Jeypee's POV
HELLO! Kamusta? First time magkaroon ng POV. At first time ko rin maramdaman nang gan'to kalakas ang tibok nang aking puso. Corny, pero 'yun talaga ang nararamdaman ko.
Isa akong lalaking, torpe sa babaeng mahal niya. Isa akong lalaking, takot mareject ng babae. Sino ba naman ang hindi matatakot at matotorpe? Isang bestfriend mo na hindi mo alam kung may gusto ba sa'yo.
Aaminin ko, minsan na rin akong nagtangkang magsabi ng totoo kong feelings, pero minsan talaga umaatras ang dila ko pabalik. Pero ngayon, naamin ko na sa wakas. I love her so much. To the point na, I'm willing to do anything just for her.
At ngayon, tinititigan ko siya hanggang sa matunaw siya. 'Yung matang araw-araw mong hahanapin. 'Yung ngiting gusto mong makita araw-araw. Bakit nga ba hindi ko natanong kung bakit hindi niya sinasabi na may gusto pala siya sa'kin?
"Hmm..." panimula ko. "May tanong ako, bakit hindi mo sinasabi sa'kin na may gusto ka sa'kin?"
Yumuko siya kaya naman ang ilan sa buhok niya ay nalaglag mula sa likuran niya. Kinuha ko 'to at inilagay sa tainga niya. Nahihiya siyang tumingin sa'kin kaya ako nalang ang tumingin sa kanya, ngunit pilit niyang tinatago ang kanyang mukha mula sa'kin.
"Uy! Bakit?"
Tinignan ko siya habang pilit niyang tinatago ang kanyang mukha. Bigla siyang namula kaya natawa ako.
"Nahihiya ka bang, sabihin sa'kin kung bakit? Kung ayaw mo edi sige 'di kita pipilitin." Kunwaring nagtatampong sabi ko. Bumuntong-hininga ako at tumalikod sa kanya na kunwari ay nagtatampo. May bigla namang kumalabit sa likuran ko ngunit hindi ko 'yun pinansin. Kinalabit ulit ako nito pero hindi ko parin pinapansin.
Kaya naman, pilit niyang harapin ko siya pero hindi ko siya pinansin. Lumayo ako sa kanya para kunwaring nagtatampo ako.
"Sorry na," rinig ko na naglalambing ang kanyang boses. Gusto ko siyang harapin at yakapin sa kanyang boses. Pero hindi ko 'yun ininda, sa halip ay hindi ko parin siya pinansin.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin sa likuran. Back hug kumbaga, yinakap niya ako nang mahigpit at nagsalita sa likuran ko. Kahit na maaraw at mainit pero parang, hindi ko nararamdaman 'yun. Ang nararamdaman ko lang ay ang kanyang yakap.
"Sorry na, Jeypee hindi kita matiis eh."
Hinarap ko siya at ako ay ngumuso na kunwari ay nagtatampo. Tinignan niya ako na may pag-aalala kaya nagsalita na ako this time.
"Hug mo 'ko." Nakangusong utos ko sa kanya. Kumunot ang noo niya at para bang hindi makapaniwala.
"Hug mo na ako dali!" Utos ko sa kanya at itinaas ang kamay ko na para bang hinihintay ang kanyang yakap. Wala na siyang nagawa kaya yinakap niya na ako. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at dinama ang hangin na nararamdaman namin ngayon.
Masarap sa pakiramdam na, kayakap mo ang taong mahal mo. Masarap sa pakiramdam na sobrang higpit nang yakap niya sa'kin.
"Kahit hindi mo sa'kin sinabi, ayos lang. Ang aalalahanin ko lang ang 'yung ngayon. Past na 'yun eh. Gusto ko present." Hindi siya sumagot sa sinabi kaya kumalas ako sa yakap at tinignan siya.
"Napipi ka 'ata? Kanina pa ako nagsasalita dito." Nakangusong sambit ko sa kanya. Bumuntong-hininga siya at nagsalita.
"Sabihin mo nga kung sino ang mahal mo." Napaisip naman ako sa kanyang sinabi. Nasabi ko na sa kanya kanina ah? Nakalimutan niya?
"Ayoko nga sabihin." Bigla naman siyang ngumuso kaya nakaisip ako ng ideya.
"Ayoko sabihin, baka madulas ako at ikaw ang masabi ko." Nakangising sambit ko. Ang reaksyon niya ay para bang gulat na gulat. Hinintay ko na mamula siya at hindi nga ako nagkakamali, namula siya sa aking sinabi.

BINABASA MO ANG
Three Words, Million Heartbeats [SELF-PUBLISHED]
Short StoryStarted at: Sept. 20, 2016 Ended at: Dec. 21, 2016 DELAVEGA SERIES#1 HIGHEST RANKING #118 #113 #149 #165 #270 #171 RANKING #630 #348 #386