Chapter Four - First Kiss

4K 73 0
                                    


Nakita ni Matilda si Abby na mag-isa lang na nakatayo sa tabi ng main entrance ng university kinabukasan. Nakalugay ang mahaba nitong kulot na buhok na may ribbon sa magkabilang side ng kanyang ulo. She looked like a vintage porcelain doll.

Nakakapagtaka, isip niya. Nasaan na sila Courtney?

Nilapitan ito ni Matilda. "Hi, Abby."

"I am waiting for you," ngiti nito saglit, napalitan kasi iyon ng pag-aalala. "Oh? Bakit para kang Biyernes Santo? What happened?"

Napayuko lang si Matilda at umiling-iling.

"Come on, Matti, tayo na nga lang ang magkakampi dito magsi-secret ka pa sa akin?"

Inangat niya ang tingin para salubungin ang mga mata ni Abby. "What do you mean na tayo na lang?"

"Friendship over na tayo kina Maddie at Courtney, Matti. Ayaw na nila."

Matilda snorted. "So what? Who needs them anyway? Doon na sila sa mga lalaki nila. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos puro paglalandi ang iniisip nila."

Natawa na lang si Abby. "So, tara? Let's go to our first class na?"

Ini-unlock ni Matilda ang cellphone para i-check kung anong oras na. Nagulat siya.

"Hala! Male-late na tayo! Let's go!" hila niya kay Abby.

After Marketing class, 2 hours pa bago ang next subject ni Matilda kaya naman nagpasya siya na pumunta ng library.

Daddy, sana gumaling ka na. Tumulo na ang luha sa kanyang pisngi. Daddy, please... hindi pa ako nakakabawi sa lahat ng kamalditahan ko noon sa iyo. I always go out with my slutty friends... Well, they are slutty except Abby...

"Umiiyak ka na naman."

Pag-angat niya ng ulo si Efren ang bumungad sa kanya. Nakaharang na ito sa lalakaran niya.

"Ha?" she quickly wiped her tears. "Umiiyak? Sinong umiiyak?" Lumingon siya sa likuran niya na tila may hinahanap. "Nasaan?" Hinarap niya si Efren. "Hala, hindi kaya... may white lady dito sa university?"

"Ewan ko sa iyo, Malditang paranoid." Nagtitimpi na lang talaga si Efren sa pagiging sobrang denial ng kaharap niya. "Alam mo sa sarili mo na ikaw ang umiiyak."

"So?" nguso niya.

Ngumisi na ang demonyo. "Siguro naiiyak ka na kasi wala ka pang ka-date sa Valentine's party." Tumatawa-tawa na ito. "Sabi ko naman kasi sa iyo eh, ikaw na ang ide-date ko sa party ayaw mo pa."

She crossed her arms. "Wow ha? Bakit ba ako ang kinukulit mo?" Ginantihan na niya ito ng pang-aasar. "Wala sigurong may gustong makipag-date sa iyo, no?"

"Weeeh," napailing-iling ito, tila sinasabi na walang epekto ang banat niya dito. "Punong-puno na nga ang inbox ko eh. Ang tanong nila lagi sa akin, Efren, may date ka na para sa party?"

"Alam mo ba kung bakit tinatanong ka nila? Sinisigurado lang nila na magiging alone ka sa party mo! Ha!" At tinawanan na niya si Efren.

"Ikaw nga ang magiging date ko, magiging alone ka diyan," sinimulan na siyang ikulong ni Efren sa bisig nito, nakapulupot ang bisig nito sa leeg niya na tila sasakalin siya habang ginugulo ang buhok niya.

"Ayokooo!" pagpupumiglas niya. "Bakit hindi si Marie ang yayain mo?"

Napabitaw si Efren sa kanya at pinihit si Matilda paharap sa kanya. "Si Marie?"

Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon