Alfa's POV
"ANAK, papasok ka ba?" Kasalukuyang nasa harapan ko si Mama at may pinapakitang picture ko noong bata pa ako.
"Opo ma." Kahit ayoko pang pumasok, hindi ko pa kaya siyang harapin. Hindi pa kaya nang puso ko.
Tiniklop na ni Mama ang albums ko at tumingin sa'kin. Ang tingin na napakaseryoso na may gustong sabihin sa'kin.
"Pakinggan mo ang sinisigaw nang puso mo. H'wag kang magsisisi kung magkaroon man siya nang iba, dahil sa sinabi mong hindi mo siya gusto marahil ay nasaktan siya nang sobra." Makahulugang ani Mama. Ngumiti sa'kin si Mama at iniwan akong nagtataka.
Alam ba niya?
Paulit-ulit sa'king isipan ang sinabi sa'kin ni Mama. Maski ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo.
"Bakit ba ang tanga mo, Alfa?" Tanong ko sa aking sarili. Bumuntong-hininga ako, at inalala ang mukha at reaksyon ni Jeypee kanina. Hindi kapani-paniwala ang ginawa niya kanina.
Uuwi pala si Papa ngayon, dahil Tuesday ngayon. May pera na naman ako, makakagala para ma preskuhan ang isip ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at pinindot ang radio. Gusto ko muna mag soundtrip para gumaan man lang pakiramdam ko. Pagkaplay palang nang kanta, tumambad na ang pinaka ayokong kanta.
Now playing: Bestfriend by Jason Chen. Play the multimedia for the imaginary purpose.
Ang mga linya sa kanta na ito ay tinatamaan ako. Talagang napanindigan ko sa aking sarili na hanggang bestfriend lang ako. Pero ngayon, kaibigan pa ba kami?
'I fell inlove with my bestfriend.'
Natatakot lang ako mag confess nang totoo kong nararamdaman. Natatakot lang ako mareject, dahil alam ko sa sarili ko na sobrang mahal ko siya.
Inis kong pinatay ang radio, kasabay nang pagpatay sa sarili kong nararamdaman. Tinatamaan ako sa mga linya sa kanta.
Napagdesisyunan ko na, maligo na dahil papasok na ako mamaya. Makikita ko na naman siya. Ang hirap mag-adjust, 'yung ayaw mo siya makita pero nakikita mo talaga siya.
****
30 minutes, natapos na akong maligo. Maya-maya ay papasok na kami ni Lin. Inayos ko na ang sarili ko at tinignan ang sarili sa salamin.Sa mukhang 'to, malamang sa malamang walang magkakagusto.
Alam ko naman 'yun, kaya nga si Jeypee hindi ako nagustuhan eh. Gusto ko talaga mapreskuhan ang isipan ko. Gusto ko muna mahanginan 'to, pero walang oras eh. Walang oras na hindi kami nagkikita.
Ilang minuto rin ay natapos na ako sa pag-aayos. Bababa na sana ako ngunit, nakita ko si Lin na nakaupo sa hagdanan at nakapangalumbaba.
"Psst." Tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa'kin at pinagkunutan ng noo.
"Tagal mo!" Maktol niya sa'kin habang nakapameywang. Nagtaka ako at tinignan ang orasan ko, 45minutes pa ang natitirang oras bago makapasok.
"Matagal pa naman ah?" Taka kong tanong sa kanya. If i know na nagmamadali 'to, pinauna ko na sana siya.
"Basta! Ang tagal mo, pinaghintay mo 'ko." Maktol niya na naman. Sandali akong napatigil sa salita na pinaghintay.
"Pinaghintay rin naman niya ako eh." Mahinang bulong ko.
"Ano!" Halos mabatukan ko na si Lin dahil sa biglaan niyang pagsigaw. May biglang pumasok sa isipan ko, at nalaman ko kung bakit nagmamadali 'tong batang 'to.

BINABASA MO ANG
Three Words, Million Heartbeats [SELF-PUBLISHED]
NouvellesStarted at: Sept. 20, 2016 Ended at: Dec. 21, 2016 DELAVEGA SERIES#1 HIGHEST RANKING #118 #113 #149 #165 #270 #171 RANKING #630 #348 #386