In His Arms - Chapter 13 || Plan.

548 14 9
                                    

Alona's PoV

Baling dito, baling doon.

Kanina pa ako nakakarinig ng tumutunog na cellphone!

"Ano ba! Kanino ba yang celphone na tumutunog? Pakisagot nga yan please, istorbo na kayo eh!" inis na sabi ko.

Baling uli ako sa pagkakahiga at nagtakip ng unan.

Ggrr!! Naririnig ko pa din.

Hindi na ko nakatiis napabalikwas na ako ng bangon.

"ANO BA? ANSWER THAT GODDAM----" napatigilan ako.

Saglit akong natulala at natigil sa pag wawala nang mapansin kong phone ni kuya Min Ho yung tumutunog.

Agad ko yong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag.

"Huh?! Unregistered number?"

Sasagutin ko ba ito? natanong ko na lang sa sarili ko.

Hindi ko ugaling mag accept ng call lalo na kung hindi sa akin yung phone. Pero parang may kung anong pwersa ang nagtutulak sa akin na
sagutin iyon. Sinuwipe ko yung accept call button.

"Hello?" alanganin kong sagot.

'Hi!'

Isang maikling salita lang ang isinagot sa akin ng isang lalaki sa kabilang linya pero sapat na iyon para makilala ko kung sino ang tumatawag.

Tuluyan ng nawala ang antok ko.

"KUYA MIN?!" excited na tawag ko sa kanya.

Tumawa siya bago nagsalita

'Ako nga, miss me?'

Naluha ako, kulang ang salita para idescribe kung gaano ako kasaya ngayon.

"Kuya nasaan ka na? Okay ka lang ba? Bakit hindi ka pa umuuwi? Nag-aalala na kami sayo alam mo ba yon?" sunod-sunod kong tanong kay kuya.

'Isa-isa lang mahina ang kalaban.' pagbibiro pa niya.

'Oo ayos lang ako at pasyensya na kung pinag-alala ko kayo. Uuwi din ako huwag kayong mag-alala Okay?' masigla pa niyang sagot sa akin?

"Pero nasaan ka na?" tanong ko habang patakbong pumunta sa kwarto ni mama.

Agad kong kinalampag ang pinto niya.

'Bakit maingay?'

"Kinakatok ko si mama." sagot ko sa kanya.

Pagkatapos kong sabihin yon biglang bumukas ang pinto ni mama. Nagtatanong ang tingin niya sakin.

"Bakit?" she mouthed.

"Tumatawag si kuya Min ma." pagbabalita ko.

"Ispeakerphone mo, madali!" agad ko siyang sinunod.

"Min Ho nasaan ka na? Okay ka lang ba? Bakit hindi ka pa umuuwi? Nag-aalala na kami sayo alam mo ba yon?" ulit lang ni mama sa tanong ko kanina.

Napakamot ako ng ulo.

Natawa naman si kuya mula sa kabilang linya.

'Like mother like daugther talaga! Iyan din tanong ni Alona sa akin kanina eh.' masaya pang sabi niya.

"Eh nasan ka na nga? Alam mo ba ang chaos na ginagawa mo sa mga fans. May naglink na din sa media ng pag kawala mo? Ang laking gulo nito Min Ho." sabi ni mama.

Nakinig na lang ako sa usapan nila.

'Hindi ko pa pwedeng sabihin. Oo nabalitaan ko na din. I'm really sorry Manager Kang.'

In His Arms. (Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon