In His Arms - Chapter 10 || Kwarto.

534 18 6
                                    

Althea's PoV

Madilim-dilim pa ng maalimpungatan ako. Pupungas akong bumangon.

Bahagya pa ng akong Napa igtad ng makita kong nasa loob na ako ng kwarto.

Nakahiga ako isang de tuping katre katapat si Min Ho na siya namang nakahiga sa kama ko.

Bat ako nandidito? Sa sofa na ako inabutan ng antok di ba? Sinong naglipat sakin ditotanong ko sa sarili ko.

Kakamot-kamot ulo akong bumangon. Doon ko napansin na may nakadikit palang stickynote sa noo ko.
Binasa ko ang nakasulat nanote doon.

<Ate!

Kailangan ko ng umalis. May emergency sa hospital, minessage ako kaninang 3:00am kaya 4:00am palang umalis na ko. Hindi na ko nakapagpaalam kasi ang hirap mong gisingin. Sige bye na.>

"Umalis na pala siya." pabulong kong sabi.

Kaninang 4:00am?  isip-isip ko.

So, dalawang oras na pala ang nakakalipas simula nung umalis siya.

Pagkatapos kong basahin yung note ay dahan-dahan na akong tumayo. Itinapon  ko na din young sticky note sa may basurahan.

Ramdam ko ang lagkit at kati ng noo ko, sukat ba naman kasing idikit ni Jade yong note dito. Pwede naman niya yong idikit yon sa ref.

Anlakas talagang magtrip nun.

Tinignan ko muna si Min Ho bago ako dumiretso  sa C.R para maghilamos.

Magaan na ang loob ko na makitang hindi na siya namumutla. Maganda na ang kulay niya at mukha na siyang masigla. 

Nang makuntento ako sa kakatingin sa kanya deretso na akong C.R. Sa salamin may note uling nakadikit. Nanlaki ang mga mata ko sa nakasulat.

<P.S.

Sa pag-alis ko, wag mong gahasain si papa Min Ho ah. HEHEHE!>

Ano raw?!  binasa ko uli.

Nanginginig kong hinablot mula sa pagkakadikit sa salamin yung sticky note saka diretsong iflinush yon sa inidoro.

Sira-ulo ka talaga Jade pagbalik mo dito kakalbuhin talaga kita!

Paano kung nauna siyang magising sakin, at siya makabasa nito. Baka anong isipin noon. Na pinagnanasahan ko siya, PWEH lang!

Bakit hindi ba? sabi ng munting tinig sa isip ko. 

Ikaw munting tinig, tumahimik ka! Pag ako nainis sayo, titirisin kita!

Dali-dali na akong naghilamos at pumunta sa kusina. Tinignan ko kung anong pwede kong lutuin para sa unexpected guest ko. Nakakahiya naman kung wala man lang akong ihahanda. Baka masabihan pa akong hindi hospitable.

Kaya lang, parang naging abandoned village ang ref ko. Walang kalaman-laman ang loob maliban sa isang pirasong itlog.

Parang kailangan ko ng mag-grocery uli. Buti na lang at may grocery dito sa amin na  24/7 na bukas. Kaya kahit masyado pang maaga. Pwede na akong mamili.

Pumasok uli ako sa kwarto para kumuha ng jacket at pera ng tignan ko uli si Min Ho.

Siguro naman hindi siya magtatatakbong palabas pag nakita niyang walang tao sa loob di ba?

In His Arms. (Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon