In His Arms - Chapter 19 || Sign

458 14 0
                                    

Althea's PoV

Tik-tok. Tik-tok. Tik-tok.

Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakatitig sa kisame. Kanina pa ako nakahiga pero hanggang ngayon  di pa din ako dapuan ng antok.

Papalit-palit na nga ako ng posisyo. Padapa, patihaya, patagilid pati patuwad nagawa ko na pero wala pa rin.

Hindi pa din ako makatulog.

"May insomia na ata ako."

Hindi ko mapigilan ang pagbuntung hininga.

"Lord, gusto ko na pong matulog."

And for the nth time tumagilid na naman ako. Ipinikit ang mga mata, pinilit ang sarili na maglakbay sa kawalan pero nananatili pa ding gising ang diwa ko.

Hanggang sa makaramdam na lang ako ng gutom.

Ano ba naman yan.

"Bukas na tummy, matutulog na ko." Kausap ko sa tyan ko na para bang tao yon.

Hay nako, sa mental na ko pupulutin nito pag hindi pa ako nakakuha ng maayos na tulog.

Pero hindi, nagugutom talaga ako. Kaya no choose, lulugo-lugo akong bumangon at nagtungo sa kusina. Isang baso ng gatas at Tasty na may peanut butter ang napagpasyahan kong kainin.

12:30 na pala.

Ayon yon sa wallclock na nasulyapan ko. Apat na oras na ang lumipas simula ng mahiga ako kanina. Pwesto na ako sa lamesa at nag-umpisa na akong kumain. Habang kumakain napansin ko yung backpack kong nakapatong sa sofa.

Pinuntahan ko yon. Bitbit ang kinakain ko lumipat ako ng pwesto at dun umupo. Mula sa bag kinuha ko ang ticket na ibinigay sakin ng customer kanina.

Sadya bang mapaglaro ang tadhana? Sa lahat ng pwede niyang ibigay sakin bilang pasalamat ito pa. Ito ba yung tinatawag nilang Sign?

Naiiling na inilapag ko yon sa lamesita. Nagpatuloy ako sa pagkain ng biglang mag-vibrate ang phone ko.

May tatlong messages akong natanggap galing sa isang unregistered no.

Mukhang napapadalas na ang pagtanggap ko ng text message mula sa mga unregistered no. ah. Sino naman kaya ito? Anong oras na, nagtetext pa?

Binasa ko kaagad ang message.

From: Unregistered no.

1/3
Hi Ate! Siguro nagtataka ka kung sino ako, ako to' yung customer kanina. Hehe ;) Hindi ko alam kung gising ka pa o hindi na. Pero hindi kasi ako makakatulog hanggat hindi ko nasasabi ito.

In His Arms. (Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon