6.
Lost 2
ZYLA
Naglalakad kaming tatlo sa di naming malamang direksyon. Hindi namin alam kung saan ang pabalik dahil pare- parehas kaming napuruhan sa pagsabog. Ang talino talaga ng killer. Last one day at tapos na ang one week ng reunion pero hindi pa kami makakauwi.
Wala na si manong at ung bus, may sira sa mga connector at wala pang gas. Yung avanza naman, hindi kami kakasya kung iyon ang gagamitin naming sasakyan. Halos isang araw pa naman ang byahe pabalik. Napasinghap na lang ako. Tinignan ko muli ang phone ko at wala pa ring signal.
" Zy, bilisan mo. Wag kang mag pahuli." Sabi sa akin ni Shawn kaya agad agad akong naglakad ng mabilis. Hindi ko pa rin maiwasang magtaka at matakot kay Shawn pero may side na nagsasabi sa akin na wala syang kinalaman.
" Natatakot ka pa rin? Psh. Wag ka sa akin dapat matakot, sa palagi mong kasama." Sabi niya sa akin.
" What do you mean?" Tanong ko at tumigil sila kaya napatigil rin ako. Nakatingin sila sa akin bago umiling. Okay, awkward. Nakakatakot talaga sila.
" Jessie, masakit pa ba yang sugat sa ulo mo?" Tanong ko. Umiling sya ng di man lang tumitingin sa akin. Ang kwento nya, katabi nya si Russel sa mga oras ng pagsabog kaya napuruhan sya. Mabuti na lamang at nakalayo siya ng kaunti kundi wala ng mga kamay si Jessie. May parang hiwa ng blades ito sa ulo at kamay. May dugo dugo din siya sa paanan.
Hindi ko alam kung bakit di ko maramdaman ang mga sugat ko. May tama rin kasi ako sa braso at hita dahil sa sobrang lakas ng pag sabog at si Shawn ay halos kapareho ko lang dahil medyo mag katabi kami.
Si Louise kaya? May sugat kaya sya? Okay lang kaya sya? Damn. Im so worried about her. Nakita kong unti unting tumutumba si Jessie kaya agad akong napatakbo at sinigaw ang pangalan ni Shawn na nangunguna sa amin. Kita ko sa nga mata nya ang sakit.
" Jessie, anong nagyayare?" Tanong ko. Tumingin sya sa akin na parang may sinasabi pero di ko maintindihan. Is he saying goodbye? No. He's brave kaya nga naging crush ko to eh.
" Wait, I have something here.." Sabi ni Shawn at tinanggal sa pag kakasakbit ng bag nya mula sa likuran. May tubig siyang nilabas at mga iba pang kagamitan sa first aid.
" Meron ka pala nyan, bat ngayon mo lang nilabas? Napilitan?" Tanong ko pero natawa lang sya. Agad kong kinuha ung tubig at ipinainom kay Jessie na hinang hina ang katawan. Halos makalahati nya ung tubig na ibinigay ko sa kanya.
" Zyla, ikaw na mag gamot. Babae ka." Saad ni Shawn na ibinibigay na sa akin ung mga first aid na agad kong kinuha. Hindi ko alam kung bakla ba tong si Shawn dahil kahit naman lalaki marunong mag gamot diba?
Inuna ko ung sugat nya sa kamay. Halos mangiyak ngiyak si Jessie sa dinadampi ko pero halatang pinipigilan nya lang. Ginamot ko na rin ung nasa ulo at paanan nya at binalutan ng tela.
" Dito na muna tayo. Masyado ng madilim." Sabi ni Shawn at inilabas ung tent na maliit lang. Nanlaki ang mga mata ko.
" Tumigil ka dyan, Zy. May Ashanty ako." Sabi ni Shawn na natatawa at inirapan ko lang to. Tinignan ko si Jessie na ngayo'y tulog na. Binasa ko ung panyo ko ng tubig at pinunasan ung dugo sa mukha niya. Ayan, kita na ang cute mong mukha pero mas cute pa rin si Jairo.
-
SHAWN
Tinignan ko ang paligid. Naririnig ko ung hilik ni Zyla na nasa kabilang gilid. Napangiti ako bago lumabas ng tent. Hindi ko alam kung anong nakita nila sa akin kung bakit ako ung napapagkamalan nila. The truth is Im really a bad boy pero di naman ako mamamatay tao. Kung nagkataon? Aba! Baka ako na pinaka poging killer.
YOU ARE READING
The Batch Reunion
Mystery / ThrillerWhat did you expect in a Reunion? A reunion for your class. A reunion for your batch. I bet you wanted that to be happy. Isnt? But reality suck. Expectations are just expection. A reunion for a survival game. A survival game for you. As CLOSE as...