chapter 23 The day before the party

76 2 9
                                    

Cygnus P.O.V.

alam nyo yung.. kanina parang may ine-expect ako tapos biglang may kumontra ? para akong binuhusan ng isang timbang sobrang lamig na tubig. sa sobrang lamig, wala na kong maramdaman, manhid na yung utak ko, ayaw na gumana.

saka ano yung "the Goddess" na yun ? mukha ba akong babae ?! well.. kahit pa pangalan ng Goddess yung 'Cygnus' ehh.. mukhang dun galing. Eh kahit na. Kung mag lesson kasi sya saken kanina, na ipinamumuka yung reputasyon nung family name ko ehh akala mo parte sya ng family namin. Actually daig nya pa tatay ko manermon ehh.

*PEEEEEEEEEEEEEPPPEEEPPPP

what the..

"Hoy bata magpapakamatay ka ba ?!"

Aww.. so nasa gitna na pala ako ng kalsada. kanina pa ko naglalakad ng di ko namamalayan

"Aba'y kung Oo ay wag ka namang mandamay ! umalis kana nga riyan at harang ka sa daan !"

Driver ng jeep yung nasigaw. Umalis nalang ako sa kalsada, di na ko nagsorry, di din naman maririnig dahil may kalayuan yung agwat namin.

Shit

Nakalabas na ako ng bahay nina Pisces. at saka ko lang naalala na wala akong pera, pamasahe pabalik,kulang ehh.

shit talaga. anong gagawin ko ngayon...?!

Alangan namang bumalik ako dun kina Pisces, eh wala sa katinuan yun tas kanino ako manghihiram ? sa kuya nya? nakakahiya yun.

wait. may branch yung negosyo ni papa dito.

Tapos dun ako kukuha ng pamasahe ? parang mas nakakahiya ata yun ? Hindi. tapos tatawagan ko si papa. para masundo ako. Okay. siguro, i mean sana kasya tong pamasahe papuntang MOA

_____

..matapos ang anim na bihaye nakarating ako ng MOA. bakit anim? naligaw ako ehh

pagpasok ko, hinanap ko agad yung pwesto tas pumasok ako sa loob nun. buti kilala ako nung employee kaya walang anumang aberya, natawagan ko si Papa.

"Hello?. Pa?"

"Cygnus ? What's the matter?"

"Ah.. Pa. nasa branch po ako sa maynila, sa MOA.. uhm pwede po ba kayo magpadala ng susundo saken pabalik ng tagaytay, wala po kasi akong pamasahe pabalik.."

"..Sure. pero sa bahay ka babalik, nakalimutan mo bang 7th birthday ng kapatid mong si Cheska bukas?"

"Ah. Hindi po. sige po"

shit. isa pang shit ! bat ko nalimutan ang birthday ng kapatid ko ??!wala akong pambili ng regalo ngayon. patay.

ahhhh sasabihin ko na lang next time. tsk. 7th birthday pa man din

"Okay, You wait inside in that branch"

"Okay po" binaba ko na yung phone

"Thank you" lingon sabay sabi ko dun sa employee

"You're Welcome po sir Cygnus" sabi nung employee with matching smile pa

______

oh right. upo nalang siguro ako dun sa customer's area mga 30 minutes pa bago makarating yung sundo. wala naman kase akong dalang pera para maglibang dito sa mall. okay sanang tumingin ng regalo pero wala nga kase akong dalang pera -.-

"Cygnus ?"

napatingin ako dun sa tumawag

Brown haired na hindi aabot sa balikat ang buhok. naka fluffy dress, high heels at ngiting ngiti

NaNg dAHiL sA fAcEbOoKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon