S9 - #DKBMPaglihim

3.2K 126 7
                                    


       "Baby ko kamusta pakiramdam mo?" Althea asked, kakatapos lang nito subuan si Sarah.

       "Medyo mabigat pa rin ang ulo ko, pero ookay na rin ako. In fairness tanda mo pa rin yung favorite ko." sagot nito at nginitian si Althea.

      "Syempre naman, kasi diba pag nagcacrave ka non kumain ng mga italian food ito agad yung pinapaluto mo sa akin. Daig mo pa nga buntis, kasi kahit nasa office ako kinukulit mo pa rin akong umuwi agad para lang magluto ng  Pasta Con Pomodoro E Basilico. Oh di ba kabisado ko na?" natatawang sagot ni Althea, napangiti naman si Sarah at tinitigan ang kaibigan. Dahil sa mga oras na ito hindi pa rin siya makapaniwalang nakikita niya na muli ang mga ngiting nagpaibig sa kanya. "Ahmm Baby bakit natahimik ka?" tanong nito. Nasa mesa lang si Rj pinapanood ang dalawa, halos durog na ang prutas sa plate niya dahil sa kasweetan ng dalawa.

      "Wala lang, after one year ngayon ko lang kasi ulit nakita yung mga ngiti mo na yan. Yan yung mga ngiting mina --- i mean namiss ko." muntik na itong madulas.

      "Alam ko marami na akong pagkukulang sayo, kay hayaan mo nalang ako bumawi. Ayoko ng maulit pa yung nangyari sa amin ni Jade, marami akong pinagsisisihan kaya pati ikaw na apektuhan." wika ni Althea.

      "Naiintindihan ko, pwede ba wag na natin pagusapan si Jade baka mamaya niyan multuhin pa tayo non. Pero Althea, may gusto lang akong malaman and I want you to be honest with me." ang sabi ni Sarah.

      "What is it?" sabay lapag ng plate sa center table.

      "Hmmm you and Jade? Hmmm ---"

      "She's my girlfriend, girlfriend ko siya before mo pa ako nakilala. At kung ano ang nasa isip mo ngayon, I confirm it. I'm a lesbian." pag amin nito sa matalik na kaibian.

      "So tama nga ako." ang sabi nito at napangiti.

      "So hindi ka ba naiilang?" tanong ni Althea at kinakabahan na baka hindi siya tanggapin ng kaibigan.

       "Bakit? Sakit ba yan na nakakahawa? Althea ramdam ko na na may iba sayo nung bumalik tayo dito sa manila. Pero bakit di mo sinabi sa akin bago pa lang?" tanong ni Sarah.

       "Dahil hindi ko tanggap sa sarili ko na lesbian ako. Alam mo naman na hindi madaling mag out lalo na sa pamilya ko pati sa ibang tao, at dahil na rin sa sitwasyon namin noon ni Jade. Ash mahirap lang kami noon, at nakaasa sa akin ang pamilya ko. Nung mga panahon na yon kinalimutan ko yung taong nagpasaya at bumuo sa akin, para sa pamilya ko. But it was a big mistake I ever made in my life, I loss the person who made me whole. I loss Jade." paliwanag ni Althea at bakas pa rin sa kanyang mga mata ang lungkot. Kaya naman hinawakan ni Sarah ang kamay niya.

      "You still have me Althea, at hindi ako mawawala alam mo yan." Sarah says and she smiles.

      "Alam ko." pinatung niya ang kanyang kamay sa kamay ni Sarah na nakahawak sa kaliwa nitong kamay. "After one year of mourning the death of my girlfriend, here I am I was able to smile again. And now it's a good start." ang sabi niya kay Sarah and she's ready now to open her heart for someone.

      "Hoy bitawan mo nga ang kamay ng kapatid ko!" ang sabi ni Rj at pinitik ang tenga ni Althea.

      "Aray ang sakit! Rj bakit ba ang rude mo sa akin?" tanong ni Althea na napahawak sa tenga niya.

       "Rj naman. Halika nga dito masakit ba baby ko?" sabay haplos s tenga ni Althea.

       "Ate mamaya e ligawan ka ng kupal na 'to. Tapos gawin ka lang panakip butas, kaya kung may balak kang ligawan ang Ate ko hindi ako papayag. Nik nik mo!" mataray na sabi ni Rj.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon