Alfa's POV
LUNES na ngayon, hindi ako handang pumasok dahil wala naman akong gagawin galit sa'kin 'yung taong mahal ko. Alam kong bata pa ako para sa gan'yan pero, hindi ko maiwasang mahalin 'yung taong DATING nandiyan para sa'kin.
"Hoy ate, sabay tayo pasok,"
Napatingin ako sa gawi ng pintuan at nakita ko ang kapatid ko na handa nang pumasok. Napangiwi nalang ako dahil halatang excited siya.
"Excited ka? Nag-aayos pa ako oh." Mataray kong sagot.
"Sus, gusto mo rin eh. Tsaka may titignan pa ako eh!" Nakangusong sambit niya sa'kin. Tinignan ko siya ng maiigi at nakita kong namumula siya. Kahit elementary palang siya lumalandi na, talo pa 'ata ako.
"Ano ba ate! H'wag mo nga akong tignan, ang pangit mo!" Nakayukong aniya at tumalikod.
Napakrus ako ng kamay at lumapit sa kanya. Binuhat ko siya gamit ang bag niya sa likod. Grabe ang gaan niya. Para siyang teddy bear.
"Ate! Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas niya. Hinarap ko siya sa'kin at nakita kong pulam-pula na ang mukha niya.
"Ikaw ha, hindi ka nagsasabi sakin. May boyfriend ka na pala," nanunuksong ani ko.
"W-wala 'no! C-crush lang 'yon!" Depensa niya. Ngumisi ako at ibinaba siya. Lumuhod ako sa harapan niya upang hindi siya mahirapang tumingala sa'kin.
"Buti naman, 'wag mo akong aasarin kay Jeypee kung hindi..." tumigil ako ng panandalian at ngumisi.
"Ano!" Galit na tanong niya. Tumawa ako at ginulo ang buhok niya. Nababasa ko sa mata niya na nahihiya siya sa'kin.
"...kung hindi, susumbong kita kay Mama!" Sabi ko at tumayo. Binelatan ko siya at inasar-asar.
"Pashnea!" Asar niya rin sa'kin.
"Belat!" Gaya ko sa kanya no'ng naalala kong inasar niya ako.
"Ano ba 'yan! 'Wag kayo magtatakbuhan! Puro kalabog ang naririnig ko sa baba!" Tinignan ko si Mama na umuusok na ang ilong. Tumigil kami ni Lin. Nandito na pala si Mama hindi ko naramdaman ang presensya niya.
"Oh, bakit nakatingin lang kayo sa akin! Kumain na kayo at pumasok na!" Singhal niya sa'min at bumaba na. Nagkatinginan kami ni Lin at tumawa.
****
"Dito na ineng," bumalik ang ulirat ko no'ng hininto ni Manong ang traysikel sa harap ng gate ng aming eskwelahan.
Binigyan ko ng syete pesos si Manong at umalis na. Napabuntong-hininga ako no'ng maalala ko 'yung naganap sa amin ni Jeypee. Tinanong ko sa sarili ko kung kaya ko na ba siya harapin. Mukhang hindi ko pa kaya.
Depende sa'kin, kung kaya ko ba o hindi. Ang awkward lang kasi, mag-kaklase pa kami at ang mas matindi pa kalapit ko lang siya ng row. Ano ba 'tong ginawa mo sa'kin Jeypee!
Kasalukuyan akong naglalakad sa groundfloor papuntang third floor. Nasa third floor ang room namin. Naglalakad ako nang may maamoy akong pamilyar na amoy. Si Jeypee.
Naglalakad lang siya na para bang walang pakealam sa mundong ginagalawan niya. At ako, pinapanood ko lang siya sa kanyang likuran habang umaasang haharapin niya ako at kakausapin pero mukhang malabo 'ata. Hindi ko alam kung sinasadya niya bang hindi ako pansinin o hindi niya talaga naramdaman ang presensya ko?
Nang makarating kami sa pintuan ng room namin, sabay-sabay naghiyawan ang mga kaklase ko. Hindi ko alam kung bakit, may narinig lang ako na nag-uusap kung bakit daw kami magkasabay 'yung iba naman ay tinutukso kami.

BINABASA MO ANG
Three Words, Million Heartbeats [SELF-PUBLISHED]
Short StoryStarted at: Sept. 20, 2016 Ended at: Dec. 21, 2016 DELAVEGA SERIES#1 HIGHEST RANKING #118 #113 #149 #165 #270 #171 RANKING #630 #348 #386