Cassandra POV
Paglabas namin may narinig kami agad na war sa canteen.
sino kaya yun?
Paglapit ko dun.. hindi pwede ito.
"Patricia" nilapitan ko si pat. At yung boyfriend niya may kasamang babae.
"Anong ibig sabihin nito , James? bat' may kasama ka"
"Cassandra, ma-manloloko yan!" Iyak niya.
Tumayo ako habang pinapatahan ni blake si patricia.
"IKAW , LALAKI! SAN' BA NAGKULANG ANG BESTFRIEND KO?"
Tahimik lang siya habang pinahampas ko siya.
Nakita ko yung babae not familiar sa akin.
"Ikaw babae, mukhang di ka student dito. Bawal pumasok ang ibang school dito"
"Bakit, ikaw ba may-ari nito?"
ako pa talaga kinalaban nitong babae na ito!
"Anong gusto mong gawin ko sa'yo ah! Guard palabasin mo nga ito"
Habang hila nila yung babae , hawak naman nang iba si james.
Tangna! Ang lakas niya lokohin bestfriend ko!
Umalis na kami , nasa labas na kami nang canteen.
"Bes, ano ba? San ba ako nagkulang, binigay ko naman lahat-lahat pati pagka--"
"Patricia.. Blake tulungan mo ako, dalhin natin si pat sa clinic"
Binuhat siya ni blake. Kinakabahan naman ako sa kaibigan ko.
Habang nasa labas lang kami nang clinic biglang lumabas ang nurse.
"Ms. Ocampo.. better po kung sa hospital na po natin dalhin si Ms. Young"
"Why, may problema ba sa best friend ko? Tell me!"
"Ayun kasi sinabi sa akin eh!"
"Okay,kung sa ikakabuti nang kaibigan ko"
Napaupo nalang ako. Patricia naman eh! Ano ba problema niyo?
Bigla nalang ako napaluha sa di alam ang kadahilanan.
"Cass, think positive. Magiging okay din ang lahat"
"Sana nga " malungkot kong sabi sa kanya.
"Cassandra , okay ka lang?"
"Drake"
"Nabalitaan ko agad ang nangyari sa canteen. Kamusta na si patricia?"
"Dadalhin siya sa hospital"
"Bakit pa?"
"Di ko rin alam"
"Bro"
"Blake , kung ano man ang sasabihin mo. Mamaya nalang"
Tahimik lang kami sa labas.
Nilabas nila si pat. Habang padating ang ambulance. Napaka-amo nang mga mukha niya. Parang walang sakit na naramdaman.
Wag kang susuko bes!
-----
Nag-excuse kami sa next subject namin.
Papunta nakami nang hospital.
---
Nang makarating na kami sakto nang paglabas nang doktor.
"Kamusta na po si patricia young"
"Okay na siya at kanyang dinadala"
"Dinadala?" Gulat na tanong ko.