Chapter 9: Weeks Later

159 3 1
                                    

 Weeks Later

________________________________________________

"Adam, di kaya nagiging close kana dyan kay Tammy?"

"Eh di ba yun ang planong gusto mo? ginagawa ko lang namn ang pinagusapan natin.."

"pero, baka kasi.. alam mo na.. baka-----"

"Ano? baka mahulog ako sa kanya?" tiningnan ni Adam si Rica.

"uhhh.." natameme si Rica.

"Rica, matagal na tayong magkaibigan.. diba alam mo naman kung pano ako ma-inlove.."

"Sinasabi ko lang naman.. kasi alam ko dapat matagal na natin tung dapat ginawa"

"well, para matapos natong usapan na to.. aalis ako. Pupunta muna akong Cebu.."

"ANO?? Cebu? ano namang gagawin mo dun aber?"

"Dadalawin ko muna sina Lola.. ayaw ko namang pabayaan lang sila ano."

"Pano tong misyon natin Adam.. hindi mo pwedeng iwan lang ako dito ano."

 "Hindi naman kita iiwan.. babalik din naman ako ano. For the mean time ikaw nalang muna ang  gagawa ng misyon natin.."

"Ano ba yan.. gano ka katagal mawawala?"

"hindi ko alam.. basta.. baka matagalan kung sakali."

"Huh? sakaling ano?" bigla na curious si Rica..

"Wala. kung sakaling.. kung baka kelangan pa ako ni Lola dun diba? tsaka summer vacation pa naman eh.. diba?"

"Teka.. hindi naman Lola at Lolo mo ang iniisip mo eh.. Si Tammy! tama ba ako?"

hindi sumagot si Adam.. naka talikod lang siya.

"tinataksan mo siya ano? tinakasan mo si Tammy kasi.. mahal mo na siya" ilang ulit din kinukulit ni Rica si Adam..

ng biglang sumigaw si Adam at sinabing " OO!! okay.. Oo. i'm falling for Tammy.."

"kung ganun.. bakit ka tumatakas?"

"Dahil hindi dapat ako mahulog sa kanya.. diba? hindi dapat.."

"Dahil pa rin ba to dun sa manghuhula? Look.. our future can change Adam. Malay mo nagkamali lang yung manghuhula diba?"

"Ano ka ba Rica. kahit ginulo pa natin yung manghuhula.. ganun at ganun pa rin ang kinalalabasan ng destiny natin okay?"

"Pero, pano kung hindi? pano kung kayo talaga dapat ni Tammy?"

"kung kami nga.. eh di.. masasayahan ako. Pero ayaw ko ring masaktan Rica. Ayoko na"

"Dahil pa rin ba to kaya Aya?"

"Hindi ko alam.."

tiningnan nalang ni Rica si Adam..

________________________

[2 weeks later]

"tao po.. Adam! si Tammy to.." pinuntahan ko si Adam sa bahay nila..

"Sino yan?" pero, isang babae ang humarap sa'kin..

"Si Tammy po to.. kaibigan ni Adam.

"Tammy?"

"Rica?" si Rica yung katrabaho ko sa coffee shop.. ba't kaya siya nasa bahay ni Adam.

"Ba't ka nasa bahay ni Adam.. akala ko ba hindi kayo magkakilala?"

"Tammy.. sorry. Girlfriend ako ni Adam.. sorry kung di namin nasabi sayo.."

nagulat ako.. Girlfriend ni Adam? si Rica.. 

"ahhh. okay lang.. sige. Akala ko lang kasi baka hindi okay si Adam kaya dumalaw ako. Sige, mauna na ako Rica.." dali-dali na rin akong umalis.. hindi ko alam kung bakit pero iba ang nararamdaman ko.

kaya umuwi nalang ako agad..

Kaya pala hindi na siya dumadalaw..

HIndi ko nalang pinansin.. Inisip ko nalang hindi naman talaga ako gusto ni Adam. At ayoko nalang mag-isip nang kung ano2.

*dinggg dongg

"Tammy, si Mike to.. ready ka na?"

"Sandali lang.." sinigurado ko munang off na ang lahat.. niyaya kasi ako ni Mike mag-picnic.

__________

"Mike.. pwede ba akong magtanong?"

"oo naman.. ikaw pa, ano yun?"

"kumusta na si Adam? wala na kasi akong balita sa kanya"

"Ahhh, tama nga pala nakalimutan kong sabihin sayo.. tumawag siya kahapon. Umuwi si Adam ng Cebu, dadalawin daw niya Lola at Lolo niya dun."

Natulala ako sa sinabi ni Mike.. (Umuwi siya ng Cebu? tapos.. hindi lang man siya nagpaalam.. ang sama naman niya.. Pero, sabagay sino naman ako, hindi naman niya ako girlfriend)

"Tammy okay ka lang?" 

natauhan naman ako agad "Huh, oo" ngumiti nalang ako..

"So, since sinagot ko naman ang tanong mo, kelangan mo ba sasagutin yung tanong dito sa puso ko?"

"huh? bakit ano ba yan?"

"kung kelan mo ako sasagutin?"

napatawa ako sa sinabi ni Mike "Nanliligaw ka ba?"

"oo naman.. all those flowers, cards na pinadala ko.. and ang mga dates natin hindi pa ba panliligaw yun?"

"Ay, oo nga pala.. sige."

"anong sige?"

"sige.. sinasagot na kita.."

"Ano? teka.. seryoso?"

"Oo naman.. seryoso.. sinasagot na kita" halatang ang saya-saya ni Mike.. 

In that moment hindi ko alam kung bakit sinagot si Mike.. siguro dahil nalaman kong may girlfriend na si Adam o kaya may gusto rin ako kay Mike. Pero, binalewala ko nalang yun.. tinitingnan ko nalang si Mike. Ang saya-saya niya..

_________________________

"Adam.. dumalaw dito si Tammy kaninang umaga"

"Tapos anong sinabi mo sa kanya?"

"Sorry Adam.. biglaan kasi yung pagdalaw niya.. tsaka feeling ko gulat na gulat yun kasi ako ang humarap sa kanya"

"Anong ibig mong sabihin? anong sinabi mo sa kanya Rica?"

"Nasabi ko na.. na.. girlfriend mo ako.. sorry talaga Adam"

"okay lang yun.. mas mabuti na yan.. kesa, umasa siya sa'kin. Sige na.. tinatawag na ako ni Lola.. ikaw na muna ang bahala dyan.."

"sige.. bye."

__________________________

"salamat sa kanina Mike ha.."

"Alam mo.. feeling ko talaga i'm the most happiest man in world.."

"bakit naman? ng picnic nga lang tayo eh.."

"Hindi.. kasi finally sinagot mo na ako.."

ngumiti lang ako sa sinabi ni MIke hindi kasi mutual ang nararamdaman namin pero siguro balang araw matututunan ko din siyang mahalin..

"sige na mauna na ako.. matulog ka ng mahimbing ah.." 

"At ikaw.. mag-ingat ka sa pagdrive"

tiningnan niya muna ako.. tsaka hinalikan sa pisngi..

naalala ko bigla yung hinalikan din ako ni Adam.. ibang iba yung kay Adam, iba ang pakiramdam ko. Mas totoo yung kay Adam.. 

"sige na.. pumasok ka na.." sabi ni Mike..

"sige.. mag-ingat ka ha.."

__________________________________________________

*comments, suggestions, reactions, votes, fan.. please do guys.. para alam ko kung anong kelangan baguhin.. THANK YOU!

My Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon