"Althea na overwhelm lang naman ako kanina, wag ka nang magalit please!"
"Jade paanong hindi ako magagalit? Hinalikan mo ko sa gitna ng court kanina!"
"Eh kiss lang naman e, bakit masyadong big deal sayo?"
"Gago ka ba? Sa cheek okay lang pero yung -----"
Jade kiss Althea on her lips ...
.
.
.
.
.
.
.
"Ahhhhh!" sigaw ko nang nang malaglag ako sa higaan ko. Napahawak ako sa ulo ko, ang sakit."Good morning Althea!" bati sa akin ng isang babae, hindi ko nakikita ang mukha niya coz I still feel sleepy. "Althea okay ka lang? Anong nangyari?" tanong nito, at nung imulat ko ang mata ko laking gulat ko at napasigaw ako.
"Multo!"
"Althea it's me Jade! Hindi ako multo!" sabi nito sa akin at hinawakan ang braso ko. Oo nga she's real. And so much shit! Naalala ko na kung bakit lame ang pakikitungo ko sa kanya. "Hey Althea? Hoy!" pag pukaw niya sa diwa ko.
"Ja ----de anong gina---gawa mo dito?" nautal kong tanong at muling bumalik ang awkwardness nanararamdaman ko sa kanya.
"Dito ako natulog kagabi, ang sarap sarap pa nga ng pagkakayakap mo sa akin kagabi e." she said at ikinagulat ko ang sinabi niya.
"What?! Are you out of your mind? Wag mo nga akong pinagluluko Jade." masungit kong sagot sa kanya at agad tumayo at kinuha ko yung phone ko.
"Nagsasabi ako ng totoo, dito nga ako natulog kagabi. Saka ano namang masama sa pagtabi sayo?" she asked ayoko nalang siyang sagutin, I need to call Baby ko. Isa sa mga bilin niya na kapag gigising ako every morning dapat daw tatawagan ko siya.
"Jade mamaya na okay? Tatawagan ko lang ang baby ko." i said at tinarayan ko siya ang kulit e.
"Akin na nga yan!" she said at biglang inagaw ang phone ko.
"Jade what's your problem? Give me back my phone!" ma authoriza kong utos sa kanya pero nilagay niya to sa likod niya.
"Althea, ako yung nandito sa harap mo so why you need to call the other person to talk pa? Nakakapikon ka na alam mo ba yon?" she said seriously, ano bang problema nito?
"Jade kailangn kong tawagan yung tao coz she's expecting my call. Nangako ako sa kanya na tatawagan ko siya every morning I woke up. So give me back my phone. " paliwanag ko at nakiusap na ibalik niya ang cellphone ko.
"Wow how lucky that girl, buti pa yung pangako mo sa kanya tinutupad mo. Eh yung promise mo sa akin 5 years ago bago ka umalis, nakalimutan mo! Oh yan saksak mo sa baga mo!" inis niyang sabi sa akin at tinapon ang cellphone ko sa akin. At agad lumabas ng kwarto.
Dahil sa inasal niya mas lalo tuloy akong na weirduhan, ano bang pangako ang sinasabi niya? Don't mind it na nga, pero wait ano nga ba talaga yon? Mamaya ko nalang siya tatanungin, tatawagan ko na muna si Sarah sa Google Duo para makita ko siya. It's a new video call app.
Dialing Baby ko ...
"Good morning baby ko!" hyper kong bati sa kaya ng sagutin niya ang tawag ko.
"Morning too." malamya niyang sagot at nakasimangot pa.
"Oh what happen? Parang bad mood ka yata?" I asked.