Chapter 7: Wind

161 1 0
                                    

Wind

_________________________________________________________

“Huh? Ah.. sorry san na nga ba yun? AH! Yung, kapatid kasi ni Mike.. maagang namatay, hindi ko talaga alam kung anong nangyari nun, ang sabi lang s’kin ni Mama, nalunod raw siya.. Kaya simula nun, kahit kaming magkakabarkada nagkahiwalay-hiwalay na rin..

“Ano? Teka! Hindi ko maintindihan.. Dahil dun, nagkalayo-layo kayong magbarkada? Bakit?”

“sabi ko na nga ba.. hindi mo maiintindihan.. ‘wag na kasi..”

“Ha?? Ang daya mo naman oh.. Sige na nga, gabi na naman eh.. Teka! Hindi ka pa nakakabihis, may damit kabang dala sa kotse mo?”

“Ah! Oo nga pala.. TSK. Wala akong extrang damit”

“Hay naku.. sige na. Ako nangkukuha, parang may naiwang damit naman din si Lolo sa kwarto niya”

“ANO?! Sa lolo mo? Ayoko ko nga..”

“Bakit naman? Alangan naman sa tatay ko, wala naman akong tatay”

Parang ng iisip si Adam “AH! Mmm.. Siguro naman may malalaki kang t-shirt dyan?”

[Dati kase ang parating binibili sa’kin ni Lolo ay yung malalaking damit, kaya tuloy napagkakamalan akong tomboy ng mga kapit-bahay naming]

“ANO???? Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo? Ba’t ko naman ipapahiram ang mga damit ko? Baka nakakalimutan mo, babae ako DIBA?”

“Alam ko kayang babae ka.. Kesa naman magkasakit ako dito sa suot ko diba?”

“HAAY! Talaga naman oh.. Hindi ko na alam kung ano tung pinasok kong kamalasan..”

“Salamat Tammy!!” Nakatawa pa talaga ng paakyat ako ng kwarto..

[Habang nasa kwarto]

“san na ba yung mga dating kung damit” Halos hinukay ko na ang mga damit ko sa cabinet..

Ilang segundo lang.. Lumakas ang hangin.. At nahulog ang ibang mga papel sa mesa ko “Ay! Anu ba yan.. Ang hangin nga naman oh.”

Dahil mga 8pm na nun.. Binilisan ko nalang ang paghahanap ng dating kong mga damit. “AH! San ka na ba??? AYY! Ayun! Buti naman nakita kita”

Nung nakita ko na yung t-shirt biglang lumakas ulit ang hangin.. Ang mga kurtina ko sa kwarto kulang nalang matanggal sila.. Pero, nung Makita ko yung bintana mismo, eh close naman. Tsaka wala naman akong electric fan sa kwarto. Kaya halos lumipad ako palabas ng kwarto “AHHHHH! ADAAAAAM!”

“Oh! Bakit? Anong nangyari sayo?” Tumayo din naman si Adam sa sofa..

“Eh.. Ah.. ka-kasi.. yung.. sa taas.. hangin.. yu-yung..”

Umupo agad si Adam “Ano?? Sabihin na ng diretso.. Naku naman.”

“Biglang humangin sa taas pero sarado naman yung bintana tsaka walang electric fan.. Malakas yun! Adaaaam.. Natatakot ako..”

“Ano? Ngayon ka pa natakot eh.. mukhang ang tagal-tagal munang nakatira dito”

“alam mo ang sama-sama mo talaga..”

“Oh! San na yung t-shirt? Kelangan ko nang magbihis..”

“Oh! Ayan, magbihis ka na” *tok tok* Agad may biglang kumatok sa pinto..

Tumingin ako agad kay Adam “Gabi na ah..” Sabi bigla ni Adam ng pabulong.

Pero, biglang may boses “Tao po.. Tammy? Si Mike to.”

Agad agad pagkarinig ko sa boses ni Mike binuksan ko ang pinto “Hi? Naabala ba kita?”

Ang sweet talaga niya.. kahit tinitignan ko pa lang siya, nakakatunaw na “Ah, hindi naman.. Hali ka pasok ka muna..”

At pag-apak pa lang ni Mike sumulpot naman agad tong si Adam.. “Oh! Kuya.. gabi na ah..” nakahubad at wala pang t-shirt si Adam..

Lumaki ang mata ko sa galit.. At binulong ko sa likod si Mike “Pst! Ano ba! Magbihis ka na nga” Ugh! Baka ano pang isipan ni Mike. NAKAKAHIYA! Kahit kelan talaga tong si Adam..

“Well.. Pumunta ako sa inyo kaso walang tao.. kaya naisip ko na dalawin na rin si Tammy.. Teka. Nakaka-abala ba ako sa inyung dalawa?”

Umalis na ako sa likod ni Mike “Huh? Hindi ah.. hehehe. Umupo ka muna. Ba’t ka nga pala napadalaw”

“Uhmm.. wala lang.. I just want to see you..”

Sa isip ko nga naman (“talaga? How sweet nga naman..”) “Ahh.. ganun ba..”

“Ah! Adam.. Ba’t ka nga nandito”

Simula na sanang magsalita si Adam pero inunahan ko na “Ahhh.. Kasi, hindi niya mahanap yung susi niya sa bahay kaya dito na muna siya matutulog”

“Ah.. ganun ba. Eh Adam bakit hindi kana muna dun sa’min ni Papa.. Welcome ka naman dun ah”

“Ay.. ‘wag na kuya. Okay lang naman ako dito.. Tsaka gabi naman din eh”

“Ayy.. tama pala.. Kelangan ko ng mauna.. baka hanapin ako ni Papa sa bahay.. Sige Tammy, naparaan lang naman talaga ako eh..”

Na dismaya ako.. Pero sabagay gabing gabi na din naman “Ganun ba.. Oh sige, hated na kita sa labas”

Pag dating sa may kotse sa labas “Mag-ingat ka ha..”

“Mag-ingat ka dyan sa kapatid ko.. lalaki pa rin yan..”

“yun! Kaya ko na yun..  ikaw ang mag-ingat pauwi.. Okay” at nang binuksan na niya ang pinto ng sasakyan..

Hinalikan niya ako sa pisngi “Goodnight, Tammy”

At natameme naman ako “good…. Night…”

At pagpasok ko ng bahay “Oh! At kinilig ka naman kasi hinalikan ka ng kuya ko sa pisngi? Hay naku.. mga babae talaga”

“che! Matulog ka nga..”

At by 11pm lights off nga naman talaga.. At ng makatulog na talaga ako.. biglang lumamig ng malakas sa kwarto ko.. Kaya naman nakagising ako..

“Ang lamig naman ngayon.. dalawang bintana lang naman ang nakabukas ah” Sinubukan kong isarado yung isang bintana pero, matigas eh..  

“Anu ba yan.. bahala na..” hihiga na ako ng..

At ilang segundo lang.. biglang bumukas ang pinto ng malakas.. at pati na ang mga bintana bumukas rin.. sumigaw na ako, na parang matanggal na ang lalamunan ko “AHHHHHHHHH!”

Sinubukan kong lumabas ng kwarto pero, sumira din ng malakas *boom* sumabay din yung mga bintana.. at kumalma ang kwarto ko.. walang hangin.. kaya naman dahan-dahan na akong bumalik sa kama ko..

“Tam…my…” natulala ako sandali.. may parang may nakatayo sa gilid ng computer ko.. madilim kasi kaya hindi ko masyado Makita.

“Si-sino.. ka? A-a-anong…. . .ke-kelanga mo sa’kin??”

“Tam…..my” andyan pa rin siya.. unti-unting lumalapit.. sinusubukan kong buksan ang pinto pero, ayaw.. tinaas niya ang mga kamay niya, na para bang gusto niya akong kunin.. “Tammy”

At unti-unti ring bumubuo ang boses niya.. at ng medyo malapi niya sa’kin..

“TAMMY!” boses na ni Adam ang narinig ko.. “Tammy! Gumising ka!”

“HUUUUUUH!” huminga ako ng malalim.. “Yung babae! Babae siya! Adam, babae siya!”

_________________________________________________________

(2 chapters in a week.. first time ko to ah :)) Salamat sa support guys..)

ABANGAN ang ibang chapters..

*comments, suggestions, reactions, violations, like, fan.. feel free guys. tatanggapin ko* THANK YOU!

My Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon