I'm taking my coffee, habang pinanonood ko ang pagliwanag ng araw sa napaka abalang kapaligiran, it's 5:45 am. Hindi ko na magawang makatulog ulit dahil sa nangyari kagabi, lahat ng kasiyahang nararamdaman mo palaging may kapalit at kaakibat na suliranin. I'm happy being with Althea at nakikita ko sa kanya na sigurado siya sa mga sinabi niya. Her words felt different and her stares shows sincerity.Pero di ko pa rin maiwasan makunsensya dahil nanatili pa rin lihim kay Ate at sa parents ko ang relasyon namin ni Althea. Ngayon pa na may alam na si Yeng na matalik na kaibigan ni Ate na may relasyon kami ni Althea, hindi malayong malaman na rin ito ng iba pa sa mga susunod na araw. Alam kong dapat akong magtiwala kay Althea, pero minsan mas matimbang pa rin ang pamilya kaya hindi ko maiwasan intindihin ang magiging resulta nito. Piliin ko man ang manahimik ngayon para hindi makasakit, masasaktan at masasaktan ko din naman sila in the end. So I need to be brave enough to tell them about Althea, para sa ganun mapatunayan ko kay Althea na kaya ko siyang ipaglaban.
I did choose to love Althea. It happened. And once it did I'd keep on choosing to love her. Loving her became both voluntary and involuntary. It's a conscious and unconscious decision.
Hindi ko na namalayan ang pagyakap ni Althea sa bewang ko at pinatung niya ang baba niya sa balikat ko.
"Ang aga mo naman nagising." she said and kiss my shoulder. Medyo husky pa ang boses ng Hart ko, halatang inaantok pa.
"Natulog ka muna sana, babalik din naman ako sa bed after magcoffee. Good morning anyway." i said at haharap na sana sa kanya pero hindi niya ako binitawan.
"Don't turn around, let me sleep in your shoulder." napakunot ang noo ko sa sinabi niya? Seryoso matutulog siya ng nakatayo? Weird huh.
"Althea your so clingy ang aga aga ang landi mo." I said and smile naka yakap pa rin siya sa akin ayaw niya talagang humiwalay. It's like she's afraid to let go.
"Kung pwede nga lang ilabas lahat ng landi ko sa katawan gagawin ko para hindi na maghanap ng ibang lalandi sayo." she said para namang iiwanan ko siya. But what if dumating yung araw na kailangan kong mamili? Kaya ko kayang manindigan sa pagmamahalan namin? I bite my lower lip to stop myself saying anything. I didn't want to be hasty with my words.
"Hart sa dating duplex mo ka ba uuwi? Or meron ka ng ibang unit? Anyway around 10 am ang flight ni Ate, gusto mo bang sumama sa pagsundo?" i asked her baka kasi wala siyang gagawin papasama na ako.
"Oo doon pa rin. Hindi na siguro may kailangan akong imeet na client mamaya.". sagot niya na tila pikit pa ang mga mata ganun pa rin ang posisyon niya. Sad naman, di ko na siya makakatabi sa pagtulog.
"So kailan tayo magkikita?" tanong ko sa kanya na may malungkot na tuno.
"Just call my name and I'll be there. Kahit anong ginagawa ko, kahit may kameeting ako kapag ikaw ang nangailangan lilipad ako papunta sayo." kinilig ako sa sinabi niya, pakiramdam ko hanggang Muñoz to Edsa ang haba ng buhok ko. Ganern!