Chapter 8: Bitter Lovers

152 2 1
                                    

Bitter Lovers

________________________________________________________

"Tammy naman oh.. pinakaba mo ako kanina ah.." binigyan niya ako ng tubig..

"Sorry Adam ha.."

"May binanggit ka kanina ah.. sino yung ibig mong sabihin? yung babae?"

"Oo. May parati kasi akong napapaginipan eh.. ngayon nakita ko na.. Hindi.. basta Adam, babae siya"

"Alam panaginip lang yan.. ilang araw na ba yan Tammy?"

"hindi ko alam eh.. magdadalawang linggo na rin.."

"Hay! sige na.. kumain ka na.. matagal ka kasing nakagising kaya nagluto nalang ako"

"Wow! talaga ha.. Oh! pano nga pala yung susi ng bahay mo?"

"yun nga eh.. hindi ko alam kung anong gagawin ko dun."

"teka... may kilala ako. Sige magkatapos kung maligo, aalis tayo"

--------------------------

"Kuya tol!" sigaw ko..

"Oh, tammy! kumusta ka na? himala naparaan ka ata dito anong atin?"

"Kuya, ito nga pala si Adam.. Adam Kuya ko.."

"Hali kayo.. pasok kayo sa loob. Sorry medyo magulo tung bahay namin.."

hinawakan ni Adam ang kamay ko "akala ko ba only daughter ka eh ba't may kuya ka" pabulong na sabi ni Adam..

at inalis ko naman agad ang kamay niya "Kuya-kuya ko lang siya.."

"Ahhh, ganun ba. Ba't di mo naman sinabi agad"

"So, ano nga yung kelangan niyo ulit?"

"Ah, na lock kasi niton si Adam yung bahay nila.. eh nasa loob naman yung susi.. hindi siya makapasok"

"Ahhhh, yun lang ba? naku. sayang.. may lakad kasi ako ngayon eh. Pero, kung okay lang, maasikaso ko yan bukas.."

"Ganun po ba.. sayang. pero, sige ho, okay lang naman kung bukas pa eh"

tumayo ako agad "ANO??? hindi ba talaga pwde today Kuya?"

"Sorry talaga Tammy.. inaasahan kasi ako ni Mama sa Restaurant today. Don't worry wala namang bayad kung bukas pa eh.."

------------------------------

"Ba't ka ngumingiti dyan Adam?" 

"wala lang.. matanong nga kita, ayaw mo bang sa bahay mo ako matulog?"

"anong klaseng tanong ba yan? di pa ba obvious.. syempre ayaw ko. At san ba tayo pupunta? may trabaho pa ako mamayang hapon"

"ang cute mo palang magalit ano.. Mag cool down ka nga, kukuha lang ako ng damit sa bahay nila Kuya"

"dun ka nalang kaya matulog sa kuya mo.. isang gabi lang naman ah."

"Haaay.." hindi na siya sumagot.. pinaandar nalang niya yung radyo.

-----------------------

Nakarating din kami sa bahay ng papa niya "dito ka nalang, sandali lang naman ako eh.. kukuha lang ako ng ilang damit"

"Sige, bilisan mo ah.."

at ilang minuto lang.. dumating si MIke "Oh, Tammy ba't nasa kotse ka lang.. Hali ka pumasok ka muna.."

"Ahh, wag na.. hinihintay ko lang naman si Adam eh.."

"ay naku. I insist Tammy, sige na. At ako na rin ang maghahatid sayo pauwi."

My Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon