-03-

33 2 1
                                    

Aiyana Azhianta's POV

Totoo ba tong nakikita ko??

Nandito ako ngayon sa dorm ni Lucas at ng pinsan niya.

Nakita ko si Lucas kumot lang ang nakatakip sa katawan niya at may babae.

Hindi ko alam gagawin ko. Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Bakit??Paano niya nagawa to??Senior High pa lang kami.

“Walang hiya kang hayop ka.” Sabi ko habang pinagsusuntok si Lucas.

“Magsama kayong dalawang malandi. At ikaw Lucas huwag na huwag mo na akong kakausapin. Tandaan mo wala ng tayo. Ayoko na” sabi ko habang umiiyak. Sabi ko kagabi di ako iiyak ngayon. Akala ko kaya ko ang hirap pala. Yung ilang taong pinagsamahan niyo na inalagaan niyo masisira lang pala ng isang araw, masisira lang pala ng isang kagaguhan.

“Let me explain, Yana.” sabi ni Lucas.

“No. Hindi mo na kailangan. Kitang kita ko na lahat. Lahat ng kalandian at katarantaduhan mo.” 

Pagkatapos ay umalis na ko. Dumiretso ako sa Bar. Pangalawang beses ko pa lang iinom nung una ay yung nagaway ngayon naman hindi dahil nagbreak kami dahil sa galit.

Austin Eidan's POV

Paalis na ko sa bar kanina pa pala ako nandito teka parang kilala ko yung babae na yun.

Aiyana ba yun. Oo aiyana ata name nun.

“Ms. Ok ka lang” mukang lasing na siya. Pero maganda siya ah.

“Manloloko kayo. Pare parehas lang kayo.” Sabi niya habang umiiyak. Mukang broken hearted to ah.

“Halika na ihahatid kita. Lasing ka lang.” sabi ko sabay buhat sa kanya.

Nasa kalagitnaan na ko ng pagdadrive. Nang itatanong ko sana kung saan siya nakatira kaso tulog na siya.

Paano ba toh??

Saan ko siya ihahatid??Hindi naman pwede sa bahay. Sa dorm ko kaya??Doon nalang malinis naman dun e.

Nang makarating kami sa dorm ay hinatid ko siya sa kwarto.

“Oweeehh..” WTF. sumuka siya. Ako ba magapalit jusko naman oh.

Ang dami niyang suka. Basang basa na yung damit niya. Ano ba gagawin ko. Jusko bwisit naman tong babaeng to oh. Ako na nga nagmagandang loob ako pa peperwisyuhin.

The One Month Deal Turns Into ForeverWhere stories live. Discover now