In His Arms - Chapter 14 || Gone (His side).

554 15 10
                                    

Althea's PoV

Nakuhanan ko na siya ng video at naisend na din namin iyon sa Manager niya. Isinara ko na yung laptop saka ako bumaling sa kanya.

Mukha niya agad ang nakita ko. Nakatingin din kasi siya sa laptop ko kaya halos magkapalit na kami ng mukha dito.

Ano ba namang lalaki ito, wala pangligo yan pero mukhang fresh na fresh. I silently shake my head.

Pareho kaming naka-upo sa sofa, masyado kaming close kaya umusod ako ng konti.

Huh! Kailangan ko ng hangin.

Kahit na medyo nag-papanic na naman ako, pormal pa din akong nakipag-usap sa kanya.

"Maligo ka na."

"Ha?" sagot lang niya.

Iritable ko siyang sinagot.

"Anong ha? Ang sabi ko maligo ka na."

"Bakit?" absent minded niyang sagot sakin.

Ako naman ang nagtaka sa kanya.

"Anong bakit? Ihahatid na kita sa inyo kaya maligo ka na. Unless, gusto mong umuwi sa inyo ng mabaho at dugyutin." pabalang na sagot ko sa kanya.

Nagtext na kasi kanina si Aldrin, papunta na daw siya dala yung motor na hinihiram ko.

Bigla niyang inamoy ang sarili niya.

"Mabaho na ba ako?" tanong niya.

Hindi ah! Ang bango-bango mo kaya. Parang baby. Malanding sagot ng isang bahagi ng isipan ko.

Susme! Anu ba Althea, umayos ka nga!

Straight face akong sumagot sa kanya.

"Oo kaya maligo ka na."

"Ngayon na?"

Anak naman ng gwapo este kuwago tong lalaking ito! Tanong ng tanong!

"Bakit gusto mo bukas pa? May tuwalya na sa loob bilisan mo ng kumilos."

Isa pa, isa na lang bibigwasan na kita.

"Ito naman, naka-angil agad." napakamot na lang siya.

Tumayo na ako para dalhin yung laptop sa kwarto, pero na pahinto lang ako sa pagpasok dahil sa sinabi niya.

"Buti na lang cute ka pagnagagalit."

Ako, cute? Ang sabi nga nila Krystal mukha akong bulldog pagnagagalit tas cute pa ko ngayon sayo? Bolero!

Naramdaman kong dumaan siya sa likod ko. Nilingon ko siya nung napansin kong napahinto din siya sa pagpasok sa banyo.

"Teka, ano nga palang susuotin ko?" pagkalingon niya tanong sa akin.

"Nilabhan ko yung suot mo nung nakita kita."

Sabi ko saka ako nagprocede sa pagpasok sa loob, pero may pahabol na tanong pa siya.

"Pati brief ko?"

Muntikan ko ng mabitawan yung laptop na dala ko. Mukha akong kamatis dahil sa pamumula.

In His Arms. (Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon