Alfa's POV
KASALUKUYAN akong naglalakad sa palengke. Tumitingin ng kung anu-anong pwedeng kainin. Kanina pa ako gutom simula no'ng umalis ako sa lugar nila Jeypee. Hindi ko na natuloy 'yung pagpunta at pag-alaga ko sa kanya.
Sayang nga eh, sana hanggang ngayon nando'n parin ako sa kanila at inaalagaan siya. Kaso wala eh, galit siya sakin sa hindi ko malamang dahilan.
Kamusta na kaya siya?
Sa totoo lang, ayokong magalit sakin si Jeypee kaso wala eh, galit siya. Hindi pa nga ako umaamin na may gusto ako sa kanya tapos magagalit pa siya. Hanggang kailan ko kaya 'to itatago?
"Ate, pabili nga po ng palamig,"
Habang hinihintay ko ang palamig ko, naisip ko kung kaya ko pa maghintay o baka umasa ako sa wala.
"Neng, 'eto na." Kinuha ko na 'yon at nagbayad. Ilang sandali pa ay, may nag vibrate sa bulsa ko kaya kinuha ko 'yon.
1 text message from MAMA.
Lumaki ang mata ko at dali-daling binuksan ang mensahe na 'yon. Kapag si Mama talaga, kakabahan ka eh. Minsan kasi 'di ko maintindihan si Mama. Pabago-bago ng mood kumbaga.
From: Mama
Alfa, nasa'n kana? Umuwi kana! Aba. Layas kang bata ka. Humanda ka sa'kin.
Kinakabahan kong inilagay ang cellphone sa bulsa ko at kumaripas ng takbo papunta sa traysikelan.
"Manong! Papunta sa Sa**?" tanong ko sa driver.
"Tara." Sagot naman nito. Sumakay na ako sa likuran ni Manong dahil gusto ko lumanghap ng hangin para hindi na ako kabahan. Nang mapuno na ang traysikelan ay umandar na ito.
Nag-iisip pa muna ako ng dahilan, dahil alam kong sinabi ng kapatid ko kung saan ako pupunta. Alam niyo naman 'yon, nakakatakot anytime pwedeng maging chismosa eh binasa pa nga 'yong text ni Jeypee sa'kin eh.
Mga ilang minuto pa bago ako ibinaba ni Manong sa lugar namin. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil malapit na ang bahay namin. Habang naglalakad ako at hawak ko ang strap ng bag ko, may naaaninag akong nakatayong babae at parang may hawak na...
"Alfa!"
Lumaki ang mata ko at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Si Mama ay may hawak na walis tingting!
Anong gagawin ko?
"Alfa! Ikaw bata ka, umuwi ka dito. At mag-uusap tayo!" Pagalit na ani Mama sakin. Dahan-dahan akong naglakad at sumunod kay Mama. Minsan pa nga, lumingon sa'kin si Mama at sinamaan agad ako ng tingin.
Nakita ko si Rinalin sa pintuan at dinilaan niya ako. "Kawawa, kurot pa more!"
Kapag ikaw, panganay laging ikaw papagalitan dahil sa inaway mo ang kapatid mong mas bata pa sa'yo.
"Humanda ka sa'kin." Pagbabanta ko sa kanya.
"Alfa! Ano 'yang handa-handa na naririnig ko? Pumasok ka dito at mag-usap tayo!" Rinig kong utos sa'kin ni Mama sa loob.
"Belat!" Pang-aasar ni Lin sakin. Akmang kukutusan ko siya nang may biglang pumalo sa pwetan ko.
"Aba batang ka! Kapatid mo, kokotongan mo? Kung kotongan kaya kita? Hala! Pasok." Galit na utos ni Mama. Binigyan ko ng mangahulugang tingin si Lin bago pumasok at umupo sa couch.
"Alfa!" Tawag ni Mama sa'kin at pabatong hinagis ang walis tingting.
"P-po?" Utal kong sagot. Sinong hindi kakabahan? Papagalitan ka na naman dahil inaway ko kuno ang kapatid kong maliit.

BINABASA MO ANG
Three Words, Million Heartbeats [SELF-PUBLISHED]
Short StoryStarted at: Sept. 20, 2016 Ended at: Dec. 21, 2016 DELAVEGA SERIES#1 HIGHEST RANKING #118 #113 #149 #165 #270 #171 RANKING #630 #348 #386