In His Arms - Chapter 5 || Bad day.

667 19 10
                                    

Althea's PoV

Tama nga si Maureen.

Malayo nga yung paghahatiran ko ng delivery. Muntikan pa nga akong maligaw kanina. Buti na lang may mga taong nagturo sakin ng daan.

Ilang minuto pa ang lipas ay narating ko na din destinasyon ko.

"Ang ingay naman!" reklamo ko pagkatapos kong iparada ang van.

Ang dami namang tao dito, ang gulo-gulo pa. Anong bang meron dito? May shooting ba mga teh?

Bumaba na ako ng van nang may biglang sumita sa akin.

"Boy, may shooting dito. Bawal yang van mo." sabi ni Kuyang Guard.

Nasabi kong guard siya dahil na din sa uniform na suot niya.

Ngek! May shooting nga! Saka, anong boy kuya? Babae ako noh!

Ano ba yan na pagkakamalan mo pa kong lalaki. Parang ganito lang ang get-up lalaki agad.

Kupasing pantalon ang suot ko at t-shirt na pinatungan ng jacket na kulay blue. Naka rubber shoes ako na kulay white. Nakacap na white din ang kulay. Nakatago sa cap ang shoulder length kong buhok.

Oo na, ang ragged kong tignan. Pero anong magagawa ko, sa dito ako mas komportable eh.

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni Kuya. Lumapit na lang ako sa kanya.

"Kuyang Guard delivery po para kay Agness Kang." malakas na sabi ko kay kuya.

Ang ingay-ingay talaga!

Parang nagulat pa si Kuya ng mabosesan niyang babae ako. Bakit mukha ba talaga akong lalaki?

"Ay!! Sorry babae ka pala. Sandali lang ah."

"Okay lang ho kuya."

Tinawag ni Kuyang Guard yung isang kasama niyang maraming wire na hawak.

"Dennis! Si Manager Kang ba anjan? May delivery daw para sa kanya."

"Oo nandidito pagkain natin yan. Sandali lang na sakin ang pambayad."

Sagot naman ng tinawag ni kuya. Saglit lang na kalapit na sakin yung Dennis.

"Paki receive na lang po." sabi ko tapos ay inabot ko sa kanya yung papel na dapat niyang pirmahan.

Pagkatapos niyang pumirma, inabot na niya sa akin ang bayad.

"Thank you po Sir. Sandali lang po at ibababa ko na po yung order niyo." pagnaka'y sabi ko.

"Miss tulungan ka na namin." sabi ni Kuyang guard.

Okay, miss na ko ngayon ah. Bumabawi si kuya.

Tumango ako bilang tugon.

Nang maibaba na namin lahat ng inorder nila. Nagpaalam na ko.

Pagkasakay na pagkasakay ko ng van biglang bumuhos ang ulan. Ang lalaki ng patak buti na lang nasa loob na ko ng van. Hindi na ako na basa.

Sumilip ako sa bintana, nakita kong nagkanya-kanyang takbo yung mga fans na nanonood ng shooting. Naghahanap sila ng masisilungan.

Im sure wala silang makikita. Open field kaya yung location ng shooting. Good luck sa kanila.

Mga nagpapakamatay sa Artista!

Hindi ko talaga magets ang trip nilang yan. Parang ewan lang. Naalala ko tuloy sila Maurin at Krystal. Sila kaya gumaganyan din pag may time?

Subukan lang nila. Bibigyan ko sila ng tag-isang konyat.

In His Arms. (Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon