Right here....

2.5K 41 0
                                    

Matti... I miss you so much.

I just look at our pictures and watch our videos in my cellphone. How I love it when you pout. Sometimes, I run my hand on the sofa in the penthouse then I had flashbacks of that time made love in there.

Also in the library. Sometimes it is hard to concentrate with my reviews... kasi naaalala kita.

I am doing well pagdating sa pag-aaral ko, Matilda. I am consistent on the dean's list. Hindi na ako nag-SC President. Too time consuming. All I want is to be alone with you, pero dahil wala ka... I am really alone.

Kung marunong lang siguro ako mag-telepathy, baka nakukulili na ang tainga mo kakatawag ko sa iyo, kakaisip sa iyo.

Paano mo nakakaya ang ganito, Matilda? I am getting so crazy in here.

Nakukulitan na rin ako kina Miggy. Alam ko sasabihin mo na naman na sira-ulo ako at pagbigyan ko na sila... Pero I can't. I can't be happy. Ni hindi ko nga alam kung masaya ka diyan o kung nasasaktan ka rin katulad ko kasi wala tayong communication.

You blocked me from Facebook but I forgive you... Nag-away tayo eh. Pero please, don't ever think na habang buhay ako galit sa iyo. I miss you so bad, Matti... I really miss you. Tawagan mo man lang sana ako. O kamustahin kay Abby... Ang tagal-tagal ko nang maghihintay, Matti... Gagraduate na rin ako, Matti... Siguro male-late ka ng graduation sa akin kasi nag-change course ka... Pero sana batiin mo man lang ako sa araw na ito...

Naisipan na ni Efren na bumangon ng higaan para ihanda ang sarili. It was already his graduation day. At tulad ng pinalano niya, ga-graduate siya bilang Summa Cum Laude.

Nagkagulo naman sa living room ng mansyon. Nandoon ang tatay ni Matilda. Mukhang nakainom ito at nagpupumilit ito na makausap si Efren. Jude finally lost his temper and gave him a punch on his face.

"Mga lahi talaga kayo ng demonyo! Sinira niyo ang buhay ng anak ko!" angil nito bago ginantihan si Jude ng sapak.

A week after Christmas, sinugod na si Jude ni Israel sa mismong opisina niya. At heto na naman si Israel after three months, nang-gulo naman kung kailan graduation na ni Efren.

"Tantanan mo na kami, Israel!" tadyak ni Jude dito. "Matagal nang umalis yang anak mo! Hindi kasalanan ng kapatid ko iyan!"

"It is his fault! My daughter is--"

"Tama na!" sigaw ni Efren nang narinig nito ang kaguluhan mula sa hagdan na binabaan nito.

"Take him away," utos ni Jude sa mga gwardiya na late na nakarating.

"Huwag niyo akong hawakan!" Israel shrugged them off. Nauna na itong lumabas ng mansyon.

"Bakit nandito siya, Kuya?"

Umakbay si Jude sa kapatid. May pasa na ito sa pisngi.

"Ganyan talaga iyan. Kapag nababalitaan niya na may sine-celebrate tayo, nanunugod siya."

Lumapit sa kanila ang pinsan nilang si Jake. "Tsk, tsk," napailing-iling ito. "For a man with a heart disease malakas pa siya."

"Masamang damo eh," Jude shook his head. Then he patted Efren's head. "Get ready na, Mr. Summa Cum Laude."

Nag-ngitian ang mag-kuya.

***

Israel returned home catching his breath. Bago pa siya nalapitan ni Isa, inatake na ito sa puso at bumulagta sa sahig.

"Israel!!" nagsimula na itong umiyak. Pinagtatatawag nito ang mga katulong at pinatawag sila ng ambulansya.

Dahil sa panggugulo ni Israel sa kumpanya at kay Jude, he was kicked out from it. Even Hermes. Kaya naman nagsumikap si Hermes na makapagtayo ng panibangong negosyo bago pa sila tuluyang ma-bankrupt. Alam na rin nito ang tungkol kay Matilda. But in order to protect his sister's image, he chose to keep quiet about her pregnancy.

Pero nanatili ang sama ng loob niya para sa mga Castillo. Lalo na kay Efren. It was common sense for Hermes. His sister would not hide her pregnancy kung pinandigan ito ni Efren. At dahil sa mga nangyari, may conclusion na siya na hindi pinanindigan ni Efren ang kapatid niya.

He'll pay.

Nagulat siya nang pasukin siya sa office room ng isa sa mga katulong nila.

"Sir Hermes, si Sir Israel inatake!"

Dali-dali niyang iniwanan ang gawain para madala agad ang tatay niya sa ospital.

But he was dead on arrival.

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon