After ng meeting ni Sarah para sa Thanksgiving Concert niya, pinuntahan na namin si Rj sa lugar kung saan sila magkikita ng Ate niya. She's really going to leave at mukhang hindi na ito mapipigilan. Kaya sobrang hirap para kay Sarah at para sa akin, kahit galit ako sa kanya gusto ko pa rin na lagi siyang nakikita o nakakasama."Hindi ka na ba talaga namin mapipigilan Rj?" asked Sarah habang hawak hawak ang kamay ni Rj.
"Ate I need to grow, I need to experience how to live on my own. I want to stand with my own feet Ate, you've done everything for our family and I think it's my turn to help Mom and Dad kasi magkakapamilya ka na." sagot niya sa Ate niya habang nakayakap sa braso ni Sarah.
"Bakit kailangan mo pang umalis? May work ka naman dito di ba? Hindi pa ba yon enough for you? If you want to put up your own business I will help you. Alam mo namang laging nandito si Ate para sayo." ang sabi ni Sarah, ang sarap lang pagmasdan ng magkapatid na 'to namiss ko tuloy mga kuya ko.
"Yan ka nanaman kasi Ate, sinasanay mo ko sa ganyan. Paano ako matutoto kong laging mo kong aalalayan? I'm a big girl now Ate, bigay muna sa akin 'to ..." naka ngusong sagot ni Rj kay Sarah.
"Di ba kasi pwedeng after wedding ko nalang saka ka umalis? Gusto ko nandon ka, ikaw yung Maid of honor ko e ..." napaluhang sabi ni Althea.
"Ate naman wag mo nga akong dramahan? Pipilitin kong umuwi sa kasal niyo, wala pa namang date di ba? Sabihin niyo nalang kong kailan ang kasal uuwi ako, promise." she said and raise her right hand.
"Promise yan ah? Kapag hindi ka dumating, naku hindi ko pakakasalan si Althea. Walang kasalang magaganap." Sarah said. Kung alam mo lang ayokong nandon si Rj sa araw ng kasal natin, ayokong makita siyang nasasaktan.
"Sus naman si Ate, don't worry darating ako. Althea ..." pagpukaw niya sa akin at naka tingin sila ni Sarah sa akin. Napalunok ako dahil ngayon lang ulit kami nagkatitigan ng ganito.
"Ano?" I asked habang nakatingin sa kanya. Maliwalas ang mukha ni Rj habang naka tingin sa akin, bigla naman akong napatingin sa labi niya kaya agad kong ibinaba ang tingin ko at nagsip ng juice.
"Althea alagaan mo si Ate ah? Like what I've said before, handle her with care. Ate kapag pinaiyak ka nitong si Althea isumabong mo sa akin, uupakan ko talaga 'tong kupal na 'to." she reminded me the day we first meet. Kups ang tawag niya sa akin in short of Kupal, too many memories ang nagflashback sa akin.
... Yung araw na na tabig niya yung juice at tumapon sa laptop ko.
... Yung araw na nagising ako at mukha niya ang nakita ko at nasampal niya ako dahil may lamok.
... Yung gabi na kinukulit niya ako, at umiyak siya. Yung unang beses na yinakap ko siya dahil nagpanggap siya bilang si Jade.
... Yung araw na pumunta kami sa Divisoria habang hawak hawak ko ang kamay niya para hindi siya mawala.
... Yung gabing pinilit niya akong pumasok sa simbahan para umattend ng mass.
... Yung panahong inalagaan niya ako. Yung unang beses niya akong halikan at sabihing gusto niya ako.
Lahat yon muling bumabalik sa isip ko pati na ang pag gabing mas pinili niyang pakawalan ako.
"Kahit hindi mo ako pagbilinan, aalagaan ko pa rin ang kapatid mo. She's soon to be my wife, deserve niyang mahalin kagaya ng pagmamahal niya para sa akin." I told her, hindi niya na dapat akong paalalahanan pa.