1.Enchant's Forest
ZYLA
Madaling araw pa lamang. Hindi ko maiwasan na mapapikit dahil sa antok. Sino ba namang hindi aantukin? Gumising ka ng ales tres ng madaling araw, hindi ka aantukin?
Kanina pa ring ng ring ung phone ko. Nakaka ilang tawag at text na sina Louise at Yanna pero hindi ko ito magawang basahin. Alam ko naman ang nilalaman ng mga text na yon.
Sumandal ako at tumingin sa paligid. Ang ganda pala talaga rito sa Loidan. Madaming puno kaya malamig ang simoy ng hangin rito.
" Ma'am?"
Napalingon ako kay Mang Kanor. Napa ismid ako at sinibangutan sya.
" Anong sinabi ko sayo Mang Kanor?" I asked. Nakita ko pa syang nag isip. Napatingin ang dalawang niyang mata sa akin sa salamin.
" Ay. Sorry po Ma'am, ay este, Zyla." Matawa tawang sagot ni Manong. Nakailang sabi na ako sa kaniya na wag na niya akong tatawaging Ma'am. Hindi kasi ako komportable.
" Nasaan na po tayo?" Tanong ko.
Napatingin siya sa paligid atsaka nagsalita, " Malapit na po tayo sa North Asia." Sagot na lamang sa akin ni Manong. Tumango ako bilang sagot.-
" Letse ka. Bakit napaka tagal mo ha?!"
Inaasahan ko na ang mga salitang yan. Napatakip na lamang ako ng tenga at nakita ko lang napasimangot si Louise atska ako kinurot sa tagiliran.
" Aray naman!"
Nakita kong tumakbo papunta sa amin si Yanna. Ningitian ko sya.
Malaki na nga ang pag babago nya. Yung dating palagi namin syang inaasar na buto buto dahil sa sobrang payat nya noon? Ngayon, may laman na sya. Yung dating inaasar ko din silang dalawa ni Louise na kulang sa height, inis na inis sa akin.
Pero ngayon? Matangkad na sila. Mas lalo silang gumanda. Mas lalo silang nag mukhang mature. Hindi ko naiwasang mapangiti. Everything was really changed. Na-miss ko tuloy ung grade 6 days namin. Tambay don. Tambay dito. Tambay kung saan saan.
" Kanina pa sila nag iintay oh! Nakatulog na nga yung iba eh," Itinuro ni Yanna ung mga kaklase ko. Nahagip naman ng paningin ko yung tatlong mag kakaibigan. Sina Cherlie, Deniese at Shaine. Sila ung mag kakaibigan since grade 2. Hindi ata marunong mag away yang tatlong yan.
" Nasan si Ynelle?" Tanong ko sa kanila.
" Ahh... nandon sa loob. Napaka tahimik nga ngayon eh," Banggit ni Yanna. Hinanap naman ng paningin ko si Ynelle. Nakaupo lang sya sa isang sulok katabi si Mika na isa rin sa kaibigan nya.
Si Ynelle. Isa rin sa mga kaibigan ko at namin. Sya ung palaging sumasama sa akin kung san man ako pupunta. Kahit na may ginagawa pa yan, sasamahan ka nyan. Isa rin yan sa sumasalubong sa akin tuwing dadating ako. Nakakapanibago lang talaga ngayon.
" Tara na nga!" Aya sa amin ni Louise. Naglakad na kami papunta roon at agad naman nila kaming nakita.
" After 10 years. Dumating rin." Bulong ni Shaine. Natawa na lang ako dahil kahit na bulong pa ang ginawa nya, narinig ko pa rin. Hinayaan ko na lamang din sya. Wala pa rin syang pinag babago. Sya pa rin ung Shaine na nakilala ko and at the same time, kinaiinisan.
YOU ARE READING
The Batch Reunion
Mystery / ThrillerWhat did you expect in a Reunion? A reunion for your class. A reunion for your batch. I bet you wanted that to be happy. Isnt? But reality suck. Expectations are just expection. A reunion for a survival game. A survival game for you. As CLOSE as...