3.
Spin the blood
ZYLA
Napasinghap ako ng magising ako sa pag kakatulog. Bakit napaka ingay sa labas? Napatingin ako sa relo ko. Alas singko pa lang ng umaga ah. Nag kakasiyahan agad sila. Dahan dahan akong bumangon. Tulad ko ay nagising din sa kaingayan sina Yanna.
" Anong meron?" Tanong ni Ynelle. Umiling kami. Pare parehas kaming bumangon na inaantok. Sigurado akong malamig sa labas kaya nag jacket ako.
" Ano bang kaingayan yan?" Tanong ni Louise. Napatingin silang lahat sa amin. Awkward. Walang nag salita sa amin.
" What?" Mataray na tugon ni Louise. Gustong gusto ko silang tanungin kung anong problema pero tuyong tuyo ung lalamunan ko. What's happening?
" Tell them." Ma ototridad na utos ni Ellaine kay Jewel. Tumango si Jewel. Hindi kaya alam na nila ung nagyari kay Rachel?
" Nagising ako kasi may naaamoy akong masangsang. Napaka sakit sa ulo. Hindi ko masikmura kaya bumangon ako. Nakita ko si Rachel na nakahiga pero kulay puti ung katawan nya kaya agad ko syang nilapitan. Pero nagulat na lang ako sa nakita ko.." Naiiyak na sambit ni Jewel. Gulat na gulat ako sa narinig. Paano napunta ang bangkay ni Rachel sa tent nila?
" Nung naglaro kasi tayo, hindi ko sya nakita non. Nagka hiwa hiwalay kami nung oras na yon tapos gabi na, hindi pa sya nakakabalik kaya di ko maiwasang mag alala. Nai text ko sya at agad naman syang nag reply. Ang sabi nya nakina Zyla lang daw sya.." Jewel added. Nanlaki ang mata naming tatlo. Alam kong pakana to ng killer. Nakita namin ni Renz kung paano sya patayin. Ang killer ang nang pa-prank nito.
" Pupuntahan ko pa dapat sya pero sabi ni Ellaine, matulog na raw kami at babalik rin naman sya. Pero hanggang sa nakatulog na kami wala pa rin sya hanggang sa dumating na talaga----" Hindi na naituloy ni Jewel ang sasabihin nya ng tuluyan na syang mapaiyak. Nalingon ako sa pwesto ni Ellaine. Nanlilisik ang mga mata nito sa amin. Puno ng pook at galit. Alam kong kami ang sinisisi nya sa nangyari.
" Anong ginawa mo sa kaibigan ko?! Letse ka!" Ellaine shouted. Pilit nya akong inaabot pero pinipigilan sya ng mga kaklase ko. Hindi ko maiwasang mapaiyak. Tulad ko'y umiiyak rin sina Louise. Bakit kami ang naituturo ng killer?
" Quit it, Ellaine. Magkasabay kaming pumasok ni Zyla sa mga tent namin. Lumabas pa ako pasadong alas tres para kuhain ung kumot ko. Nakita kong bukas pa ang ilaw nyo. Papasukin ko pa dapat kayo pero pinatay nyo rin naman agad. Wala silang kasalanan." Sabi naman ni Renz. Nakatingin ito sa akin na para bang sinasabing 'hayaan ko na lang muna'.
" Let us get through this. Boys, ilagay nyo na ang katawan ni Rachel sa bus. It's just near from here kaya nyo yan. Nandon naman si Manong," Sabi naman ni Shaine.
" Wait, what?! Ilalagay nyo lang dun ang bangkay ni Rachel?" Naiinis na tanong ni Jewel.
" Where do you want to put it? Ililibing natin dito? Give some respect, Jewel. Sa sementeryo dapat natin sya ilibing. Besides, hindi muna natin dapat ipaalam to sa parents nya kasi Im sure na tayo ang sisisihin ng parents nya. Then, as soon as possible maka alis na tayo rito." Kalmadong sambit ni Shaine. Napatango sila.
" Move, boys!" Sigaw naman ni Deniese kaya agad na kumilos ang mga lalaki at kumuha ng tela para sa gagamitin sa katawan ni Rachel.
Anong kelangan ng killer sa amin? Alam na ba nya na sinabi sa akin ni Renz? Delikado kaya ang buhay nya? Damn.
-
RENZ
Lecheng to. Napaka bigat naman ni Rachel. Nasaan na ba kasi ung bus? Kanina pa kami ikot ng ikot dito. Nawawala na kaya kami?
YOU ARE READING
The Batch Reunion
Misterio / SuspensoWhat did you expect in a Reunion? A reunion for your class. A reunion for your batch. I bet you wanted that to be happy. Isnt? But reality suck. Expectations are just expection. A reunion for a survival game. A survival game for you. As CLOSE as...