Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Alfa's POV
"Uy, ate Alfa! Gumising kana daw pupunta daw kayo ng simbahan ngayon," rinig kong sabi nang kapatid ko na si Lin.
Humikab ako at nag-unat, iminulat ko ang mata ko at nakita kong nakatingin sa'kin ang kapatid ko.
"Bakit?" takang tanong ko sa kanya, pa'no ba naman kasi ang sama ng tingin niya sa'kin at anytime pwede niya akong mapatay.
"Ang baho ng hininga mo, gusto mo 'ata akong patayin eh. Amoy imburnal." sabi niya sa'kin at bumelat. Kahit ten years old palang ang kapatid ko, ang mature niya kung mag-isip. Talo niya pa ako eh, akalain mo 'yun? Inaadvice-an niya pa'ko tungkol sa pesteng love na 'yan!
"Tumahimik ka nga," sabi ko at umupo sa higaan ko. "Malamang, bagong gising ako eh, kasalanan mo 'yan ikaw gumising sa'kin."
"Edi hindi mo makakasama si kuya Jeypee?" Taas kilay niyang tanong.
Literal na lumaki ang mata ko at dali-daling inayos ang kama ko. Tinignan ko nang maigi si Lin at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Sure ka? Hindi ka talaga nagsisinungaling? Nasa labas siya? Hinihintay niya ba 'ko? Asan siya! Hoy, sumagot ka!" tuloy-tuloy na tanong ko sa kanya, nagulat ako 'nong sapakin ako ni Lin sa mukha at napa-aray naman ako do'n.
"Aray, para sa'n 'yon!" tanong ko habang hawak-hawak ang ilong ko.
"Pano ba naman kasi, tanong ka nang tanong hindi ba pwedeng mag-ayos ka nalang?" nakasimangot na tanong niya sa'kin.
Aba kung maka-asta, parang siya 'yung mas matanda sa'min.
"Nasa labas nga siya? Naghihintay siya sa'kin?" tanong ko pa ulit.
Huminga ng malalim ang kapatid ko at hinawakan niya ang sentido niya. Akala mo anlaki ng problema niya sa mundo eh.
"Alam mo, kakasabi ko lang na baka hindi mo makasama si kuya Jeypee. Dahil mag se-serve kayo ngayon sa church. At FYI! hindi ko sinabing nandito siya, kaya manigas ka!" sabi niya at umalis na ngunit bago pa siya umalis ay may pahabol pa siya. "Mag tooth-brush ka nga, ambaho ng hininga mo eh. Kadiri!"
Tuluyang lumabas na ang kapatid ko at nagtataka parin ako kung bakit. Sino ba ang mas naunang ipinanganak sa'min? Siya 'ata eh, hindi kasi halata sa itsura niya na bata siya. Kung tutuusin lang, ang mature niya eh itulad naman ako sa kanya na, isip-bata at walang pinoproblema kundi ang makausap si Jeypee.
Pumunta ako sa baba at dumiretso sa kusina at tinignan kung may ulam na, at nakita ko ang naka-hain na, tocino, bangus at itlog. Para akong tanga na naglalaway sa ulam kaya agad-agad akong pumunta ng banyo para maligo. Masarap kumain lalo na kapag single ka, kaya ang buhay single ay masaya. Dahil pag-gising mo nang t'wing umaga ay wala kang inaalala. Pero ako, may problema ako. Para akong lalaking torpe na hindi maka-amin sa nagugustuhan niya.
Dalawa, dalawang taon ko na ito itinago, kahit magka-churchmate kami at mag-kaklase tinitiis at tinatago ko itong nararamdaman ko dahil ayokong masira ang friendship namin. Knowing Jeypee, he is nice guy. Kahit 'di ka-gwapuhan na ideal man mo, siya naman 'yung lalaking ipagtatanggol ka sa umaaway sa'yo. Siya ang superhero ko.