang at Prinsesa Shin" Ngiting sabi ko sa kanila
"Paggalang kay Prinsepe Won Dok" mahina kong sabi.Lahat sila ay alam kong gulat. Halos hindi ko rin maipinta ang reaksyon nila sa paglabas ko. alam kong hindi ako ang inaasahan nila. Tumabi ako kay Heneral Ji.
"mahal ko" mahinang sabi nya sa akin. Ngumiti ako sa kanya
"Pumasok tayo sa himpilan ng palasyo" sabi ni Haring Yuan.Nakaupo kami sa tabi ng mga ministro. Katapat ko si Prinsepe Dominic at Prinsesa Shin. Tinitigan ako ni Shin. Alam kong nagtataka sya kung bakit buhay pa ako.
"Ano ang balak ni Heneral Ji para makuha si prinsepe Jeong Do sa kamay ng mga bandido?" sabi ni Haring Yuan
"Kamahalan. Malapit lamang po ang lupain na aking sinasakupan sa bundok kung saan naglalagi ang mga rebelde. kaya ng mga tauhan ko na magsilbi sa kanila at makipamuhay upang makuha namin ang loob nila at makuha namin ang prinsepe" sabi ni Heneral Ji.Napuno ng ingay ang himpilan dahil sa bulong bulungan ng mga ministro
"Ako po ay sumasang ayon sa inisyal na plano ni Heneral Ji" sabi ng isang ministro
"ngunit paano kayo makakalapit doon? Ang balita ay ilag sila sa mga taga nayon?" salungat ng isang ministro
"ang aking asawa ang nagtuturo sa aking mga tauhan upang malaman nila ang ugali ng mga ito. Ang aking asawa ay matagal ng pinag aaralan ang kanilang kampo at tiwala ako na magagawa niyang makuha muli ang prinsepe" sabi naman ng heneral. Tinignan nya ako at ngumiti pabalik sa akin.
"nais naming malaman na totoo ang sinasabi ni Heneral Ji" bulong ng isang ministro
"Ano pa ba ang dapat patunayan Ministro?" tanong ni Heneral Ji
"Nais naming makakuha ka ng isang kasapi ng rebelde" sabi naman ng Ministro.Napangiti ako sa sinabi ng ministro. Hindi ko alam pero napakadali ng pinagagawa nya.
(Flashback)
Minulat ko ang mata ko. Madilim at medyo malamig na rin ang gabi.
"nasan ako?" mahina kong sabi. Bumangon ako sa pagkakahiga mahapdi at masakit ang aking mata. Hinawakan ko ito. May tabing ang isang mata ko.
"gising ka na?" mahinang boses ng lalaki ang naririnig ko mula sa kabila. Lumingon ako para alamin kung sino. malabo sya sa paningin ko.
"sino ka?" sigaw ko
"ganyan ka ba talaga sa taong tumulong sayo?
"hindi. . pero. . salamat" sabi ko
"kamusta ang iyong pakiramdam?" sabi nya. Ramdam ko na tumabi sya sa akin
"Wag mo akong lalapitan!" sigaw ko sa kanya
"Wala naman akong gagawin sayo. titignan ko lang yung sugat mo" sabi nya. Ramdam ko ang hininga nya sa pisngi ko.
"Medyo malala yung pagkabagsak mo sa bangin" sabi nya
"Ano ba ang nangyari?" sabi ko(End of Flashback)
"maari na kayong pumunta sa kwarto ninyo. Sa ngayon, dito muna kayo sa palasyo habang pinagpapaplanuhan natin ang pagsalakay sa mga rebelde" sabi ni Haring Yuan.
"Salamat po, Kamahaln" sabi ko at ni Heneral Ji.Naunang lumabas ang hari. Hinawakan ako sa kamay ni Heneral Ji upang alalayan ako.
"nakakalakad naman na ako" mahinang tugon ko sa kanya
"nasanay lang ako na inaalalayan pa rin kita" ngiting sabi nya at sabay kaming lumabas ng himpilan.
"Inanaanyayahan ko kayo sa isang salu-salo" boses ng isang lalaki mula sa aming likuran.napatingin naman kaming dalawa. Si Dominic pala. Alam kong narinig nya lahat yung pinag usapan namin.
"walang pag aalinlangang tinatanggap ko at ng aking asawa ang inyong paanyaya" Sabi ni heneral Ji.
"masaya kong makakasama ang prinsesa at prinsepe" nakangiting sabi ko.
"mamaya, alas-syete ng gabi. hahantayin ko kayo" sabi ni Dominic.
"masusunod" sabi ni Heneral Ji. Tumalikod agad si Dominic at lumakad palayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/85612039-288-k275656.jpg)
BINABASA MO ANG
My Royal Bride (Book 3)
RomancePaano kung hinayaan mo na lang ang panahon na magdikta ng Lovestory nyo? Makikijoin ka pa ba? Paano kung yung Promise nyo wala na palang halaga? Ipaglalaban mo pa ba? Mga wattpad Readers inaalay ko po ang pangatlo at Huling libro ng Royal Love ni Rh...