Kabanata 11

7K 135 23
                                    

"No matter what happens, don't give up. Fight for what you really wants."

Sabado ng hapon. Mga bandang 3:00 PM ay sinundo ako ni Brent at inaya sa mall para bumili ng susuotin mamaya para sa Family party nila. Nagdadalawang isip pa ako kung sasama ba talaga ako o wag na lamang, paano ba naman kasi FAMILY PARTY iyon, eh hindi naman nila ako kapamilya hindi ba?

"What's bothering you this time? May ginawa na naman ba si Kuya sayo?" Tanong ni Brent.

Tinapunan ko lamang siya ng saglit na tingin at ibinalik ang atensyon sa mga nakahilerang gowns. "Wala. Bakit mo naman natanong?"

He just shrugged. "Basta't wag mo lang maiisipan na magback-out sa pagiging date ko! Nako, sinasabi ko sayo."

Ngumisi ako ng malaki. "May sinasabi ka? Wala naman ah?" He gave me a sharp look.

"Ow! Come on, you think im scared now Brent?" Nangungutyang saad ko rito't pa'kway ngumiti ng pagka-tamis tamis.

"Just kidding!" Bulaslas ko pa. Tinapunan niya lamang ako ng saglit na tingin.

"Ano na? Usong mamili na ng gown ano?" Saad nito.

"Hindi ko alam kung anong pipiliin ko, Magaganda silang lahat e." Lumabi lamang ito at sinamaan ako ng tingin.

"Wag mo lamang sasabihin na gusto mo silang lahat suotin? Masyadong mainit kung doble doble ang gown mo." Nginisian siya nito. Naka-tanggap naman ito ng napaka-lakas na batok mula sa kaniya. "Natatanga ka na naman. Pero seriously, lahat talaga sila maganda. Ikaw na lamang ang bahang mamili. Tutal ikaw naman ang magbabayad niyan e!" Siya naman ngayon ang ngumisi ng malaki.

"Hayst. Napaka-buraot mo talagang babae ka!" Dinuro nito ang noo niya, napahagikgik na lamang siya.

(yung gown po sa side. Credits sa mukha ni Kath! Hahaz. Wag niyo na lang pansinin, yung gown na lamang po okay? Hahaz.)

"Okay na ba iyan? Isusukat mo paba o wag na?" Tanong nito sa akin. Umiling iling na lamang ako, kanina pa kami paikot-ikot sa mall dahil sa paghahanap ng gown na susuotin ko para sa family party raw nila. Bahala na siya roon, hindi naman ako ang nagpumilit na isama ako sa family party nila. Napapagod na ako.

Ihinatid ako nito sa bahay saktong alas singko ng hapon. Susunduin niya na lamang daw ako mamayang six thirty ng gabi. Pumanhik na ako sa loob at isinabit sa hunger ang gown. Naligo muna ako't pinatuyo ang buhok ko. May 1 hour pa ako para mag-prepare.

Nag-ring ang cellphone ko, The eff! Bakit tumatawag na naman itong panget na ito? Kahahatid niya lamang sa akin ah? Sinagot ko ito at Itinapat ko sa tenga ko ang cellphone bago siya singhalan.

"Oh? ano na namang kailangan mo? Mag-kasama lang tayo kanina ah? Wag mong sabihing may favor ka na namang panget ka?!" Bungad ko sa kaniya.

"Hahaha. Chillax Tamara! And yup, meron nga." Pakiramdam ko'y ngumisi ito sa kabilang linya.

"Tsk. What is it?" Inis na turan ko dito.

"Hahaha. Magpa-ganda ka ah? Gusto ko yung nga-nga-nga ang mga tao sa kagandahan mo. I'll fetch you up later." Sabi nito at pinatay ang kabilang linya.


Lakas talaga ng sakay sa utak ng isang iyon. Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang naudlot kong pag-aayos sa sarili. Kinulot ko ang dulo buhok ko at pinuyod iyon. I also put a light make up and crimson lipstic. Bagay ang ayos ko sa gown na napili ni Brent. Napangiti ako ng matamis ng makita ang repleksyon ko sa salamin.

May bumusina na sa labas ng bahay at alam kong si Brent na iyon. Hindi naman halata na excited siya masyado ano? May sampong minuto pa akong natitira. 6:20 pa lamang, ang usapa'y 6:30. Tsk tsk!

"Bakit ang aga mo?" Bungad ko sa kaniya.

"10 mins. lang naman! Mag-bbyahe pa tayo kaya sakto lamang na 6:30 tayo makakarating doon." Paliwanag nito.

Inikutan ko lamang ito ng mata at padabog na pumasok sa loob ng kotse. Kung bakit? Wala lang, trip ko lang! Haha! Ngumiti lamang ito ng makahulugan sa akin bago ako pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

"What's with those stares and smiles? May hidden desire ka sa akin ano?" Biro ko dito.

Umasim naman ang mukha nito at nag-iwas ng tingin. "Spell assuming? T-A-M-A-R-A!" Duldol nito sa mukha ko.

"Aysus! Kunwari kapa eh, alam ko namang crush mo ako! Umamin kana Brent! Crush mo ako diba?" Natatawang saad ko rito. Buong byahe ay kinulit ko lamang siya ng kinulit at inasar ng inasar. Syempre! si Tamara yata ako.

Nang mapatigil kami sa isang magarang mansion ay napatuptop ako sa bibig ko. Nagsimula ng umusbong ang kaba sa dibdib ko. Naman, bakit ba ako kinakabahan? Iwinaksi ko iyon sa isip ko at may kumpyansang lumabas sa loob ng kotse. Bakit? Maganda kaya ako! Self-assurance sweety.

I smile sheepishly. Thats it, napaka-galing ko talaga. Inalalayan ako ni Brent papasok sa Garden nila kung saan gaganapin ang party ng pamilya nila.

Nang makapasok kami'y nakuha namin lahat ng atensyon ng mga taong naroroon. Crap! Ito ang ikinababahala ko e! Dito ako sa ganitong part kinakabahan.

"Breath in. Breath out. Relax Tammy baby!" Sinunod ko ang kaniyang sinabi, nag enhaled and exhaled na lamang ako't sinubukang pakalmahin ang sarili.

"Hijo, Im glad you're here! By the way, who is she?" Saad ng isang babaeng medyo may katandaan na. Nakipag-beso pa ito kay Brent bago ako pasadahan ng tingin.

"Grandma naman, bakit ko naman i-mimissed itong family party natin? Anyways she's Tamara Jacob. My bestfriend." Pakilala nito sa akin.

Nakipag-beso naman sa akin ang ginang at nginitian ako ng matamis. "Talaga bang bestfriend lamang apo ko?" Asar nito sa apo'ng si Brent. Hindi niya mapigilang mapangiti, close pala sila?

Lumapit si Brent sa matanda at may ibinulong. "Grandma, Patay na patay po si Kuya sa babaeng iyan. Wala po akong balak na karibalin ang kapatid ko."

Napa-nguso na lamang siya ng hindi niya narinig ang ni- katiting na ibinulong nito sa kaniyang Grandma. Natatawa namang tinitigan siya ng matanda. "Talaga lamang huh? Paanong hindi iyon tatamaan eh napaka-gandang bata naman pala nito."

Nakatanga niya lamang na tinitigan ang mag lola'ng naghahagalpakan ng tawa. Iyong totoo? Anong nasinghot ng dalawang ito? Bulong niya sa kaniyang isip. Mga baliw talaga, alam ko na kung saan nag-mana ang kaibigan kong si Brent. Wala sa sarili'y napa-ngisi siya.




To be continued~

A BEAUTIFUL CREATION (BS 2 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon