Austin Eidan's POV
1 week na simula ng maging kami ni Aiyana. Saglit lang naman yung 1 month e. Kaya sana sa loob ng 1 month maka move on ako.
*Kring..Kring..Kring*
[Hello]-Aiyana
[Libre ka ngayon?] tanong ko.
[Yes. Why??]-Aiyana
[Punta ka sa dorm. Nood tayo sine] sabi ko.
[Ngayon na??]-Aiyana
[Oo. Hintayin kita ah bye. Ingat]
CALL ENDED
Teka bakit ako nakangiti??Pshh baliw na ata ako.
****
MALL:“Yana nood muna tayo?” Tanong ko.
“Sige. Ano ba papanoodin natin” Tanong niya.
“Ano ba gusto mo? Train to Busan??” tanong ko
“Tara.” sabi niya sabay hila.
Aiyana Azhianta's POV
Nandito na kami ngayon sa loob ng sinehan. Nakakatuwa lang dahil mas magugulatin si Austin sakin.
“Heyy yana. Bakit ka natatawa” Sabi ni Austin at inakbayan ako.
“Mas magugulatin ka pa kasi sakin e. Di mo sinabi takot ka pala sa horror.” Sabi ko habang nakangiti.
“Yahh!! Kaya nga ako takot sayo eh” Sabi niya habang nanonood.
“Wow!!May Dyosa bang multo?” sabi ko habang nakangiti dahil kanina pa kami nagaasaran.
“Ang hangin dito grabee” Sabi ni Austin. Ngayon ko lang na realize ako cute pala niya.
HAYY NAKO AUSTIN EIDAN BAKIT KA GANYAN??
Natapos na namin yung movie at nandito kami sa DQ mahilig din pala siya sa DQ.
“Nag-enjoy ka bang panoorin ako kanina habang nagugulat” sabi ni Austin. Putek assuming din nitong lalaking to ah.
“Nahh!!Panget mo eh” Sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.
“Ouchh!! Grabe talaga kapag mahal mo noh. Handa kang mag sacrifice para lang ikaligaya niya.” sabi ni Austin.
“Hindi lahat ganun. May mga nagmahal na kahit binigay lahat sinaktan pa din.” sabi ko sabay irap sa kanya. Yackk!! I hate this topic.
“Bitter Yana” sabi niya. Ang cute niya talaga.
Habang naglalakad kami nakita ko si Lucas kasama si Athana. Woww so sila na pala talaga ah.
Biglang hinawakan ni Austin ang kamay ko. At sinubuan ako. Alam ko namang kung anong pakana niya kaya ngumanga ako.
“Babe saan mo gusto kumain” Tanong ni Austin.
“Kahit saan babe basta kasama kita. Kiligin ka na” Sabi ko ng medyo malakas para marinig nila Lucas.
Nang makalagpas na kami hawak parin ni Austin kamay ko, Kahit wala na yung dalawa. Tssk!,Weird niya talaga.
Kumain kami sa isang restaurant na puro carbonara. Favorite niya pala yung carbonara.
“Aiyana smilee” Sabi niya habang pinicturan ako.
“May picture ka na ng idol mo.” sabi ko.
“Psshh!!Ang hangin mo talaga.” sabi ni Austin kaya natawa ako.
“Patingin nga ko. Baka pwede na kita maging photographer” Sabi ko habang nakangiti.
“Ang ganda ko dito ah. Sa bagay kahit saan naman talaga maganda ako e.” Biro ko pero totoo naman talaga.
“Baliw ka talagang babae ka. Hangin mo talaga.” Sabi pa niya habanh kunikurot ang pisngi ko.

YOU ARE READING
The One Month Deal Turns Into Forever
Teen FictionMeet Aiyana Azhianta Gregorio isang maganda, matalino,mayaman at mabait na babae. Nagmahal,Nasaktan, At pumayag sa isang deal. Ang deal na magiging dahilan kung bakit siya sasaya at kikiligin at deal na magiging dahilan kung bakit magkakakulay ang...