Chapter 2: Hide N' Kill

75 4 2
                                    

A/N

Sa mga kaklase ko na nakakabasa nito, paki suportahan ha? At sa mga hindi ko kilala pero binabasa ito, maraming maraming salamg po :) Kung may mga ka close kayo rito sa wattpad.. pwede nyo pong i-recommend ung story na to. I remind you again, naisali ko po ito sa #wattys2016 kaya support, support, support! Hihi. Injuy redeng! :*

-

2.

Hide N' Kill

ZYLA

Tatlong sunod sunod na putok ang narinig ko. Idinilat ko ang mga mata ko at maliwanag na. Nadako ang tingin ko sa bonfire na kagabi naming ginawa. Wala na ang apoy nito. Inilibot ko pa ang paningin ko. Si Louise. Nasa gilid ko ito at nakatalikod.

Pinilit kong tumayo pero masakit ung katawan ko. Ano bang nangyare? Bakit nag kakaganto ako? Tinignan ko si Louise na parang ang himbing himbing ng tulog. Gumapang na lamang ako para makapunta sa kanya. Kinalabit ko sya pero hindi sya lumilingon. Hindi man lang sya gumalaw.

Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung ano tong feeling na to pero unti unting tumulo ang mga luha ko. Hindi ko ininda ang sakit na nararamdaman ko, umupo ako. Naiharap ko sya sa akin at nagulat na lamang ako sa nakita ko.

Ramdam ko ang pag agos nito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makakibo. Nakita ko na may tama siya ng baril sa tagiliran. Ayun ung side na kinurot niya sa akin nung na-late ako ng dating kahapon.

Pinulsuhan ko ito. Hindi ito tumitibok. Mas lalo pang tumulo ang luha ko. Hinawakan ko ung mukha nya. Hindi. Hindi pwede.

" Okay fine. Nauto mo na ako. Panalo ka na! Now, you can wake up." Sigaw ko sa kanya. Pilit kong nilalabanan ang sakit na nararamdaman ko. Parang tinutusok ng milyong karayom ung puso ko. Hindi ako makahinga ng maayos.

" She's dead."

Napatingin ako sa nagsalita. Medyo familiar ang boses nito sa akin. Lumingon ako. Hindi ko makita ung mukha nya. Malabo at parang naka blurred ang mismong mukha nito.

" W- who are you?" I asked. I saw her stepped forward. I can't see her.

" Someone close?" Sabi pa nya. Hindi pa rin ako makatayo sa sakit ng mga paa ko. Ngayon ko lang napansin na may hiwa pala ako sa hita kaya nanghihina ako. Sino naman ang gumawa nito?

" Can you please just tell me? Who did this to me? Who the fvcking did this to my friend!?" I shouted. Hindi ko maiwasan maisip si Louise. Totoo bang patay na sya?

" Me." Walang ano anong sagot nya sa akin. Nakita ko na may dinukot siya sa bulsa at isang baril iyon. Nag sitaasan ang dugo ko. Parang nag init ako dahil sa kaba. Dinalaw ako ng takot at kaba.

" Ikaw na lang ang buhay. You're a mess." Sabi nya at itinutok nya sa akin ang baril na hawak nya.

Nanlaki ang mga mata ko. This was just a nightmare. I need to wake up! Binabangungot lang ako. Hindi to totoo. We were supposed to be happy. Not like this. I just closed my eyes. Waiting for her to shoot me.

- -

Naimulat ko ang mata ko. Umaga na at ngayon ko lamang napagtanto na dito na pala ako sa labas na katulog. Inilibot ko ang paningin ko. Wala na ang apoy ng bonfire. Lahat sila natutulog. At nalinga ako sa gilid ko. Buhay si Louise.

Panaginip lang ang lahat ng yon. Panaginip lang. Malabong mangyare ang mga bagay na yon. Oo, madaming kriminal pero hindi ko alam kung totoo ang mga serial killer. It was just a bad dream.

The Batch ReunionWhere stories live. Discover now