Chapter 2: Searched and found another

282 5 1
                                    

Searched and Failed

_________________________________________________________

[After namin nag-usap kanina sa school about kay Mr. Perfect.. Excited na talaga ako]

"You know what, final exams are coming pero hindi ko naman ma'feel" Habang naglalakad na kami pauwi ni Beth

"Eh pa'no mo naman ma'feel eh, parati nalang yang si Mr. Perfect ang iniisip mo ano" Sumbat sa akin ni Beth

"pa'no naman kasi mahirap yung mga subjects.. tapos boring pa at strict yung teachers natin this year"

"Hindi ah, Tammy ang kelangan lang is mag study" Buti nalang at bahay na nila Beth, baka mag-away pa kami "Oh, heto na pala tayo, sige bye Tammy! Kita nalang tayo sa Monday"

. . . .Weekend na.. Ano ba'ng gagawin ko?

*kringgg kringg*

"Cellphone ko yun ah.. San ko nga ba yun nalagay" hinanap ko na sa bag ko, drawers..

"Eto lang pala, Hello?"

Talking on the phone "Hello? Tammy? Si Enzo to, may gagawin ka ba today?"

"Oh, Enzo.. Uhh, wala nga eh.. Bakit?"

"I was thinking, tambay dito tayo sa bahay.. Ako lang kasi mag-isa, let's watch movies"

"Sige ba, text kita pagpapunta na ako. Maliligo muna ako ha. Bye!"

[Well, tinawagan ko na rin sila Kaye at Beth para naman masaya.. Surprise ko na yun kay Enzo. Alam ko naman din wala silang gagawin eh. And madadaan ko rin yung bahay ni Mr Perfect pagpunta kina Beth. Can't wait talaga, sana makita ko siya this time]

"Bakit parang walang tao dito sa bahay nato, siya lang kaya ang nakatira dito"

"Sino yan? Oh! May kelangan ka ba iha?"

Matanda yung sumalubong sa'kin "Ahhh, uhmm" Nagdadalawang isip pa ako kung tatanungin ko siya.. Well, wala naman ring mawawala sa akin eh.. "May nakatira po ba ditong matangkad, maputi at yung medyo mestiso na lalaki?"

"Maputi, matangkad at mestiso.. ahhh, apo ko ba tinutukoy mo iha?"

"uhhh.. opo opo, siya po yun.."

"Ahh naku! hindi mo na naabutan.. kakaalis lang niya iha. Sa lunes pa yun uuwi, umuwi siya sa Mama niya tuwing sabado hanggang Lunes"

"Ahh, ganun po ba.. Sige, sa susunod nalang po"

"Sige sige, mag-ingat ka iha ha. Sasabihan ko nalang ang apo ko na may naghahanap sa kanya.. Pagbalik niya"

"AHH! 'wag na po.. ako nalang po kakausap sa kanya" Medyo nagulat ko ata si lolo "sorry po, ako nalang po.. Sige ma una na po ako"

[Nagmamadali na ako.. Nakakahiya naman kasi yun pero sayang hindi ko siya naabutan o nakita man lang. Kahit pangalan niya hindi ko lang naman nakuha]

At naghihintay na sa labas ng bahay nila si Beth "Sorry, natagalan ako Beth"

"Okay lang yun, sanay naman akong late ka palagi"

"Eh to naman.. ang prangka mo. Nasaktan naman ako dun Beth" Nagda'drama ako with facial expression pa

"Hay naku! Halikana.. Kanina pa tumatawag sa'kin si Kaye"

[hindi ko naman matago, ang sayang talaga nung nangyari nung sabado.. Kakaalis lang ni Mr. Perfect. Pero, at least alam ko na kung kelan siya wala sa bahay. Basta, I need to see him. Excited na akong mag'monday]

"Oh! Uuwi ka na agad Tammy?" Tanong ni Kaye

"Oo.. Kasi, may gagawin pa ako sa bahay. Sige, bye guys! Kita nalang tayo bukas" tumakbo na agad ako matapos na makapag-paalam

My Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon