Alfa's POV
"ANO! hindi puwede!"
Napakunot nalang ako ng noo habang nakatingin kay Papa. Oo kay Papa, kakauwi niya palang kanina. At nalaman niyang hindi ako pumasok kaya 'eto galit na galit siya ngayon.
At 'yung sinabi ni Papa na hindi puwede? 'Yun! Itanong niyo kay Jeypee, kung bakit niya sinabi kay Papa na kung puwede ba siya manligaw sa'kin maski ako hindi ko maintindihan eh, hayaan niyo na blackboard nga kulay green eh.
"Mahal, hayaan mo na ang mga bata." Isa pa itong si Mama, sabi niya sa'kin noong nakaraan na bawal ako mag boyfriend at siya namang kunsitidor.
Napatingin nalang ako Jeypee na hindi mapaliwanag ang kanyang mukha. 'Di ko maiwasang mapangiti dahil, hindi niya maintindihan ang aking magulang. Si Lin? 'Yun, gumala na naman. Baka nga mas nauna pang magka-jowa 'tong batang 'to eh.
"Hindi nga pwede!" Muling nagtaas ng boses si Papa at sinamaan kami ng tingin. Napakamot nalang ng batok si Jeypee at hinawakan ako sa kamay.
"Okay lang po kung ayaw niyo, maghihintay ako." Nakangiting usal ni Jeypee. Pinisil niya ang kamay ko at pinisil ko rin ang kanya. Tinignan ko si Papa na lalong nangunot ang noo dahil magkahawak kami ni Jeypee.
"Alisin mo ang kamay mo sa anak ko!" Napabuntong-hininga nalang ako at gano'n rin si Mama na hindi maintindihan si Papa. Okay lang sa'kin kung hindi payag si Papa, basta pagdating ng tamang panahon ay si Jeypee ang gusto kong makasama.
Inalis ni Jeypee ang kamay niya sa'kin at umayos ng upo. Parang naawa ako kay Jeypee, alam kong sincere siyang manligaw pero sa ginagawa ni Papa, dapat hindi siya manigaw.
"Kung gusto mo maghintay, maghintay ka ng 10 years! At papayagan kita," nakangiting ani Papa. Napangiti nalang din ako at gano'n din si Mama. Tinignan ko si Jeypee sa tabi ko at tumingin rin siya sa'kin.
"Okay lang ba sa'yo?" Mahinang aniya. Tumango lang ako para sabihin kong ayos lang sa'kin, dahil hindi naman ako nagmamadali.
Sa totoo lang, ayoko talagang sabihin ni Jeypee na gusto niyang manligaw eh. Nakakahiya kaya, sakto pa talagang nandito si Papa kaya 'yun, talagang nakakahiya.
Tumingin si Jeypee sa harap namin na naroroon si Mama at Papa. Si Papa ay walang emosyon na tumingin sa'min, si Mama naman ay nakangiti sa'min. Hindi ko talaga sila maintindihan, sabi ni Mama ayaw niya dahil baby niya daw ako pero ngayon pabor talaga siya sa'min.
"Kung 'yun po ang gusto niyo, ayos lang po sa'kin. Basta 'wag niyo pong ilalayo sa'kin si Alfa. She's my life, and soon-to-be my wife." Nakangising ani Jeypee. Hindi rin maiwasang mapangiti ang magulang ko. Lakas ng karisma ni Jeypee, talagang kaya niyang baguhin ang ekspresyon ng isang tao.
"Gusto kita para sa anak ko." Gulat akong napatitig kay Papa. Si Jeypee palang ang nasasabihan niya nang gano'n. Na kuwento ko na ba sainyo 'yung tungkol sa manliligaw ko dati na dati rin ay may gusto ako kay Jeypee? Siguro hindi 'no? Hindi si Angelo ah, basta secret ko nalang 'yun.
"Kaya gawin mo ang gusto mong gawin, 'wag lang sa alam mo na. Dahil kapag ginawa mo 'yun, papatigil kita sa panliligaw ng anak ko." Nakangiting ani Papa. Hindi parin ako makapaniwala sa sinasabi ng Papa ko. Tumayo si Papa at akmang aalis na ngunit biglang tumayo si Jeypee at napalunok.
"A-ano pong ibig n-niyong s-sabihin?"
Ngumiti si Papa bago sumagot. "Ayaw mo?"
Tumakbo si Jeypee papunta kay Papa at hindi niya maiwasang yakapin ito. Tumingin ako kay Mama na nakangiti sa kanilang dalawa. Hindi ko rin maiwasang mapangiti sa sinabi ni Papa. He's the best father of the whole world for me. Napakasuwerte ko, dahil 'yung ibang anak na pinapangarap ang gan'tong pamilya pero ang pamilya na 'to ay ito ang pinapangarap ng iba.

BINABASA MO ANG
Three Words, Million Heartbeats [SELF-PUBLISHED]
Short StoryStarted at: Sept. 20, 2016 Ended at: Dec. 21, 2016 DELAVEGA SERIES#1 HIGHEST RANKING #118 #113 #149 #165 #270 #171 RANKING #630 #348 #386