CYGNUS P.O.V.
pasado alas syete na ng umaga.
sa bahay nina Aquila ako kumain kanina.
ang sarap pala nung sinangag. madali lang lutuin, sa susunod magluluto din ako nun :]
tapos yung dalawang batang kapatid nya ang kulit kulit, ang tapang nung Ky, o sabihin na nating nagtatapang tapangan, umaastang sya yung kuya at pinakamatanda sa kanilang magkakapatid tapos yung batang babae na mei ang pangalan ehh nasobrahan sa takot, tapos anlakas ng pang amoy ! hahaha ! parehas weird, asahan mo sa kapatid ni Aquila xD
pero ang tawag nila sa ate nila ehh 'Ate Aqui' pinaikling version ? mukha naman.
hinatid ako ni Aquila sa paradahan, pinahiram nya din ako ng pamasahe.
Pero bago ako sumakay ehh malamang nagpaalam ako sa kanya.
"Bye. salamat sa breakfast." sabi ko
"Sus. wala yun. grabe, seryoso ka pala nung sinabi mong hindi mo alam kung ano yung sinangag, grabe pre taga ibang dimensyon ka pala talaga. hahaha"
"Heh. at least alam ko na kung ano yun."
"Sige Babaayyy.." sabi ni Aquila tas akmang patalikod pabalik na siguro
eto na naman ako sa hila, hinawakan ko yung braso nya
"Huh? bakit na naman?" sabi nyang kumunot ang noo at tumingin sa kamay kong nakahawak sa braso nya.
tinanggal ko yung kamay ko at nagdadalwang isip magsalita
"Ano ?" sabi nya na tuluyang humarap ulit sakin
"S-salamat ulit.. saka sorry kanina ..dun sa kwarto" sabi ko na pinipilit tumingin ng derecho.
"Anong dun sa kwar--.. A-a-lin d-dun? .... ah w-wala yun kalimutan mo na !" sabi nyang nauutal utal, mukang naalala nya din.
...
...
"..uhm. saka babayaran ko din tong pinahiram mo, wag ka mag alala"
" Kahit wag na." mabilis na sagot nya
"Hindi pede. ayoko ngang magka utang na loob sayo no" pag re-reason ko na lang
"Ahh ganun pala?! matapos mong magpasalamat sakin kanina ?" sabi nyang medyo lumakas ang boses
"Akala ko pa naman ayos na tayo" sabi pa nya na medyo inis ang itsura
mukang di ko dapat sinabi yun ah
"sige Bye !" sabi nya at naglakad na talaga palayo. kaya hinabol ko
"Teka lang naman !" sigaw ko habang humarang sa daan nya na sya namang ikinatigil nya
"Ano na naman ba ?!" sigaw nya
"A-ano.." Tae ! anong sasabihin ko ngayon ?? bat ko ba sya pinigilan ehh..
...
"Ewan" sabi nya at akmang lalagpasan ako
"T-teka nga !" sabay harang ko ulit sa harap nya
...
shet Cygnus mag isip ka nga ! ano nga bang dahilan at pinigilan ko sya kanina..? sorry tas salamat.. tapos yung utang na loob ! ano ba san ba nagsimula yung gulooo ?? tae talaga. wait.wait.
"Alis dyan. problema mo ba?!" sabi nya at lumampas na sakin
shet ..dun ba sa sinabi kong ayoko magkautang na loob sa kanya !??
BINABASA MO ANG
NaNg dAHiL sA fAcEbOoK
RomanceNagsimula ang lahat sa facebook, nangtrip lang tapos dahil don, nag away sila. Aso't pusa kumbaga. makalipas makalampas, nagpapanggap silang SILA daw. Pero syempre hanggang facebook lang yun. Sabi nila ehh. Gaano nga ba kalaki ang epekto pag napalab...