Kabanata 3

8.7K 193 26
                                    

"I think, it's time to be happy again."

Nagising ako sa liwanag ng sikat ng araw na nagmumula sa bintana ko. Iminulat ko ang mata ko pero agad ding isinara ng masilaw ako, Tinatamad pa akong bumangon kaya't tumalikod ako sa sinag at sinubukang ipikit ulit ang mga mata ko. Ngunit agad rin akong napamulat ng may naalala ako, Sinong nag-alis ng kurtina sa kwarto ko?

Agad akong napabalikwas ng bangon at dali-daling lumabas ng kwarto. Naamoy ko pa ang mabangong niluluto niya, Syete! Kailan pa natutong magluto ang magnanakaw sa bahay ng ninanakawan nila? Nangunot ang noo ko't pinagmasdan ang nakatalikod na lalaki na nakaharap sa stove.

"B-brent?" Untag ko rito.

"Goodmorning too Tamara, Come here sit. Let's eat."

"Why are you here? Paano ka nakapasok dito?" Tanong ko pa.

"Dami mong dada. May duplicate key mo ako! Maupo kana rito, Kumain na tayo. May goodnews ako sayo!" Nakangiti niyang sambit.

Naupo narin ako't pinaningkitan siya ng mata. "Anong meron? Nanalo ka sa lotto?" Nakangisi kong tanong. Tinaliman niya lamang ako ng tingin. "Ano bang meron? What's with the goodnews thingy?" Mababakas na may kuryusidad sa tinig ko.

"Well, well, well! Let's eat first. Panigurado naman akong matutuwa ka sa ibabalita ko sayo." Nakangisi niyang saad. Inismiran ko na lamang siya at nagsimula ng kumain.

"You should eat more, Tamara! May pupuntahan tayo mamaya." Sabi niya pa.

Hindi ko na lamang siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos ako ay siya na mismo ang nagligpit ng pinagkainan namin. Sumadal ako sa may sink at pinagkrus ang dalawang kamay. "Spill it out, Brent!"

"Well, well, well! My dear Tamara! You have your new job." Ngisi niya.

Nanlalaking mga matang binalingan ko siya ng tingin. "Ow? Hindi nga? Talaga?" Gulat na saad ko.

Nakaramdam ako ng saya at excitement sa dibdib ko. Anong klaseng trabaho naman kaya ang irerekomenda niya sa akin this time? Napangisi ako ng malawak. "Get dressed. Ngayong saturday ang interview mo."

"AGAD AGAD?" Gulat kong tanong.

"Yes, so better hurry up bago pa mag-transform ang boss mo into monster." Ngisi niya pa.

Mabilis ko siyang tinalikuran at nagprepare para sa interview ko mamaya! Jusmiyo, hindi man lamang niya ako itinext kagabi para man lang sana'y napaghandaan ko. Tsktsk.

Nag-pencil skirt lamang ako't nag sleeveless na white at pinatungan iyon ng blazer na itim at flat shoes na white. Nagpowder lang ako at kinagat-kagat ang labi ko para mas mamula iyon lalo. Lumabas ako ng kwarto at inaya na si Brent paalis.

"Let's go Brent! I think, Im ready!" Wika ko at huminga ng malalim.

"Halata nga. Hahaha! Let's go, don't be nervous. Mabait naman si kuya kahit papaano." Ngisi niya tyka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nag-iwas ito ng tingin at kinagat ang ibabang labi niya. "Shit! Let's go." Dagdag niya at tinalikuran ako't nagsimula ng maglakad palabas ng apartment.

Isinarado ko muna ang mga bintana at ikinandado ang pinto.

Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Shit! Paano kapag hindi ako nakapasa sa interview?

"You okay? You seem so tensed? relax Tamara." Ngisi nito sa kaniya. Inirapan niya lamang ito at ipinagdaop ang dalawang palad at tahimik na nagdasal.

"We're here. Goodluck Tamara!" Iginiya siya nito papuntang 50th floor.

Hindi na siya nagtaka at nahilo sa sobrang laki ng kompanya ng magiging boss niya. Ito ang kaniyang inaasahang mabubungaran pagkapasok sa kompanya. Alam niyang, mayaman ang mga ito.

Kumatok si Brent sa opisina ng kaniyang kuya, hindi niya ulit.maiwasang hindi pagsadahan ng kaba. Jusmiyo! Ano ba naman iyan.

"Come in." Rinig niyang sigaw nito mula sa loob sa britonong boses.

Binuksan ni Brent ang pinto para sa kaniya. Hindi niya maiwasang hindi mamangha sa laki ng opisina nito. Iginala niya ang mga mata sa kabuoan ng opisina nito. Wow!

"Kuya, maiwan ko na si Tamara sayo! Ikaw na ang bahalang mag-interview sa kaniya." Paalam ni Brent rito. Tumango lamang ito, ngunit nanatiling nakayuko at nakatuon ang pansin sa papers na binabasa nito.

Tumikhin siya para kuhanin ang atensyon nito at hindi naman siya nabigo. Nag-taas ito ng tingin at bahagyang nagulat ng makita siya. Rumehistro ang pagtataka sa mukha niya at pinangunutan ito ng noo. "Sir?" Tawag pansin.niya rito.

Tila naman ito nabuhusan ng malamig na tubig at inayos ang sarili. Umangat ang sulok ng labi nito. Crap! Parang pamilyar iyong labi niya sa akin.

Iwinaksi niya iyon sa isip niya at bahagyang lumunok. "So, Ms.?" Tanong nito sa kaniya.

"Jacob. Tamara Jacob sir!"

"Ms. Tamara Jacob, Have a seat." Untag nito sa kaniya, tumango naman siya at umupo sa upuan sa may unahan ng table nito.

"Tell me about your self." Biglang saad nito. Shit! Ito na nga ba ang sinasabi niya e. Wari niya'y simula na ang pag-iinterview nito sa kaniya.

"About me? Nothing special sir. I live with my own, pinapakain at pinag-aaral ko ho ang sarili ko sir." Maikling sagot niya rito.

Bahagya itong nagulat sa sagot niya ngunit agad iyong nawala at nagblangko ang tingin nito sa kaniya. "Then, why should I hire you?" Tanong pa nito na nagpakaba lalo sa kaniyang dibdib.

"Well, Sir. I am punctual, dependable and can be counted upon to finish what I start. I get a great deal of satisfaction from knowing that I have done something well and on time. For example, at my present job, I was given different work orders every day. It was my responsibility to finish the orders and make sure they all met quality and safety standards within a specific deadline. On occasion, I had to familiarize myself with the product and the production process. I was always able to learn quickly and carry out my job responsibilities. I feel I can use the same skills and hard work to do well on this job too." Mahaba kong lintaya.

Umangat ulit ang isang sulok ng labi niya. "You're not done yet to your 4th year college right?" Tanong pa nito sa kaniya.

Tumango siya. "Yes sir, Pero January 5 pa naman po ang balik namin sa school at last semester na po iyon. Magdidisyempre palang naman ho at makakapagtrabaho pa ako sa inyo." Paliwanag niya.

Napa-tango tango naman ito at ngumisi. "You're hired then, maaari kanang magsimula sa monday."

Nanlaki ang mga mata niya. "TALAGA PO? WAAAH! Thankyou po sir." Nginitian niya ito ng pagkatamis tamis dahilan ng paglunok nito at pag-iwas ng tingin.

Inabutan siya ng isang folder nito, at tuluyan na siyang umalis sa lugar na iyon. Sa wakas! Okay na ang problema ko. Ngumisi siya ng malawak at napasuntok nalang sa hangin.

A BEAUTIFUL CREATION (BS 2 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon