S28 - #DKBMSimulaNgBagongBuhay

2.4K 108 20
                                    


       "I'm so sorry Althea. Things do not always go according to our plan. Sometimes we need to sacrifice our own happiness para mapasaya ang iba. Kaya kung talagang mahal mo ko, bitawan mo na ako at bumalik ka sa Ate ko. Kapag ginawa mo yun mapapasaya mo na si Ate at hindi na rin ako makukunsensya."

       Para akong unti unting nalulunod nang makipaghiwalay si Rj sa akin. Ang sakit sakit. Sa pangalawang pagkakataon muli akong nasaktan, nung una yung mawala si Jade, pero ito yung pinakamasakit kasi pinaasa ako ni Rj na hindi niya ako bibitawan. Ginawa ko na lahat para makiusap sa kanya na wag akong iwan pero umalis pa rin siya. Sobrang sakit na iniwan ka niya kahit marami kang pangarap para sa inyong dalawa. Ang sakit na iniwan ka niya kahit lumalaban ka pa. Hindi ko alam na kung gaano ka niya ako kayang pasayahin, na kaya niya rin pala akong saktan ng ganito.

      "Let me go Althea! Kindly respect my decision. Kung mahal mo ko, just let me go. Kung mahal mo ko papayag ka sa gusto ko. Kung mahal mo ko wag mo nang akong pahirapan. Hindi tayo dapat. Hindi kita dapat mahalin."

      Dahil sa mga sinabi niya, mas lalo niya pinaramdam sa akin na hindi ako karapatdapat para sa kanya. Kaya nung gabing yon pumayag ako sa gusto niya. Nung gabing yon para na rin ako namatay, dahil iniwan na ako ng taong pinakamamahal ko. She chose to hurt me than choose to stand.

        Nung gabi na ring yon, linunod ko ang sarili ko sa alak. Dahil punong puno ng sakit ang puso ko dagdag pa yung pag uusap namin ni Sarah bago pa ako pumanhik sa kwarto ni Rj.

       "Baby?" patawag niya. Kahit na marami kaming pinagdaanan hindi ko siya pinagbawalan na wag niya akong tawagin sa dati naming tawagan.

      "Yes?" sagot ko while combing her hair slowly.

       "Alam mo ba yung Dignitas?" she asked napakunot naman ang noo ko.

       "Hindi e, saan ba yon?"

      "Sa Switzerland, gusto kong dalhin mo ako don." ang sabi niya.

      "Ash hindi mo kayang bumiahe ng ganun kalayo, mahina ka pa. Bakit don mo ba gustong magpagamot?"

      "No, don ko gustong mamatay. Dignitas ang tawag sa facilities, ng mga gusto ng mamatay. Don hindi mo mararamdaman yung pain, matutulog lang ako hanggang sa wala na akong maramdaman." she said kaya bigla akong napaharap sa kanya.

      "Sarah naman, gusto mo akong tulungan ka para magpakamatay? Ganun nalang ba kadali sayo ang sumuko? Hindi mo kami pwedeng iwanan, kaya natin 'to di ba? Sasamahan kita, kami ni Rj hanggang sa maging okay na rin ang lahat basta wag kang sumuko." hindi ko mapigilan ang mga luha ko, importante na rin si Sarah sa buhay ko kaya hindi ko kayang mawala siya.

      "Bakit ba ang hilig ng mga taong umasa sa mga bagay na wala na naman talagang pag asa? Ayoko nang sumagot Althea, pagod na akong ipaliwanag ang sarili ko. Gusto ko ng matulog." yun lang ang nakuha kong sagot sa kanya at hindi iyon yung sagot na inaasahan ko.

      Nang maramdaman kong nakatulog na si Sarah, inayos ko muna ang sarili ko bago ko puntahan si Rj. It's her birthday ayokong maging malungkot siya, ayokong malaman niya ang pinag usapan namin ng Ate niya at sa gusto nitong mangyari. Ayoko siyang masaktan, at makitang nahihirapan.

      Ngunit nagkamali ako dahil sa pagpanhik ko sa kwarto, mas lalo lang din palang dudurugin ang puso ko. Rj broke my heart. Kahit siguro umiyak ako ng dugo hindi ko na mababago ang desisyon niya. The only thing I did is to watch her walking away from me.

      Naubos ko ang dalawang bote ng vodka, gusto kong lunurin sa alcohol ang puso ko para mawala yung sakit. Hanggang sa maging manhid na ako at wala na akong maramdaman. Dahil sa pagbasag ni Rj sa puso ko para na rin akong namatay.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon