In His Arms - Chapter 32

55 2 0
                                    

Justine and Nicole, report on costumer service.
Arian and Jason, report on operation inspection.
Jona and Genesis, knowing our competitors around the area.

Kasabay ng nakakahilong pagalog-alog ng bus ay paulit-ulit ko ding binabasa ang note na tinake down ko sa meeting. Umpisa palang ito ng aming gagawin. Madami pang dapat asikasuhin.

Kanina, ang pagdating ni Aldrin ang tila hudyat para dumaloy ang creative juices sa utak ko. Dun lang kasi ako nakapag-isip nang kung anong maaari naming gawin. Ang una kong naisip ay utusan sina Justine at Nicole na pumunta sa Blacksheep para magpanggap na mga costumer. Kunwari ay couple silang nagmemeryenda pero ang totoo ay aalamin nila kung gaano kaganda ang service ng staff and crew sa mga costumer nila.

Pagkatapos ay sila Arian at Jason naman ang tamdem na pupunta doon para mag-inspection. Aalamin nila kung malinis at maayos ba ang operation sa kitchen at nang iba pang facilities ng restaurant.

Si Genesis at Jona naman ang maglilibot sa lugar. Aalamin at kikilalanin nila ang mga kalapit at kakompitensya naming stablishments sa lugar. Sa madaling sabi mga spy ko sila.

Pagkatapos nilang gawin ang lahat ng pinag-uutos ko ay pinagagawa ko sila ng isang detalyadong report na ipapasa nila ng sabado kay Aldrin, iche-check niya na muna iyon bago niya ipapakita sa akin. Para pagdating ng lingo, magbibrain storming na kami base dun sa report na ginawa nila.

Nakakapagod.

Hindi ko maiwasang magreklamo. Paano, yung meeting na nag-umpisa ng 11:30, 4 o'clock plus na natapos. Kaya heto, nang dahil sa trapik, 6 o'clock na nasa biyahe pa din ako.

Hay. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga.

Actually, two hours lang talaga yung naconsume naming oras sa meeting, nagtagal lang dahil sa mahaba---no, scratch that, napakahabang sermon ng ninang ko.

Galit si ninang, halata yon kahit na nakatahimik lang siyang nakaupo sa table niya. Nang makalabas ang secretary niyang si Agapito, nag-umpisa na ang misa niya. Sabi niya, parang hindi niya daw ako pinagsabihan bago kami nagsimula. Para lang daw ba siyang nakikipag-usap sa hangin kanina. Hindi ko daw ba isinapuso at isinaisip ang mga sinasabi niya yadah, yadah, at sobrang dami pa.

Nakinig lang ako, kami pala, ni Aldrin. Kasi alam ko namang tama siya at mali ako. Alam ko din na mas lalo pang hahaba ang napakahabang sermon niya pagsumagot-sagot pa ako. Napa 'opo ninang, hindi na po mauulit' at 'hindi na ko magdedesisyon ng hindi nag-iisip' na lang ako.

'Dapat lang,' yun lang and isinagot niya sakin saka kami pinaalis. May lalakarin pa daw siya.

Hindi ko mapigilang mapailing. Lalo kasi akong nastress sa kanya, mabuti na lang at nandidyan si Aldrin, hindi niya ko inawan kaya pati tuloy siya nakatikim ng sermon kay ninang kahit na wala naman siyang ginagawa.

Oo nga, si Aldrin.

Hindi ko naisip na magkikita na pala kami agad-agad na para bang walang kakaibang nangyari sa amin nung nakaraang araw lang.

"Kung kumilos at kausapin niya ko parang hindi siya affected sa nangyari." nakayuk-yok kong bulong.

"O! Huling bus stop na! Pagkatapos neto terminal na kami! Lumapit na sa pinto yung mga bababa!"

Gulat akong napatingin sa konduktor na wagas kung makasigaw. Nagsisi ako kung bakit isinauli ko agad Kay Jade ang kotse niya. Dapat yun na lang ang sinakyan ko.

Hamu na, naisoli mo ma eh, wala ka ng magagawa. Isip-isip ko.

Ilang pasahero din ang tulad ko na tumayo at lumapit sa pintuan ng bus. Nang huminto ang bus dali-dali na akong bumaba dito.

In His Arms. (Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon