Kabanata 27

5.8K 83 6
                                    

Problem is just a problem, don’t let your problems ruin your life. Smile”


“Hey! we’re here.” He interrupted me with my thoughts.

Iniikot ko ang paningin ko. Nasa harapan kami ng isang bahay, resthouse to be exact, pero hindi ko alam kung saan. “Where are we?” I asked

“Tagaytay.” Bumaba ako sa kotse at sumunod sa kaniya.

“Hindi ko alam kung malinis pa’din to hanggang ngayon, hindi ko na kasi alam kung pinapalinis parin to ni mommy e. Pasensya kana ah?” Aniya

“Ano kaba, ako nga ang dapat na humingi ng pasensya e! Na-abala pa yata kita. Diba isa kang doctor? Madami ka pa sigurong pasyente.”

Natawa siya sa akin. “It’s okay, nandon pa naman ang daddy ko, bahala na siya sa mga pasyente dun. Hahaha”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Grabe ka sa daddy mo.”

“Aysus, para namang hindi pa yun sanay sa akin.”

“Why did you became a doctor?” Pang-uusisa ko pa

“My father is a doctor. Gusto niya din akong maging doctor someday pero nagrebelde ako, but in the end I don’t have a choice.” Sagot niya at maya maya’y ngumisi.

“Bakit ka naman nag-rebelde? Dahil lang gusto ka niyang maging doctor tapos ayaw mo? Ganun ba?”

Inirapan niya ako. “Alam mo ang chismosa mo rin e ano?” Hinagisan niya ako ng walis tambo. “Mag-walis ka muna, madumi ang bahay e. Let’s continue this kwentuhan nalang later.” Sagot niya’t nagwink pa ang loko!

Natawa nalang ako sa kalokohan niya. Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kaniya, in the first place hindi naman talaga dapat e. Hindi ko pa siya ganoong kakilala, ewan ko ba. I really have this feeling na makakasundo ko siya e? Ewan, parang may similarity kasi kami. Ayon nga lang hindi ko alam kung ano yon.

Nagsimula na kaming maglinis. Simple lang naman yung bahay. Simple yet elegant. Hindi naman ganoong kadumi kaya mabilis kaming natapos. “Gutom kana ba?” Tanong niya’t umupo sa couch.

“A little?” Patanong na sagot ko. Hindi kasi ako kumain kaninang umaga pag-alis ko e. Anong oras na ba? 3.45 PM na.

“Hala ka, wala pa man ding stock dito. Hanggang kailan kaba magsstay dito?” Tanong niya pa ulit

I shrugged my shoulders. “Bukas? sa isang araw? next week? I don’t know.”

“Nalintikan ka! Sige mag-ggrocery lang ako. Babalikan kita ah? Pahinga ka nalang muna.” Aniya at tumayo mula sa pagkaka-upo sa couch.

Lalabas na sana siya ng pinto ng pigilan ko siya. “H-hey! C-can you buy me some beers?”

“Noted. Wala naba?” Umiling iling ako’t ngumiti sa kaniya. “Salamat. Ingat ka ah?” Habol ko pa sa kaniya.

Bumalik ako sa loob at nahiga sa may couch.

“Wala ka talagang kwenta! You’re really a disgrace to this family.”

“Mauuna nako, may emergency lang sa company.”

Ngumiti ako ng mapakla. Emergency sa company? o baka naman sa babaeng nabuntis niya. “Tangnang buhay to!” Bulong ko

Saglit kong ipinikit ang dalawang mga mata ko’t huminga ng malalim. Keri pa ba Tamara? Bahagya akong napabunghalit ng tawa. Kaya yan, kakayanin.

at exact 4.30 PM ay ginising ako ni Reisen. “Hey! food is ready, Let’s eat?” Aya niya

Tumayo ako’t sumunod sa kaniya sa kusina. “Pasensya kana, hindi na kasi kaya ng oras ko. Naisip ko kasi na baka gutom kana kaya hanggang sinigang na lang nakayanan ko.”

“Okay lang yun.” Sagot ko’t nagsandok ng pagkain sa plato.

“Nakabili kaba ng b—”

“Finish your foods first. Tyaka nalang natin pag-usapan.” Putol niya sa sasabihin ko at nagsimula naring kumain.

Tanging tunog lang ng kubyertos na tumatama sa plato ang naririnig sa loob ng kusina. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko katulad niya. “Ako na ang magliligpit ng pinggan.” Pag-pprisinta ko

Umiling naman siya’t inginuso ang sala. “Ako na. Dun ka na lang muna, ako na bahala dito. Pahinga ka muna”

Ngumuso ako’t bumalik na lamang sa sala. Matapos ang ilang minuto, lumabas siya sa kusina na may dalang beer in can. “Ayos ba?” Ngumiti siya at ibinaba ang beer sa lamisita.

Kumuha ako ng isa’t binuksan, nilagok ko iyon ng matagal. “Hinay hinay. Ginagawa mo namang tubig ang beer e!” Awat niya sa akin. Nginitian ko lang siya at lumagok ulit. Nagbukas ulit ako ng isa pa

“May problema ka na naman? Spill it” Utos niya

“P-R-O-B-L-E-M” Ini-spell ko iyon.

He look at me sharply. “Spill, not spell idiot.” Bigla kong naalala sa kaniya si Brent. My bestfriend.....

“Sige na. Hindi ko naman ipagkakalat problema mo e! Ano kaba? Alam mo ba sabi nila, mas nakaka-gaan daw ng pakiramdam kapag may napagsabihan ka ng problema mo.”

“Ginawa ko naman lahat e, para sa kanila para kay Kuya, para kay Mommy at Daddy. Pero bakit ganon?” Dirediretsong sambit ko. Tumulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Hindi ko alam kung ilang lata na ng beer ang nainom ko, siguro sapat naman na iyon para magka-roon ako ng lakas ng loob para sabihin yung hinanakit ko, lahat ng sama ng loob at sakit na nararamdaman ko

“What do you mean?” He asked

“Unwanted child.” Tumawa ako at pinunasan ang mga luhang patuloy na naglalandas sa magkabilang pisngi ko. “Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, s-sobrang sakit lang kasi e. Y-yung alam mo yung gusto mo ng mag-break down, yung gusto mo ng sumuko pero pilit kang kumakapit? Tangina kasi, bakit kasi bumalik pa sila? okay na akong mag-isa dito e. Wala na akong problema kundi iyong putanginang pang-tuition at pambayad sa nirerentahan kong bahay nalang yung pro-problemahin ko. Ayos na e, bakit bumalik pa sila? T-tapos, t-tapos akala ko yung taong inaasahan kong makakapitan ko sa oras na mangyari to nasa tabi ko. Pero kingina wala, andon siya kanina sa hospital kasama yung babaeng buntis na hindi ko alam kung siya ba ang ama.”

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. “I feel you, Tamara.”

“A-ng sakit sakit na kasi e, ang..... sakit kasi ditoooo!” Hinampas hampas ko pa ang dibdib ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

“Tamara hush now, please calm down.”

“Alam mo *hik* yung kuya *hik* ko? Hindi *hik* naman ako dapat *hik* babagsak kundi dah*hik* il sa kaniya e. Kapag *hik* may thesis siya *hik* hindi naman maga*hik* ling yun e, sakin lang *hik* yun nagpapagawa *hik* pero nasasaktohan kapag *hik* may exam ako *hik* kaya hindi ako nakakapag *hik* aral. Kasi sabi niya *hik* unahin ko siya!” Tumawa ako ng naalala ko ang pangyayaring iyon.

“Tama na please? matulog kana.” Naramdaman ko nalang na tumaas ako sa ere.

“Nasha *hik* airplane nhaba *hik* aksho? Hihihi. *hik*”

Naramdaman ko ang paglubog ng katawan ko sa malambot na kama. Bumibigat narin ang tiklop ng dalawang mga mata ko. “Ahntok na ksho”

“Don’t let your problem ruin your life Tamara. Everything will be alright. Goodnight! sleepwell” Rinig ko pang sabi niya bago ako tuluyang nawalan ng malay.....

A BEAUTIFUL CREATION (BS 2 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon