Kabanata 15

6.3K 117 16
                                    

"Yes, It hurts but I don't give a damn. I can find another man better than you."


“What do you mean you had a good time?” Brent demanded the next day as he walk towards my direction.

“Wala. Papasok na ako!” Paalam ko sa kaniya.

“Wag na lang muna, maipag-papaliban naman iyang trabaho mo, kaysa magka-sakit ka na naman.”

“Brent, tatlong araw na akong absent sa kompanya, baka naman ma-fire na ako niyan.” Aniya ko.

And yes, tatlong araw na akong nag-sstay sa condo ni Brent. Hindi na naman masama ang pakiramdam ko, medyo na lang kaya okay lang naman na pumasok na ako sa trabaho ko. Nakakahiya na din naman.

“No! Hindi. Ka. Papasok!” He said firmly. I rolled my eyes and let out an heavy sigh.

“Brent, nakakahiya na sa boss ko, sa kapatid mo. Ano nalang ang sasabihin niya?” Tanong ko.

“For f-vck sake Tamara! Maiintindihan niya naman siguro yon, alam niya namang kagagaling mo lang sa sakit.” Singhal nito ngunit hindi parin ako nagpatinag.

“Papasok ako and that’s final.”

“Papasok ka? Then go on, but make sure you won’t back here and cry. Go on, pumasok kana! Bahala kang masaktan.” Singhal niya at tinalikuran na ako.

I don’t get him. Anong gustong niyang sabihin? Make sure na hindi ako babalik dito at iiyak? Bahala akong masaktan? Hindi ko siya makuha. Hindi ko ma-gets kung anong gusto niyang iparating. Bakit? Ano bang meron? Bakit ayaw niya akong pumasok ng kompanya?

Iiling-iling akong lumabas sa condo niya, bumaba ako sa groundfloor at pumpara ng taxi sa labas.

“Manong, sa tabi na lang po ako.” Naka-ngiting saad ko ng matanaw ko na ang malaking kompanya ni boss.

Lumabas ako ng kotse at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri. That’s it, nakakamiss ang kompanya, pakiramdam ko ay ilang taon akong nawala dito, masyado kasi akong nasanay sa kompanyang ito. Mas gusto ko ang mag-trabaho dito.



“Goodmorning manong guard.” Bati ko sa guard at ngumiti ng matamis, binati naman ako nito pabalik at ngumiti rin pabalik.

Umakyat na ako sa opisina ni sir, at tumigil sa station ko. Ow, ano namang gagawin ko dito? Masyado yata akong maaga. Chineck ko na lamang ang loptop ko kung may emails ngunit wala naman. Napahalumbaba naman ako sa mesa at saglit na sinulyapan ang opisina ni sir.

Wala pa kaya siya dito? Gusto ko sanang humingi ng dispensa sa nangyari noong nakaraang araw. Napag-isip isip kong may mali din pala talaga ako dahil sa si Brent ang unang hinanap ko imbes na pasalamatan ko siya dahil siya ang naroon ng magising ako.

Napabalik ako sa ulirat ko ng may tumikhim sa harapan ko. Nagtaas ako ng tingin at gayon na lamang ang pagkabog ng malakas ng puso ko. “G-goodmorning S-sigmon.” Nauutal na bati ko dito pagkwa’y ngumiti ng matamis. Iyon naman ang gusto niya hindi ba? Ang tawagin ko siya by first name niya, so ayun na nagawa ko na.

Nangunot naman ang noo nito. “Make us some coffee.” Awtomatiko namang napatingin ako sa babaeng kasama nito. Sino ito? Hindi ko siya kilala, ka-ano ano kaya iyon ni Sigmon? Akma na sana akong aalis para ipag-timpla sila ng kape ng magsalita pa ito.

“By the way, who gave you the permission to call me by my first name? It should be ‘Sir’ Tamara, not just ‘Sigmon’. You’re not a friend nor part of my life. You’re just a secretary.” Lintaya niya.

“I’m sorry Sir.” Hinging paumanhin ko dito.

Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko at may kung anong sumasaksak sa puso ko. Ang akala ko ba gusto niyang mapalapit sa akin kahit isang kaibigan lang? Ang akala ko gusto niyang tawagin ko siyang ‘Sigmon’ at i drop na yung ‘Sir’. Noon, kapag ka sinasabi niya’ng secretary niya lang ako ipinagdudoldulan niya ang salitang ‘MY’. Anyare ngayon?

Agad akong umalis doon bago pa bumagsak ang luhang kanina pang nagbabadyang lumabas sa mga mata ko. “F-vck it Tamara, stop crying! Stupid! Bakit ba ako umiiyak?” Tanong ko sa sarili ko. Pinunasan ko ang luhang lumandas sa dalawang pisngi ko at sinimulan silang gawan ng kape.

Chineck ko muna ang sarili ko sa salamin, nagsuot ako ng eye-glasses para hindi masyadong halata na umiyak ako. Binuhat ko ang tray at muling nagtungo sa opisina ng boss ko.

“Sir, ito na po ang kape niyo.” Sambit ko bago ilapag sa lamesa ang kape nilang dalawa. Masaya silang nag-kkwentuhan, halata naman dahil naka-ngiti silang pareho habang magka-titigan. Ni isa nga sa kanila ay hindi ako tinapunan man lamang ng kahit na saglit na tingin.

Nanatili lamang akong naka-tayo sa may side nila habang masaya silang nag-kkwentuhan ng mapabaling ang tingin sa akin ng boss ko. “What are you still doing here?” Tanong nito.

“Wala na po ba kayong ipag-uutos?” Balik na tanong ko din.

“Nothing. You may now live! Don’t you dare interfere us, we have something need to do. Right babe?” Sagot ng babaeng kasama nito. Tumango naman si Sir at binigyan ito ng isang matamis na ngiti.


Para akong sinaksak ng isang milyong patalim. Oo na! Nasasaktan ako dahil mahal ko siya, Inaamin ko na. Hindi ko na kasi kaya e! Lumabas na lamang ako doon at nanatili sa station ko. Paminsan minsan naman ay sumusulyap ako sa pwesto nila.

Napasinghap ako ng muli kong paglingon doon ay naka-kandong na ang babaeng iyon sa lap ni Sigmon. They’re kissing. HA-HA-HA.
Para akong tangang naka-titig sa kanila at pinapanood kung paano sila mag-make out. Live show ba ito? Napatawa na lang ako ng maramdaman kong may umaagos na namang luha mula sa mga mata ko.

Napatingin sa gawi ko si Sigmon pero hindi ito tumigil sa paghalik sa babae’ng kasama niya. Nanatili lamang ang mga mata nito sa akin habang patuloy na hinahalikan ang babae. “Wow! He have a guts to stare at me while she’s kissing other girl.” Napahagikgik ako at pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko.

Hindi ko na kaya, tumalikod na ako bago pa ako humagulgol doon. Kaya naman pala ayaw akong papasukin ni Brent, may alam kaya siya? Ha-ha-ha! Antanga ko, bakit ba hindi nalang ako nakinig sa kaniya? Sana ay hindi na lamang ako pumasok at hindi nakita ang kababuyang ginagawa nila. Edi sana hindi ako nasasaktan, edi sana hindi ako umiiyak ngayon.

Tumakbo ako palabas ng kompanya ng may humiltak sa kamay ko. “F-vck it! Why are you crying Tamara?”

“A-aldrin?”



To be continued.

A BEAUTIFUL CREATION (BS 2 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon