Chapter 6: (The Call) Adam's Story I

159 2 0
                                    

(The Call) Adam's Story I

_______________________________________________________________

"Wag ka mag-alala Tammy hindi mo naman kelangang matakot s'kin Tammy"

"Too late! Kinakabahan na nga ako eh.. Oh, ano yung tanong mo?"

Hindi ko talaga inaasahan to.. bago pa nga lang kami nagkakilala ni Mike.

"Tammy, may gusto ka ba sa kapatid ko?"

Naku. Ano ba yang tanong na yan.. Sumagot na ako agad para hindi halatang nag-iisip pa ako "Ano?! Hahaha. Wala ano.. Imposible yan ano. Ano ka ba."

"Haaay, mabuti naman kung sa ganun!"

"Ba't mo ba biglang natanong Mike?"

"Ah! Wala lang.. Kasi medyo nagiging close kayo eh. Hehe. Ahh, hali ka.. Kain tayo, pinaghanda kita Tammy"

[At dahil hindi naman ako makatanggi sa kabaitan ni Mike, pumayag na rin ako.. Naisip ko kung sakali nga naman talagang manliligaw siya, ba't naman hindi ko siya sasagutin, mabait na, matalino, mayaman, gwapo, at ang sarap nga namang magluto, puwede to!]

"Hay naku Tammy ayan ka nanaman nag-iilusyon" 10pm na ng hinatid ako ni Mike pauwi "Ang sabi niya diba, hindi nga naman raw siya nanliligaw.. mmmm, siguro gusto lang niyang may kasama for valentine's day"

At ilang minuto lang.. Nakatulog na rin ako.

"AHHHHHHHHHHHHH!!" Ano ba yan.. bakit parang araw-araw nalang akong na nanaginip ng kung anu-ano. "Tama na!!! PLEASE!"

Halos tumalon na ako paalis ng kama.. "Naku! 11 o'clock na pala"

"tao po! Para kay Tammy po.." 

"HA?! Ang aga naman ata.. Sandali lang po"

Pagbukas ng pinto "Wow! Ang ganda naman.. Kanino to galing kuya?"

"Hindi ko po alam eh.. Siguro may card po yan Mam. Signature niyo po.. Salamat, ma una na ako Mam"

"Wow! Kanino kaya to galing.. (kinuha ko ang card) "For the most beautiful girl i know, have a nice day. Love, Mike"  Awwww nag-abala pa talaga siya"

*rinngggg ringgg ringgg* nang narinig ko ang telepono sa baba, tumakbo na agad ako, baka si Lolo na yun.

"Hello? Good Morning, who's this?"

("Si Tammy po ba to?")

"Opo. Sino po sila?"

("Hindi na bale kung sino ako.. Babalaan kita Tammy wa--- g----n--ag--------- ma----s--- ma---)

"Hello?? hello po? Hindi ko po kayo marining? Hello?" *clak* binaba ko nalang ang telepono..

"Mm, sino kaya yun.. Sayang."

Maliligo na sana ako kaso.. biglang nagring ulit ang telepono *ringggg ringgg*

"hello? Sino po sila"

"Tammy! Natanggap mo ba yung pinadala ko?"

"Mike? Ah! Oo. Ang bango nga eh.. Pa'no mo nalaman white rose ang paborito ko? Well, anyway salamat ha"

"Walang anuman.. Sige, pupunta pa kasi ako ng school. Bye! Mag-ingat ka ha"

Pagbaba ng telepono "Eeee! Ang sweet talaga niya.."

[Pagkatapos kung maligo at magluto biglang may kumatok sa pinto]

"Sino yan?"

*tok tok tok*

"sino po ba yan?"

Pagbukas ko ng pinto "ADAM! Ba't ganyan ang itsura mo.. tanghali na ah" Halatang lasing si Adam.. Sa amoy at itsura pa lang..

"Tammy! Pasensya na, wala na talaga akong mapuntahan eh.. tsaka na lock ang bahay, nakalimutan ko kung san na ang susi" At lasing pa siya kung magsalita.. pinaupo ko nalang siya sa sofa. 

"Naku naman Adam! Sandali lang kukunan kita ng panghimagas"

Pagbalik ko.. Mahibing nga naman siyang nakatulog..

At habang pinupunasan ko siya.. Hindi ko na namalayan na 2pm na pala. "Naku! Hindi talaga ako makakapasok sa coffee shop ngayon, sayang naman!"

Ilang oras na ang nakalipas.. Nanood nalang ako ng tv, hanggang gumising na si Adam.

"Aray! Ang sakit ng ulo ko.."

"Oh! buti naman nagising ka na.. Anong akala mo sa bahay ko.. Motel?"

"Tammy? Kanina pa ba ako nandito?

"Tumpak! Ang galing mo talagang manghula ano?"

"Sorry Tammy ha.. Nakalimutan ko talaga kasi yung susi sa bahay.. anong oras na ba?"

"Nagtatanong ka kung anong oras na.. Ayun tingnan mo oh" tinura ko yung orasan ko sa bahay

"Ano? 7 o'clock na pala?"

"Ay.. Hindi Adam.. Umaga pa. Naku naman! Alam mo bang hindi ako nakapasok sa unang araw ko sa trabaho."

"Sorry talaga.. How can I ma---- - - -"

"Di bale na.. So, anong plano mo ngayon? Dun ka na muna sa kuya mo?"

"Eh.. Uhmm.. Wag ka sanang magagalit Tammy ha, pero nagbabakasakali lang sana kung puwede ------- - "

Hindi ko na sya pinatapos ng sasabihin niya, dahil alam ko na ang karugtong "ANO?? Ahh, so motel talaga tingin mo sa bahay ko ano.. Alam mo Adam ------ - - - "

"teka lang.. Sandali lang patapusin mo naman muna ako"

"okay fine.." Medyo naiinis na sabi ko.

"Puwde bang dito muna ako makitira"

"Sinasabi ko na nga ba.. Bakit ba ayaw mo dun sa kuya mo ha.. Kapatid mo naman yun?

“Ah basta.. gusto ko dito.” Ni yakap niya ang isang unan sa sofa na parang bata.

 “Sagutin mo na nga ang tanong ko, bakit ayaw mo dun sa bahay ng kuya at ng papa mo?”

“hindi mo kasi maiintindihan eh.. mahirap I’explain..”

“Pipilitin kong intindihan.. Promise! (tinaas ko ang kaliwa kong kamay)”

“Promise ka dyan! Eh kaliwa kaya yang tinaas mong kamay”

Ang tanga-tanga ko naman talaga oh.. Nakakahiya “Ay! Sorry.. hehe Oh Promise! (binaba ko yung kaliwa kong kamay, at tinaas agad ang kanang kamay ko) Sige naman mag’share ka naman”

“Sige na nga.. para tumigil ka na”

Biglang naging seryoso si Adam.. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan ka seryosong mukha “Umpisan mo talaga ha”

“Okay..” “Noong una naman talaga close kami ni Mike.. Kahit nung mga bata pa kami.. Magkabarkada kasi kami ng kapatid niya noon”

Nagulat ako sa sinabi ni Adam “Wait! May kapatid si Mike?”

“Sandali lang.. Hindi pa nga ako tapos eh, chill ka lang dyan”

“Okay.. Sorry po” Sinira ko na agad ang bibig ko..

“Ganito kasi yun.. May kapatid na babae si Mike.. Kaso nga lang, may nangyaring hindi namin inaasahan..

Biglang huminto si Adam.. Natulala siya..  Hindi ko alam kung bakit. Medyo matagal din siyang nakatulala sa hangin kaya nag salita na ako “Huy! Adam, okay ka lang? Hindi mo natapos yung sasabihin mo”

____________________________________________________________________

Sorry sa super delay guys.. I hope you'd still read the rest of my story :))

*comment, like, fan, suggestions, violatios, reactions.. feel free*

My Boyfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon