In His Arms - Teaser

4.2K 36 17
  • Dedicated kay All readers
                                    

Dedicated for new/upcoming reader/s of this story. Hope you give my story a shot okay?!

------------------

"Ano ba yan Althea, naliligaw ka na ata."

Hindi lang 'ata', talagang naliligaw na ko. Paano ba naman kasi ang hirap hanapin ng lugar na pinagdalhan ko ng delivery kanina. Malayo na nga medyo liblib pa.

"Ano ba yan pauwi na nga lang naligaw pa."

Kanina pa ko nagmamaneho pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makita ang exit point ng tila labyrinth na lugar na ito.

Lumiko ako sa kanan.

Sige drive lang ako ng drive habang matiim na nagmamatyag sa paligid. Nagbabakasakali akong makakita ng kahit anong signage na makakapagsabi kung nasaan na ako pero kahit anong gawin ko pare-pareho lang ang nakita ng mga mata ko.

Maliban sa maputik na daan wala akong ibang makita kundi puno!

Puno here, puno there and puno everywhere!

Diyos ko, Lord! Makakauwi pa ba ako nito?

Pumihit ako sa kaliwa.

"Ano ba! Parang paikot-ikot na lang ako ah." pigil ang inis na sabi ko.

Dapat kasi nakinig na lang ako kay Aldrin kanina. Di sana hindi na ko nagpapaikot-ikot ngayon sa lugar na ito.

Liko sa kanan.

Liko sa kaliwa.

Ano ba yan, daig ko pang naglalaro ng Temple Run!

Hindi kaya nae-engkanto na ko?

Bigla bulong ng isipan ko pagkatapos ay sabay-sabay na nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawa.

"Ay Nyeta! Umayos ka nga Althea! Naliligaw ka na nga tapos tinatakot mo pang sarili mo! Wag ganon!" parang tangang saway ko din sa sarili ko.

Pagkatapos ay bigla na lang akong napatingin sa gas gauge ko.

Diyos ko! Malapit na palang maubos ang gas ko!

"Malas! Malas talaga!"

Kinakabahan na talaga ako. Ang dilim-dilim na kasi ngayon ng paligid dahil katatapos lang bumuhos ng malakas na ulan kanina. Napilitan na nga akong magbukas ng headlight para makita ko ang napakaputik na kalsada kahit na sa orasan ko ay maaga pa.

Relax lang Thea, makakauwi ka din.

"Sana nga po Lord."

Liko uli sa kanan.

"Parang nadaanan ko na to ah?" naiiyak ko ng sabi nang bigla akong may mapansin sa gitna ng daan.

"Teka ano yon?

Tao ba yon?

Hala! Tao nga!"

Nanlalaki ang mga matang bigla akong na patapak sa break ng sasakyan. Muntikan pa nga kong sumubsob sa dashboard ng Van mabuti na lang at nakaseatbelt ako.

Maya-maya pa'y natarantan na akong bumaba ng van. Kinakabahan man ay dahan-dahan na akong lumapit sa bangkay na naka--.

Teka--.

Hindi ko pa nga pala sure kung patay na siya, kung sino man siya. Ganun pa man ay dahan-dahan pa din akong lumapit sa kanya.

Lalaki siya

Base sa hugis ng pangangatawan at bihis niya, sure akong lalaki si kuya. Nakatalikod siya sakin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Puno din ng putik si kuya kaya ang dungis-dungis niya. Mga tatlong hakbang ang layo ko sa kanya ng kausapin ko si kuya.

In His Arms. (Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon