Nagtaka si Abby dahil imbes na huminto sa tapat ng gate ng condominium building na tinitirahan ang kotse ni Miggy, pumasok ito hanggang sa underground parking nito.
"Wow, ha? Dati sa tapat lang ng gate mo ako binababa," palo niya sa braso nito.
"Shut up. Tatambay ako sa unit mo."
His eyes were focused on where he was driving. Pinanlakihan naman ito ng mga mata ni Abby.
Abby Dela Vega was still her same self, unica hija ng mga Dela Vega at sunod sa layaw. Hindi naman abusado sa aspetong iyon si Abby pero sa usapang career wala siyang trabaho. She was a klutz when she had her training in their company. Siya sana kasi ang gustong gawing manager ng papa niya sa isa sa mga branches ng clothing line nila kaya lang hindi siya pumasa sa nag-evaluate sa kanya. Since her father was a fair man, he decided not to push her for the position. Her only job became being their own clothing line's model para sa mga brochures nito at iba pang displays o advertisements. Nakahiwalay na siya ng tirahan sa mga magulang. Since all of her friends moved to Manila like Miggy, Abby was left with no choice but move to Manila as well. Besides, nandito rin naman ang main office ng clothing line nila.
"Tatambay?" napalo na naman niya ito sa braso. "Hoy, Miggy, sabi mo kahapon ihahatid mo lang kami ni Matti sa bahay namin tapos babalik ka pa ng office."
He parked the car before he replied, "That was yesterday, Abby. Please lang, give me time to be ready to face Effy. Panigurado mang-iinterrogate iyon pag nagkita kami."
Abby gasped. "How could you! Sinabi mo kay Efren?"
"I can't help it!" pinatay na niya ang makina ng sasakyan. "Sinabi ko na sa kanya kanina para hindi siya magalit kung bakit hindi ako um-attend ng meeting kanina!"
Lumabas na sila ng sasakyan. Abby slammed the door shut and let out a groan.
"Paano iyan ngayon?" she groaned as Miggy followed her to the closest elevator. "Bakit lumala lang si Efren sa malalaman niya."
"Kaya nga ayoko magpakita sa kanya, okay?"
May lumabas na lalaki sa elevator bago sila nakasakay. Dahil sila lang naman ang nasa loob nito, tinuloy lang nila ang pinag-uusapan.
"Shit, help me, Abby," he combed his hair with his fingers. "For sure, he will ask me about Matilda."
Sinandal ni Abby ang likod siya sa elevator at humalukipkip.
"Ano kaya?" Hindi mapakali si Miggy. "Maybe I should tell him na hindi natuloy yung flight ni Matilda."
"Kung ako sa iyo, hindi ako magsisinungaling," Abby stared at the ceiling.
Niyugyog na ni Miggy si Abby. "Abby! Anong gagawin ko!? Kapag malaman niyang may anak na si Mat--"
"Ano ba, Miggy! Huwag mo akong hiluin!" hampas niya sa mga braso nito na nakahawak sa balikat niya.
***
Matilda kissed Hermes on the cheek. He just smiled and placed an arm around his sister. Nakatayo sila sa loob ng kwarto ni Matilda sa bahay nila sa Tagaytay. Nakahiga na sa kama niya si Ephraim at mahimbing na natutulog.
"How's your flight?"
"Ayos lang, Kuya."
Hermes was already engaged to his long-time girlfriend, Alexandra, isa sa mga dahilan ng pag-uwi ni Matilda ang kasal nila sa susunod na buwan.
Maliban doon, umuwi na siya dahil sa tingin niya dumating na ang tamang panahon para ipaalam niya kay Efren kung bakit siya umalis ng walang paalam at para ipaalam dito ang tungkol kay Ephraim.
BINABASA MO ANG
Seven Minutes In Heaven (COMPLETE)
RomanceRated SPG - R18+ Efren brought Matilda a lot of problems and he tried his best to make her feel better by loving her to the extremes. But one day, after an argument, she just left without saying goodbye. He promised to wait for her. He vowed to rema...