Kabanata 14

6.3K 131 18
                                    

"Sometimes, I feel like im waiting on something isn't going to happen."

Simula noong araw na hinanap ko si Brent sa kaniya ay hindi ko na siya nakita pa, pagkatapos ng pag-uusap namin noon ay lumabas siya at hindi na bumalik pa.

Pa-dalawang araw ko na sa hospital, mamaya ay pwede na daw akong lumabas sabi ng doctor, pero hanggang ngayon ay wala parin siya. Nakakaiyamot lang, nagsorry na siya e, napatawad ko na nga siya e, hindi na nga ako galit. Tapos ngayon naman siya ang galit?

Ang babaw niya naman kung ganoon, porque't si Brent ang una kong hinanap noong nagising ako magagalit na kaagad siya? Hindi niya ba alam na nung magising ako siya agad ang unang pumasok sa isipan ko? Tss.

Kung galit siya, pwes mas galit ako! Pinalampas ko nga yung sinabi niyang wala akong kwentang tao e! Psh. "Tamara, you okay?" Tanong ni Brent.

Tinapunan ko lamang siya ng saglit na tingin at ibinaling rin agad ang atensyon sa ceiling. Gusto ko munang mapag-isa.

"Okay na iyong bills. okay ka lang? nagugutom kaba?" Tanong niya pa.

Hindi ko siya masisisi. Hindi na lamang ako umimik. "Gusto mo bang ipa-confine ulit kita dito? Mukhang napipi kana e!" Aniya pa. Nanatili parin akong walang imik.

"Im talking to you Tamara Jacob! What the h-eck is your problem?!" Singhal nito. Napangisi ako sa aking isipan, sinasabi ko na nga ba e! Wala silang pinag-kaiba ng kapatid niya. Pareho silang hot tempered! -_-

"Aayusin ko lang ang mga gamit mo. Uuwi na tayo mamaya." Tumango na lamang ako't tumalikod ng higa sa kaniya.

"If you have a problem. Tell me okay? Hindi ako sana'y na makita kang ganyan." Aniya pa bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Ilang oras pa akong nanatili sa sa hospital, sabi ni Brent ay 3:30 raw ang schedule ko sa pag-labas. Exactly 3:00 siya pumasok, kasama ang doctor na gumamot sa akin... Nalukot ang mukha ko, akala ko si S-----

"Let's go Tamara!" Aya ni Brent. Napadako ang dalawang mata ko sa wallclock sa hospital. 3:30 na! Hindi naba siya dadating?

"U-uhmm! Brent, wala naba tayong h-hintayin?" Tanong ko. Agad naman siyang napalingon sa akin. "Hihintayin? Bakit? may ine-expect kabang bibisita sayo?" Tanong niya din.

Umiling-iling ako. "Wala naman! Tara na?" Siguro nga ay hindi na talaga siya dadating. Ang akala ko pa naman ay siya ang susundo sa akin.

"Oo nga pala, sa condo ko muna ikaw mag-sstay, tyaka ka nalang umuwi sa apartment mo kapag fully recovered kana." Sambit niya.

After 30 minutes of driving ay agad rin naman kaming naka-dating sa condo niya. May mga ilang pares naman akong naiwang damit dito, noon kasi ay nag-oover night ako dito.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya ng maka-pasok kami sa condo niya.

"Kahit ano na lang diyan." Sambit ko.

Umupo ako sa couch niya at isinandal ang likod ko roon, ipinikit ko ang dalawang mata ko at sandaling napa-isip. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Okay lang kaya siya? Kumain na ba siya?

Nakita kong palapit sa direksyon ko si Brent. "Ano na namang iniisip mo?" Singhal niya.

Bumusangot lang ako at humalukipkip. "Wala akong iniisip." Sagot ko.

"Talaga lang huh? si kuya Sigmon ba yan?" Tudyo niya. Tinaliman ko lamang siya ng tingin.

"Hindi ano, bakit ko naman iisipin ang kapatid mong sira-ulo?" Saad ko.

"Asus, kunwari kapa e! Kilalang kilala na kita Tamara, aminin mo? Hinihintay mo si kuya kanina sa hospital diba? Akala mo siya ang susundo sayo." Lintaya niya. Wala sa wisyong napatango ako.

"Bakit mo alam?"

"Tss. Masyado kang halata e! Ano? Okay ka lang ba?" Tanong niya pa.

"Ow well, alam kong hindi. Hayaan mo na siya! Sira-ulo talaga yon! If i were you, lalayuan ko na siya bago pa ako masaktan." Aniya pa, bago tuluyang pumasok sa loob ng kitchen.

Okay? What was that? If I were you, lalayuan ko na siya bago pa ako masaktan. Still ay nag-eechoed parin iyon sa aking isipan. Thou, labing limang minuto na ang nakalipas mag-mula ng mag-tungo si Brent si kitchen.

"Hey! Wag mong isipin masyado yung mga sinabi ko. Let's eat." Aya niya.

Tumayo naman ako at sumunod sa kaniya sa kusina. "Nga pala, bago ko pa makalimutan, I wanna say thanks to you. Thankyou sa pag-bayad ng bills ko, hayaan mo kapag naka-luwag luwag ako! Babayaran kita." Naka-ngiting pahayag ko.

"Hindi ako ang dapat mong pasalamatan Tammy!"

"Huh? What do you mean?"

"Hindi ako ang nagbayad ng bills mo." Naka-ngiti niyang tugon.

Agad namang napalitan ng pagtataka ang mukha ko. "Kung hindi ikaw? eh sino pala?" Takang tanong ko.

"It's for me to know, and for you to find out." He said and winked at me! The heck? Seriously? Ano bang akala niya? na ako si Detective Loki? Psh!

A BEAUTIFUL CREATION (BS 2 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon