Chapter 10: Spirit

125 4 6
                                    

 Spirit

___________________________________________________________________________

Ewan ko ba.. Gusto ko naman si Mike pero parang may mali eh. Simula ng umalis si Adam, parang umiba ang ihip ng hangin.

"Oh, Tammy tulala ka nanaman dyan.. Okay ka lang ba? eto na yung coffee mo"

"Ah! Salamat Mike."

"Tammy, sigurado ka bang okay ka lang? kung may problema ka sabihin mo lang.. Baka makatulong ako. Boyfriend mo ako diba" 

"Ah.. wala.. Inaalala ko lang si lolo wala pa kasi akong balita eh. Ni isa, kahit nga kay mama. Wala nman akong ma'contact ni isa sa mga tita ko, palapit ng palapit pa naman ang pasukan, hindi pa rin nagpapadala si mama para pang enrol ko"

"Yun lang ba? wag kang mag-alala Tammy, ako na muna ang magbabayad ng pang enrol mo"

"ANO? Mike ano ka ba.. malaking gastos yan. Tsaka, nakakahiya ano ikaw pa gagastos pa sa'kin ano nalang sasabihin ng papa mo"

"Eh di ba nga boyfriend mo ako.. Tsaka ako na bahala kay papa"

"Ah basta! hindi ako papayag Mike na ikaw ang gagastos sa pang enrol ko"

"Sige na nga.. para sayo. Baka magtampo ka pa dyan"

"mag'promise ka.. hindi ikaw ang magbabayad ng enrollment ko"

"Opo. Promise"

____________________

[Ilang araw nalang pasukan na ulit.. At naka balik na ang mga kaibigan ko galing sa kanil-kanilang bakasyon. Ang bilis. Pero hindi pa rin ako masaya.. Siguro dahil hindi pa rin tumatawag si Mama, wala akong balita kina lolo sa probinsya, at hindi ko alam kung nasan si Adam]

"oh, Tammy kumusta ang summer mo? mag-kwento ka naman sa'min" sabi ni Beth

"Oo. Tsaka hindi na rin namin nakikitang online sa facebook, kaya hindi ka namin makausap" sabi rin ni Kaya.

"ano naman ang i'kukwento ko sa inyo, ang boring yata ng summer ko. Kasi naman eh.. wala kayo"

"Asus. Eh si Adam.. kayo na ba?" nagtinginan sina Kaye at Beth.. at sabay nanukso "Uyyyyyyyyy"

"Ano ba.. tumigil nga kayo.. hindi ano!" Medyo na aasar na ako sa kanila..

"Okay fine! Pero kumusta nga yung lovelife mo? umusad ba?" sabi ni Beth

Pero hindi ako agad sumagot kasi.. hindi ako sigurado kung sasabihin ko ba talaga na kami na ni MIke.. Pero, ang tadhana nga naman..

"Oh! Andito ka lang pala sa likod.. Pumasok na ako, kanina pa kasi ako kumakatok sa pinto eh"

"Ah! Guys, eh to nga pala si Mike.. B-boyfriend ko" ngumiti lang ko.. iniisip na masaya ako. "Mike, si Beth at si Kaye" Ngumingiti silang dalawa.. na para bang kinikiliti..

At pagkatapos.. pumasok na kami sa loob.. Nagluto si Mike. Kaya panay tanong nila Beth at Kaye sa'kin habang nasa sala kami.. 

"Ano ka ba naman Tammy, hindi mo man lang naman sinabi na may boyfriend ka na pala. At kuya pa ni Adam! Ang lakas mo talaga Tammy" Asar ni Beth.

"tumigil nga kayo.. Teka san na ba si Enzo? Gumagabi na ah.." tanong ko

"hay naku.. Hindi ka na nasanay. Malamang papunta pa yun dito" sabi ni Kaye.. pero ilang minuto lang may kumatok na sa pinto.

Pagbukas ng pinto.. nagulat ako "oh Enzo! Ikaw ba yan?" Sumigaw ako na gulat na gulat.. Umiba ang mukha, o di kaya ang buhok, o basta.. umiba ang itsura niya. Ang gwapo niyang tingnan.

My Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon