-07-

29 1 0
                                    

Aiyana Azhianta's POV

Bakit ganun? Habang natatapos yung deal nawawalan ako ng gana.

Hayys nevermind.

Ano bang balak ko ngayon?Ang boring sa bahay eh. Ayain ko na nga lang kaya si Austin kaso baka busy siya e. Putek naman oh may bff nga ako may lovelife naman.

To: Austin

'Austin gala tayo?Libre ka ba?' kahit labag sa loob ko tinext ko siya.

From: Austin

'Tara. Saan ba?' ang bilis naman nito mag reply.

To: Austin

'SM tayo sunduin mo ko' sabi ko at naligo na.

Hayss! Bakit ba ang lungkot ko ngayon?

After kong mag ayos ay dumating na din si Austin.

“Himala nag aya ka.” sabi ni Austin. Pasalamat nga siya nag aya pa ako e.

“Ang boring kaya sa bahay Austin.” totoo naman kasi eh. “By the way Aust diba sabi ko kanina sm?”

“Yep why?”

“What if mag EK tayo. Kahit malululain ako. Ewan ko ba galang gala ako eh. Tsaka lagi nalang tayong SM eh, nakakasawa na.” Hayyss bakit naman kasi galang gala ako. Wala kasi yung best buddy ko eh. Hays Yass I miss you.

“Ang cute mo maboring Yana. Para kang buntis na naglilihi sa ibang lugar.” ay pagtawanan daw ba ako nitong Austin na toh?

“Che. Ano you want??Ek us??”

“Sige baby” Nagulat ako sa sinabi niya. Nailang ako kaya ang tahimik sa kotse ngayon.

“Matutulog muna ako Aust, Paki gising nalang ako kapag nasa EK na tayo. K?” Antok na antok naman ako ngayon. Ayaw makisama ng katawan ko ngayon.

“Sige. Sleep well baby” Di ko na pinansin ang pagtawag niya ng baby sakin. Na abnoy lang yan.

----------

“Heyy Baby. Wake up. Were here on EK. Pshh Tulog manok ang baby ko.”

“Hmmmm”

“Gigising ka or I will kiss you?” Aust naman eh. Inaantok pa ko eh.

“Heyy antok pa ko. Ano ka ba?” pagmamaktol ko.

“Sana sinabi mo nalang na ikiss kita para di ka na gumising may kiss ka pa sa pinaka pogi mong CONTRACT BOYFRIEND” may pagka ggss din pala to si Aust -.-

“Abnormal ka talaga Aust.”

Linapit niya yung muka niya sa may tenga ko at.....

“I will make this day memorable, BABY.” Sabi niya at kinindatan ako. Ang weird niya ngayon >.<

Pagkababa namin ay hinawakan niya yung kamay ko. Fudgee daming nakatingin samin.

“Ang pogi daw masyado ng kasama mo kaya sila nakatingin.” Aba napaka ggss nga.

“Tangek!!Masyado daw dyosa yung kasama mo kaya namamangha sila.”

“Sige baby, sabi mo eh.” Ok ilang ulit. “Heyy!!Saan mo gusto?” tanong ni Austin. Saan ko nga ba gusto?

“Flying Fiesta” sabi ko. Nakoo ayoko sa matataas noh.

“Nahh!!Basic masyado yun. Gusto ko dun.” sabi niya sabay turo sa Disk-O-Magic. Wahhh mukang basic yang tinuro niya pero pamatay din yan nohh. Nakakalula kaya yan..

“Yahh!!Nagtanong ka pa. Hindi mo rin naman susundin.” naiinis ako pero mas lamang yung kaba mga bes ayoko talaga.

“Huwag ka na magtampo. Diba nga sabi ko I will make this day memorable” sabi niya at hinila ako papunta sa disk-O-magic. Kahit labag sige go. Ako naman nag aya eh >.<

Nandito na kami at nakaupo na. Juskoo Lord gabayan niyo po ako. Gusto ko pa pong mabuhay.

Ayan na....

“Wahhh!!Austin humanda ka pagbaba natin dito.” Umpisa pa lang ang taas na. Huhu mom,dad,yassi save me huhu.

Tiningnan ko siya at nakatingin lang sakin habang nakangiti. Tsk tsk. Weird niya ngayon.

Natapos na kami sa Disk-O-Magic. Ako naman nag-aya sa kanya sa may Jungle Log. Buti nalang hindi mahaba yung pila.

“Yana mataas din kaya tong Jungle Log.” sabi ni Aust. Idc babasain ko siyaa.

“Ako bahala. Yaka ko yan.” sabi ko sabay kindat. Pinapwesto ko sa harap si Aust para siya yung mabasa. Wahaha Aust madumi tong tubig kaya ewan ko nalang.

“Goodluck Aust.” sabi ko at umandar na yung log.

“Wahhhhhh” ang tass din nito OMG. Wahhhhhhhhh ayoko na mama papa huhu help.

Natapos na kami at basang basa si Aust haha 'di ba siya takot sa matataas??

“Kaya pala pinapwesto mo ko sa harap.” Humanda ka.

Hinila niya ako papuntang SPACE SHUTTLE  O_O

“AUSTIN EIDAN AYOKO DIYAN” pagpupumilit ko sa kanya.

“Heyy kj nito. Tara na kasi baby. Sasakay ka or rerapin kita sa harap ng madaming tao.”

“Pervert ka talagang hype ka.” wala akong nagawa nakaupo na kami ngayon. Mommy huhu ayoko dito.

Waahh ang taas.. Ayoko na humada ka Austin. Huhu

“Are you crying Baby?” huhu ayoko na.

“AYOKO NA. IBABA NIYO NA KO. HUHUHU. MAY PANGARAP PA PO AKO. ANG TAAS NA..WAHHHHH AUSTIN HUHU BWISIT KA AYOKO NAAAA” sigaw ko habang umiiyak. Di naman ako makikita ng mga tao eh. Maririnig lang-.-

“Shh. Tahan na. Ang cute mo talaga” Hindi na ako nagsalita. Pumikit nalang ako.

Pagkatapos ng SPACE SHUTTLE ay nag aya ako sa Rio grande mas gusto ko sa basa basa kaysa sa matataas.

Mas masaya talaga sa Rio grande. Maya maya ay hinila ko si Aust sa Extreme 'di naman siya umangal.

At etoo nakaupo na kami..

Wrong move AA ikaw takot dito eh..

Hindi ko muna pinairal yung takot ko pinipigilan ko. Tiningnan ko ang itsura ng EK well hindi lang EK itong nakikita ko sa baba. Ang ganda pala. Nasa tuktok na kami.

“Wahhhhhhhhh” Hala huhu lumutang ako. Huhu pero mas gusto ko toh wahaha.

Pagkababa namin hinila ako ni Austin sa bilihan ng foods.

“Aust ayoko na magrides nahihilo na ako.” sabi ko at sumandal sa kanya.

“Ok. Uwi na tayo after natin kumain.”

Tapos na kami kumain pero huminto si Aust dito sa mga puro stuffed toys.

“Kuya anong gagawin dito??” tanong ni Aust sa lalake.

“Basagin niyo lang po yung dalawang plato makakakuha na po kayo ng toy para sa girlfriend mo.” Oww kuya easy hindi kami.

Kinuha ni Aust yung dalawang bola at nakabasag nga siya. Wooohh ang galing niya.

Binigay na nung lalake yung toy at inabot sakin to ni Aust.

“Thankyou Aust.” nakaakbay siya sakin ngayon. Tsk tsk austin enebe.

“No problem. Nag enjoy ka ba?”

“Yep. Thankyou for making this day memorable, Aust.” sabi ko. Nakadating na din kami sa may parking lot.

“Aust matutulog muna ako. Gisingin mo nalang ulit ako.” sabi ko at natulog na.

The One Month Deal Turns Into ForeverWhere stories live. Discover now