A/N
Oh my ghad. Oh my ghad. Madami ng reads na minsan lang ako mag update tska hanggang chap 4 pa lang to medyo marami na. Hihi. Salamat sa inyo :* Yahhoooo! Enjoy reading na lang muna ^^
-
4.
Curiousity
JEWEL
Saktong twelve midnight ako napabangon. Kanina pa ako hindi makatulog. Naaalala ko si Rachel. Tuwing pumipikit ako, mukha nya ang nakikita ko. I really missed my bestfriend. Malaman ko lang talaga kung sino ang gumawa sa kanya non.
Tumayo ako at nag jacket. Dito muna ako sa labas. Dito na muna ako mag papaantok.
Napaka tahimik sa labas. Tulog na tulog siguro sila. Napatikhim ako at umupo sa isang kahuyan malapit sa bonfire. I sighed.
" Jewel?" Napalingon ako. Hindi pa rin pala sya natutulog. Ano kayang problema nya? Tumayo ako sa pagkakatayo at nagtungo sa kanya.
" Bakit?" Tanong ko pero hindi sya sumagot at hinatak na lamang ako sa kamay. Masakit ang pag kakahatak nya. Mangiyak ngiyak ako ng tumigil kami. Nilibot ko ang paningin ko. Shit. Ang layo na namin sa camp. Ano bang kailangan nya?
" You want?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang baril na hawak nya. Umiling iling ako at bigla naman syang tumawa ng napaka lakas. Nakakatakot.
Itinutok niya sa akin ang baril. Nagulat pa ako ng itutok nya sa mismong ulo ko. Napapikit ako. Kasali ba to sa truth or dare namin kanina?
" Ikaw ba ang pumatay kay Rachel?" Nanginginig na tanong ko. She smiled.
" Oo. At ikaw naman ang susunod." Sabi nya at humagalpak ng tawa. Napapapikit na lamang ako. Nakakatakot sya. Hindi sya ung kaklaseng nakilala ko. That's not her.
" Wag.. maawa ka." Sabi ko na nakapag patigil sa tawa nya. She looked at me evilly. Parang gusto nya akong kainin ng buhay.
" Mercy? Mangyayari lang yon pag patay na kayong lahat. Luckily them. Inuunti unti ko pa lang." She coldly said at tumawa.
Nakita kong nai pwesto niya ung kamay niya at pinaputukan sa mismong noo ko.Bigla na lamang bumigat ung pakiramdam ko. Parang nahihilo ako. Napatingin ako sa kanya, nakangiti sya sa akin. Her eyes were dead.
" G-go to hell," Nanghihina na sambit ko.
" Im already there, bitch."
-
RENZ
Maaga akong nagising. Hindi ako makatulog. Naiisip ko ung laro nila kagabi at ung mga tinanong nila. Nasa harap ko ngayon si Zyla. Nakatulala ito.
" Nakita ko syang lumabas. May balak pa sana akong sundan sya pero bigla akong inantok kaya natulog na lang ulit ako." Umiiyak na saad ni Ellaine. Magang maga ang mata nito. Namumula ang ilong at may rumaragasang mga luha sa pisngi nya.
Madami kaming nagising ng maaga. Nagpapa init kami rito sa labas ng bigla na lamang lumabas si Elaine. Tinanong nya kung nandito si Jewel pero umiling kami. Bumalik siya sa loob at lumabas muli ng umiiyak.
Sabi niya, wala raw si Jewel sa loob. Pinag hahanap namin sya at nakita na lang namin sa di kalayuan ang katawan ni Jewel. May butas ito sa noo at alam kong baril yon. Shit. I knew it.
" Zy, sumama ka sa akin." Sabi ko sa kanya at dali dali naman syang sumunod.
" Can you connect the dots?" Nababalisa na tanong ko sa kanya. Kitang kita ko ang pagtataka sa mga mata nya maging sa mukha nya.
YOU ARE READING
The Batch Reunion
Mystery / ThrillerWhat did you expect in a Reunion? A reunion for your class. A reunion for your batch. I bet you wanted that to be happy. Isnt? But reality suck. Expectations are just expection. A reunion for a survival game. A survival game for you. As CLOSE as...