Alfa's POV
WALA na akong sakit, pero sa puso at isip ko meron pang sakit na naiwan. Sakit na si Jeypee lang ang gumawa. Kung itigil ko na kaya 'to? May masasaktan kaya? Wala naman diba? Dahil ako lang naman ang nagmamahal sa'ming dalawa.
"Mag momove-on nalang ako sa kanya," bulong ko.
Muli akong naliwanagan sa aking nasabi. I think, hindi kami para sa isa't isa. Siguro meron talagang karapat-dapat sa'ming dalawa. Kahit alam kong hindi madali, mag momove-on nalang ako. Kakalimutan ko nalang ang alaala namin dati na KAIBIGAN lang ang tingin niya sa'kin.
Tumayo ako sa aking kama at humarap sa salamin. Inisip ko ang mga sasabihin ko sa kanya, kung sasabihin ko bang may gusto ako o wala. Kung kaya ko ba sabihin sa personal o hindi.
"H'wag ka nang umiyak sa kanya, Alfa. He deserves a girl. Let's say, a perfect girl or a right girl. Mag move-on kana, kahit kailan hindi ka niya kayang mahalin." I said while looking my self at the mirror. I think, I need to fix my self. Hindi ko kayang gan'to ako. Na nagpapakabaliw sa isang lalaki. I want to be happy.
"Ate,"
Bigla akong napalingon sa pintuan at nakita kong nakatingin sa'kin si Lin. Kitang-kita ko sa kanyang mata na kinikilig siya.
"Oh?"
"Nandito si Jeypee." Bigla ay nakaramdam ako ng kaba sa aking puso. At takot baka masaktan na naman ako. Eh ano naman kung 'andito siya? Kakasabi ko palang na mag momove-on na ako.
"Bakit daw?" Pilit na pinapakalma ko ang sarili ko sa tanong ko. Ayokong ipahalata ito kay Lin, dahil kapag nalaman niya baka ipagsasabi niya ito.
"Basta pumunta ka nalang sa sala, Magpaganda ka nga. Para kang sabog na ewan eh." Nandidiring aniya. Umiling na lang ako sa kanya at bumuntong-hininga.
"Okay." Kalmadong sagot ko. Tumango nalang ang kapatid ko at umalis na. Pumunta ako sa kama at umupo muna saglit. Muli akong napaisip sa sinabi nang kapatid ko. Magpaganda daw. Kahit anong gawin ko hinding-hindi magbabago ang tingin niya sa'kin.
Napagdesisyunan ko na maligo muna, ayos lang sa'kin ang maghintay siya. Tutal siya naman ang may kailangan sa'kin at hindi ako.
****
Natapos na akong maligo kaya nagbihis na ako at inayos ang sarili ko. Tumingin pa muna ako sa salamin bago naglakad papunta sa pintuan.Kaya mo ito Alfa, maging kalmado ka lang. Hindi mo na siya kailangan sa buhay mo. Wala siyang pakialam sa'yo.
Binuksan ko na ang pintuan at nakaramdam na naman ako nang kaba. Inisip ko ulit ang inisip ko kaya muli akong naging kalmado.
Binilisan ko ang pagbaba ko at dumiretso sa kusina. Uminom muna ako nang tubig at pumunta sala. Nakita kong naglalaro sila ng X-box. Buti pa si Lin, nakalaro niya 'yung taong mahal ko.
Si Mama ang unang nakakita sa'kin, "Alfa!"
Automatic na napalingon si Jeypee kay Mama at tumingin sa'kin na nakangiti. Ngumiti nalang din ako.
"Hi." Bati ko sa kanila.
"Hello." Bati din ni Jeypee sa'kin habang diretsong nakatingin. Ngunit kalmado parin ako at diretsong nakatingin rin kay Jeypee.
Inayos ni Lin ang X-box at umupo sa sofa. Umupo na rin ako at tumabi kay Mama. Si Jeypee ay tumabi rin kay Lin.
"Ang tagal mo Alfa, pinaghintay mo pa si Jeypee," ani Mama. Parang 30 minutes lang ako naligo kumpara sa'kin na dalawang taon akong naghintay na mahalin ako ni Jeypee.
Hindi ako sumagot sa sinabi ni Mama at tumingin kay Jeypee na nakangiti sa'kin. Kahit na naiilang ako, pilit kong kinakalimutan kung ano ba siya sa buhay ko.

BINABASA MO ANG
Three Words, Million Heartbeats [SELF-PUBLISHED]
PovídkyStarted at: Sept. 20, 2016 Ended at: Dec. 21, 2016 DELAVEGA SERIES#1 HIGHEST RANKING #118 #113 #149 #165 #270 #171 RANKING #630 #348 #386